Ang Megan ay isang brand name tulad ng iWhite. Hindi ito pangalan ng ipinalit sayo.
Megan Peel Off Clay Mask with Charcoal Extract ay mabibili lamang sa 711 at Puregold. Worth of Php25 in Puregold at Php29 in 711.
Sa experience ko, sabi nila may ganito raw sa Puregold. Aba! Niloloko ako ni internet, 'yung Puregold namin dito puro iWhite products, walang Megan products na naligaw, parang 'yung crush ko 'di man lang siya naligaw papunta sa'kin. Sa 711 lang sure akong meron nito. Sure akong may babae talaga siya.
PROCEDURE
Ang Procedure nito ay parehas lamang po ng WH: iWhite Nose Pack (see: previous chapter)
EPEKTO
Mas maraming makukuhang white heads ito kumpara sa iWhite Nose Pack.Info. in using this product: (first time mo)
1. Dahil nga maraming white heads ang makukuha nito dahil madikit talaga itong product. Asahan mong iiyak ka ng balde balde. (Evidence? Search vlogs of some Youtuber na gumamit nito) Kaya 'wag ka ng magtaka kung marami siya ng babae, chick magnet pinili mo eh.
2. Kapag tinanggal mo tapos hindi pa tuyong-tuyo, may clay na matitira sa mukha. Unlike iWhite Nose Pack na kapag may hindi natuyo, mawawala pag pinahidan ng tubig, ang Megan Peel Off Clay Mask with CE ay kailangan mo pang kuskusin para matanggal.
3. Kailangan mo siya ilagay sa lugar na hindi mainit. Bakit? Naaapektuhan kasi ang pagiging epektibo nito. Kapag expose sa init, hindi masyadong madikit and vice versa. Kaya kailangan mo iparamadam ang INIT ng iyong pagmamahal para hindi na siya dikitan ng mga hipon at ahas.