SSPF: Tomato Face Scrub

162 2 0
                                    

Dito naman tayo sa natural na pamamaraan para magkaroon ng smooth, soft and pinkish face. Mas maganda talagang sa natural tayo, yung natural na mahal ka niya talaga. Hindi ka nag-iilusyon lamang para maging totoong blooming ka hindi dahil sa mga make ups na nilagay mo.


INGREDIENTS & MATERIAL

1 or 2 Red Tomato

White Sugar

Any Paper (optional)


PROCEDURE

1. Hiwain sa gitna ang kamatis at ilagay sa platitong may nakalagay ng asukal. Hiwain mo na rin ang puso't isip niya baka kasi ibang babae ang nandyan at hindi ikaw.

2. Maghilamos muna bago mag-tomato scrub.

3. Ipahid ang kalahating kamatis na may asukal sa mukha.

4. Ipahid ito paikot sa mukha hanggang sa mawalan ng katas. Paikot-ikot na tanong hanggang mahuli mong may babae siya.

(Kapag ginagawa ito sa kwarto, dapat may papel sa sahig dahil natulo ang katas ng kamatis)


EPEKTO

Dahil nga scrub ito, tinatanggal nito ang dead skin kaya ka nagkakaroon ng smooth, soft and pinkish face. Dahil rin sa mga banat niya sa'kin dati ay nagkakaroon ako ng reddish face in tagalog pamumula ng mukha, pero ngayon mga banat niyang para lang 'daw' sa'kin ay naging sanhi upang mamula ang aking mata kasi alam kong hindi lang ako ang ginagamitan niya ng banat. MARAMI KAMI.

BEAUTY TIPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon