Ang katialis ay isang ointment na pwedeng gamitin pampawala ng pimples. May hindi kaaya ayang amoy ito kaya kung gusto mo mawala ang pimples mo, tiis ka na lang.
Mabibili ang Katialis sa mga botika tulad ng Mercury Drug. May tig-Php40 ito at Php 55 na pinakamalaki sa kanila (60 ml ata ito) , pero ang pagmamahal niya kahit gusto kong bilhin ng pera hindi pa rin siya magiging akin.
PROCEDURE
Sa malinis na mukha maglagay lamang ng Katialis sa may pimples, huwag sa buong mukha. Mas maganda kung tuwing gabi ka maglalagay nito dahil sa amoy nito. Pagka-umaga naman ay maghilamos ka gamit ay Safeguard.Huwag beauty soap kasi mangangamoy Katialis ka pa rin. Pero kahit nangangamoy babae siya noong minsang nagkita kami, hindi ako nagduda. #Masakit
EPEKTO
Dahil hindi naman ito natural, asahan mong may side effect ito. Kapag may malaki kang parte sa mukha na nilagyan (kasi kumpulan ang pimples doon), asahan mong mahihirapan ka tanggalin ang pamamalat. Sobrang hirap nito tanggalin, kaya kailangan mo ng scrub o hilodin mo habang naliligo ka para matanggal. Pero kahit gaano ko gustong paalisin siya sa isip ko, ayaw naman ng puso ko.RECOMMENDATION
Nung sinubukan ko ito, gumamit ako ng PONDs sa mukha para matanggal yung pamamalat habang naliligo ako. Take note, cream ang ginamit ko hindi facial scrub, effective naman siya pantanggal. Effective rin pantanggal ng sakit ang kumain, pansamatala.Pero may mga makukulit talaga, ayaw niya matanggal. Mahilig akong maglagay ng cream o pulbos kaya kapag hindi ko tinanggal ang pamamalat, 100% halata siya, kaya ang solution ...
PETROLEUM JELLY
Maglagay nito bago ka magpahid ng kung anu-ano sa iyong mukha. Kumbaga, concealer mo ito para matakpan ang pamamalat. Pwede rin itong gawing scrub para mawala si pamamalat.
Addition INFO 'bout Petroleum Jelly
Maari kang maglagay nito sa buong mukha bilang moisturizer. Huwag nga lang masyadong makapal, okay? Pwede ring maglagay ng ngiti para hindi halatang alam mo ng may iba pa siya bukod sayo.
Recommended Brand:
VASELINE PETROLEUM JELLYPhp 50 lamang ito. Price varies kung saan ka bibili. PS. Wag kang bibili sa 711, mahal dito eh. Haha.
Addition INFO 'bout using Katialis
Hindi siya pwedeng gamitin kung tadtad ka nang pimples sa mukha dahil mawawala ang pagkalambot ng mukha mo. Kaya kapag tadtad na nang kasinungalingan ang sinasabi niya, 'wag ka na maniwala kasi magiging masokista ka lang.