Keneth's POV
"Wala ba tayong pwedeng gawin?" Tanong ko kay Chief habang pinapanood namin ang nangyayari kay Zoe.
Nagbuntong hininga siya. "Mukhang wala, kagaya ng sinabi ko, si Ama lamang ang pwedeng makaalam ng mangayayari, siya lang ang pwedeng magsabi ng mga paraan tayo lang ang gagawa." Sabi niya.
"Nakakaawa naman si Zander, si Zoe. Silang dalawa. Parehas lang sila naipit, nagmahal, nasaktan at namatayan..." Sabi ko.
Sobrang sayang...
Nag buntong hininga ako. Nakita ko si Ama na bumaba mula sa kaniyang trono. Lumuhod kaming lahat. Pagkatapos ay hinawakan niya ang mga ulo namin habang naglalakad siya.
"Nakakaawa ang pangayayaring 'yan..." Sabi ni Ama.
Ano kaya kung sabihin ko sa kaniya?
Tumayo ako at humarap sa kaniya. "Mahal kong haring Ama, may sasabihin po ako, ako ba'y iyong hahayaan?" Magalang na tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya.
"Alam ko ang sasabihin mo Keneth, huwag kang mag-alala dahil 'yun naman talaga ang aking gagawin." Sabi niya na ikinasaya ko.
Hindi na ako nabigla dahil talagang ginagawa niya na 'yan.
Miracles.
"Maraming salamat Ama..." Ngumiti siya at humarap sa amin. "Pagpalaain kayo ni Ama." Sabi niya at nawala sa aming harapan.
Zoe's POV
Nandito pa rin ako at tahimik na umiiyak habang niyayakap ang malamig na katawan ni Zander.
Ang tagal ko ng nandito, hindi ko alam kung aalis pa ako, hindi ko siya kayang iwan.
Pero alam ko namang wala kaming magagawa para pigilan ang pag alis niya.
Napatingin ako sa isang lalaking kakarating lang.
Kilala ko siya...
Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kaniya pagkatapos ay lumuhod. Hindi ko namamalayang pumatak ang mga luha sa aking mata.
"Pakiusap, b-buhayin niyo si Zander... alam kong wala akong karapatang humiling pero maari niyo po bang pag bigyan?" Umaasang tanong ko.
Tumingala ako at nakita siyang nakangiti sa akin. Inalalayan niya akong tumayo.
"Lumayo ka muna sa amin at mag pahinga sa isang tabi. ang kahilingan mo ay aking tutuparin." Sabi niya. Ngumiti naman ako at niyakap siya.
"S-salamat po!" Masigla kong sabi at ginawa ang inutos niya.
Pagkatapos kong umupo sa may gilid, tiningnan ko ang lalaki na hinaplos ang ulo ni Zander, kasabay nun ay ang paglakas ng hangin.
Sunod niyang hinaplos ang dib dib ni Zander kung saan nakalagay ang kanyang puso, biglang may lumabas na itim na usok sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. (Completed) (Editing)
SpiritualAng story na ito, ay tungkol sa isang babaeng hinihintay ang kanyang true love, prince charming, love of my life, or what ever you call that. Matagal na siyang naghihintay at lagi siyang nabibigo. One day, ang kaibigan niya ay nag suggest ng paraan...