Zoe's POV
Mag iisang linggo na ang nakalipas at nandito pa rin kami sa boracay. Sina Nica at Dex ayon, nagkakamabutihan na.
Nandito ako ngayon sa dalampasigan habang pinapanood ko sila besh lumalangoy, medyo marunong na lumangoy si Nica, tinuruan kasi namin siya ni Dex.
Simula ng gabing 'yun, hindi na talaga siya nagpakita sa 'kin...
Atleast ngayon may nalaman akong isang bagay sa kaniya, he keep his words.
He always do what he said, and that thing makes me admire him more.
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad, walang magawa eh.
"Beshh!!" Rinig kong tawag sa 'kin ni Nica, liningon ko naman siya "Halika maligo ka na!" Yaya niya.
May binulong naman sa kaniya si Dex na nasa likod niya lang, ang sweet naman nitong dalwang toh,
Nakakainggit, naunahan pa ako ni Nica magkaroon ng love life...
"Well, atleast you have me now." Narinig kong sabi mula sa likod ko.
Ang boses na 'yun...
Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at nakita si Zander na nakatingin sa 'kin, hindi ko maaninag ang kukha niya dahil sa araw, pero tinakpan niya ito.
"Zander.." Bigla na lang lumabas sa bibig ko, nginitian niya ako at hinalikan sa noo.
Tug tug tug tug
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bakit ngayon ka lang?" Wala sa sariling tanong ko. Napansin ko ang pag kabigla niya sa tanong ko pero muling ngumiti.
Hinawakan niya ang pulso ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya para bigyan ako ng yakap.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. "I'm sorry, nabagot ka ba?" Umiwas naman ako ng tingin.
Narinig ko ang mga yabag palapit sa amin at nakita ko sila Nica.
"Bro!" Bati ni Dex at nag appear sila ni Zander. "Thanks for being here when I was gone.." Pasalamat ni Zander.
"Parang isang taon ka namang nawala, mag iisang week pa lang 'yun ah?" Singit ni Nica, natawa naman kami sa sinabi niya, maliban dun sa isa.
Tumingin ako kay Zander at nahuli siyang nakatitig sa 'kin, na ikinamula ko.
"B-bakit?" Tanong ko. "I really love your laugh and smile." Sabi niya, nagsitigil naman sina Nica sa pagtawa.
"But I really love you the most." Dagdag niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Para naman akong matutunaw...
"Okay tama na 'yan, kain muna tayo dun kasi maghahapon na.." Putol ni Nica bago kami inirapan.
Na una na sila Nica at Dex pabalik sa cottage habang kami, nandito pa rin sa dalmpasigan, magkatitigan.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. (Completed) (Editing)
SpiritualAng story na ito, ay tungkol sa isang babaeng hinihintay ang kanyang true love, prince charming, love of my life, or what ever you call that. Matagal na siyang naghihintay at lagi siyang nabibigo. One day, ang kaibigan niya ay nag suggest ng paraan...