Beth's POV
Mag iisang araw ng wala si Zoe, matapos ang gabi na ginawa niya ang sinabi ko, hindi na siya bumalik pa, pinaliwanag naman namin kay Nica 'yung nangyari at sobrang nag alala siya.
Flashback
Narinig namin ang kotse ni Nica mula sa labas ng bahay, agad kaming tumakbo papunta sa kaniya.
"Anong nangyari? Asan na si Zoe?" Tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa kwarto ni Zoe.
"Nica, kanina kasi ano, papano ba 'to?" Tanong ni Anna. "Ako na ang magpapaliwanag... kanina, habang natutulog si Zoe sa kwarto niya, pumasok kami na may dala dalang camera, gusto kasi naming makita kung gagawin niya ba 'yung mirror na sinabi namin sa kaniya. Kaya napanood namin sa camera lahat ng mga nangyari, pagkatapos niyang sabihin ang chant ay may lumabas na abo sa salamin, tapos bigla nalang namatay 'yung camera, pumunta kami sa kwarto niya at nakita siyang karga-karga ng isang matangkad na lalaki, tapos nun bigla na lang silang nawala." Mahabag paliwanag ko.
"Oo nga tapos nang tiningnan namin ang camera basag na, pati na rin ang salamin, basag na basag." Dagdag ni Lily habang pinakita kay Nica ang kwarto ni Zoe.
Kakaiba nga ang pagkabasag ng salamin eh, wala talagang natirang debris. Para bang may lumabas mula doon.
"Nakita niyo ba 'yung mukha ng lalaki?" Tanong ni Nica habang nagmamasid masid sa kwarto. Umiling naman kami.
"Binuksan namin 'yung ilaw pero sumabog lang 'yun." Sagot ko.
"Ano sa tingin niyo tao ba 'yun?" Tanong ni Anna sa 'min. "Satingin ko 'yung lalaki, demonyo." Sabi ni Lily habang nagiisip nang malalim.
"Paano kung hindi?" Tanog ni Anna. "Nakita naman nating abo 'yung lumbas sa salamin diba?" Sarkastikong tugon ni Lily.
"Oo nga, nakita niyo nga, pero hanggang dun lang naman 'yung nakita niyo diba kasi nga sumabog na yung camera." Sabat naman ni Nica.
End of the flashback
Ngayon ay napag isipan namin na pumunta sa simbahan para magtanong sa pari tungkol sa mga nangyari.
Nag hahanda pa lang kami umalis.
Kung ano mang payo ang sabihin ng pari, gagawin namin.
Zoe's POV
Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. Pero nananatili akong nakapikit.
Naaamoy ko din ang pabangong nakakaadik amuyin, minulat ko ang mata ko at nakita si Zander na nakatitig sa akin.
At sobrang lapit nya...
"You're awake sleepyhead..." Sabi niya at lumayo sa akin. Umayos naman ako ng upo.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "N-nasaan na tayo?" Tanong ko at tumingin sa labas ng bintana.
Bakit ba ako nauutal?
"We're here at your friend's house." Sagot niya. Nilingon ko siya. Para akong hinihigop ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. (Completed) (Editing)
EspiritualAng story na ito, ay tungkol sa isang babaeng hinihintay ang kanyang true love, prince charming, love of my life, or what ever you call that. Matagal na siyang naghihintay at lagi siyang nabibigo. One day, ang kaibigan niya ay nag suggest ng paraan...