5 years passed
(Twenty two yearsold na po si Zoe dito)
Zoe's POV
Nandito kami sa event para sa kasal nila Nica, oo kasal nila Nica at Dex. Hayys buti pa sila ikakasal na.
"Babe, come here." Sabi ni Zander at hinawakan ako sa kamay.
Masaya, sobrang saya, naging okay na ang lahat, kami, sila, tayo... naging tao na talaga siya.
Bumalik na sa dati ang itusra niya, but still ganon pa rin ugali nya... napangiti ako.
"Babe." Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Lagi siyang ganyan pag may nakikita siyang nakatingin sa akin.
He's possesive.
Umiling na lang ako. Sobrang ganda ng beach, sa beach kasi sila ang venue, pero meron din naman ditong simbahan.
Naka-ayos din 'yung simbahan, may kasalan din sigurong nangyayari dun... sana ako din ikakasal na...
"What are you thinking about hmm? Care to share it babe? Alam mong hindi na ako immortal para makabasa ng isip mo." Sabi niya ngumiti naman ako at umiling.
"I'm happy for Nica, sobrang ganda ng beach wedding nila..." Puri ko.
Hindi ko na nga nakikita si Nica kasi inaayusan pa ata.
(Wala pong alam si Author sa mga wedding thingy, kaya hehehe advance sorry.)
Ewan ko sobrang kaba ko, parang may mangyayaring masama ehhh...
Medyo nagtatampo ako kay Zander kasi anniversary namin ngayon, pero hindi pa niya ako binabati, ako din, hindi ko siya babatiin kung hindi syia ang unang bumati.
#Couplegoals
Phone rings~
Caller: Nica
Tumingin naman sa 'kin si Zander.
"Who's that?" Tanong niya. "Nica." Tumango naman siya, tumayo na ako at sinagot ang tawag.
"Beshh!! Kailangan ko ng tulong mo." Sabi ni Nica sa kabilang linya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Anong nangyari??" Nag aalalang tanong ko sa kaniya.
"Ma lelate kami eh, nasira 'yung gown ko, nandito pa ako inaayusan... pwede mo bang tingnan 'yung emergency gown ko? Nandyan sa hotel." Sabi niya.
"Ha? Titingnan ko lang, dadalhin ko ba dyan?" Nagmamadali kong tanong.
"Hindi besh, mag kasukat naman tayo eh, isuot mo lang 'yun tapos tawagan mo ako pag okay na, mag paayos kana rin ng make up mo dyan, tapos pag nasoot mo na yung gown antayin mo akong dumating bago ko isoot. Okay. Bye beshhhh. Lab you." Mabilis na sabi niya.
"A-ano??" Naguguluhang tanong ko pero binaba niya na 'yung tawag bigla namang dumating si Zander.
"Tara na sa hotel?" Medyo kabado niyang tanong...tumango naman ako
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. (Completed) (Editing)
SpiritualAng story na ito, ay tungkol sa isang babaeng hinihintay ang kanyang true love, prince charming, love of my life, or what ever you call that. Matagal na siyang naghihintay at lagi siyang nabibigo. One day, ang kaibigan niya ay nag suggest ng paraan...