chapter four

6.6K 122 3
                                    


Gais 'yung pic, 'yan 'yung kamang tinutukoy ni Zoe mamaya pag binasa niyo na itong chapter. Enjoy reading!

(Currently editing the book)

💙💙💙



Cringgg!




Nagising ako sa tunog ng orasan at sakto itong 11:45pm. Sinadya ko talagang mag alarm para i-try 'yung mirror thing.




Pero kinakabahan ako, baka kasi... isang ano 'yung lumabas... natatakot ako, pero baka hindi naman kaya i-tatry ko pa rin.






Inabot ko ang pulang kandilang nakababaw sa lamesa na binili ko kanina. Nandito pa rin kami sa bahay ng mga pinsan ni Nica, pero mag-isa lang ako dito sa kwarto.






Umalis kasi si Nica kasama iba niyang pinsan, hangggang ngayon ay hindi pa rin sila nadating, traffic daw kasi.





Traffic sa province? Ewan ko sa kanila.





Sinindihan ko na ang kandila bago sumilip sa orasan.


Time check, 11:58 na!



Humarap na ako sa salamin at hinintay mag 12:00am.






Palakas nang palakas ang pintig ng puso ko habang naririnig ko ang pag galaw ng orasan, maya-maya pa ay nag 12am na.







Sinimulan ko ng sabihin ang chant. At habang sinasabi ko ito, parang nahihilo ako na hindi maintindahan.







Biglang lumakas ang hangin nang matapos kong sabihin ang chant. Tumingin ako nang diretso sa salamin at nakita ang iba't ibang mukha dito, mabilis ang pagpapalit ng mukha rito.






Hindi ko akalaing totoo talaga.





Mas lalong lumakas ang hangin, at nagsimulang kumalampag ang mga gamit hanggang sa may lumabas sa salamin.




Hindi ko inaasahan ang lumabas roon, isang kulay itim na parang abo, kasabay nito ay may narinig akong nabasag na bagay, pero hindi ko ito pinansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa salamin.







Pagkatapos ng itim na abo ay may lumabas na mukha ng isang lalaki, nakatingin siya nang diretso sa akin.






Para bang hindi siya na sa salamin. Para bang nakikita niya talaga ako.




Namatay ang ilaw ng kandila kasabay ng pagdilim ng aking paningin...






Beth's POV





"Anong nangyari?! Ba't namatay 'yung camera!?" Natatarantang tanong ko kina Anna.





"Ewan ko..." Sabi nila at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Zoe. Agad ko naman silang sinundan.






Nang pumasok kami sa kwarto ay may nakita kaming isang matangkad na lalaki na buhat-buhat si Zoe, bumilis ang tibok ng puso ko.




S-sino 'tong lalaking 'to? P-papano siya nakapasok sa bahay? A-anong gagawin niya kay Zoe?






Binuksan ko ang ilawbpero sumabog lang ito. Kaya napatakip kami sa tenga.







"Anong kailangan mo sakanya?!" Tanong ni Anna sa lalaki.




Tumingin naman ito sa amin at bigla na lang naglaho sa dilim... kasama si Zoe.






12:00 A.M. (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon