Keneth's POV
Nandito kami sa labas ng palasyo ni Lucifer, ang dating anghel na nagtaksil. Nandito kami para makipag-usap sa kanila.
"Tuloy kayo." Sabi ng isang lalaki. Pumasok na kaming dalawa ni Chief.
Dalawa lang kaming pumasok pero marami kaming nasa labas, kung sakaling makipaglaban sila. Nakahanda kami.
Sinamahan kami ng lalaki haggang sa makarating kami sa isang malaking kwarto, pagkatapos ay pinagbuksan niya kami ng pinto.
Nakita namin si lucifer na nakatayo kasama si Lucy, ang dating nakipagsundo sa amin.
"Tuloy kayo." Wika ni Lucifer at umupo sa swivel chair niya. "So, babaguhin natin ang plano, dahil ngayon ay kakampi niyo ako, mas mapapabilis ang lahat." Sabi nito.
"Nandito kami para baguhin ang plano." Sabi ni chief. Tumango naman sila. "So anong plano niyo?" Tanong ni Lucy.
"Ang plano ay hindi kami aanib sa inyo." Sagot ko at ngumisi. Kumunot naman ang mga noo nila.
"Diba napag-usapan na natin to?" Tanong ni lucy at tumayo.
"Oo nga, pero bawal bang mag bago ng isip?" Tanong ko ulit.
"Aalis na kami, at kalimutan niyo na ang mga maling kasunduan natin, dahil maling-mali ang makipagkasundo sa mga katulad niyo." Sabi ni chief at tinalikuran namin sila.
"Angels, angels, angels, baka nakakalimutan niyong wala kayo sa langit, nasa impyerno kayo. Sa teritoryo namin." Sabi ni lucifer.
"Pero nasa amin si Ama, at kung hindi niyo kami paalisin, makikipaglaban kami...." Sabi ni chief. Nagsimula na kaming maglakad ulit.
"Kaya niyo ba akong lamangan? Eh dadalawa lang kayo." Sabi ni Lucifer at tumawa, sumabay naman sa tawa si Lucy.
"Devils, devils, devils. Hanggang ngayon ba naman ay sobrang kitid pa rin ng utak niyo? Sa tingin niyo ba ay hindi namin alam na mangyayari toh?" Tanong ko at pinasabog ang kisame nitong palasyo para makaalis.
"Kunin sila!!!" Rinig kog sigaw ni Lucy bigla namang nagkaroon ng mga pak pak ang akala kong normal lang na tao kanina, pagkatapos ay hinabol kami.
Ngumisi ako. Makakapaglaro na rin ako sa wakas!!
Lumipad ako pataas at tumigil sa gitna, nakita kong unti-unti ng sumasara ang daan palabas kaya tumingin ako kay Cheif.
"Ang trumpeta!!" Utos niya, kinuha ko naman ito sa aking bulsa at humigop ng hangin at hinipan ang trumpeta, nakita kong napatakip silang lahat dahil sa malakas na ingay.
Nawasak ang daanan at bumukas ang lagusan papuntang kagubatan. Lumipad na kaming mga anghel palabas.
Sayang, umalis kami kaagad...
Lucy's POV
"Ayusin niyo ang lagusan!!" Utos ko sa mga mangagawa dito sa impyerno.
BINABASA MO ANG
12:00 A.M. (Completed) (Editing)
SpiritualeAng story na ito, ay tungkol sa isang babaeng hinihintay ang kanyang true love, prince charming, love of my life, or what ever you call that. Matagal na siyang naghihintay at lagi siyang nabibigo. One day, ang kaibigan niya ay nag suggest ng paraan...