Prologue

6.8K 139 4
                                    

NAKATAKDANG makaisang dibdib ni Olivia si Supremo, na Panginoon ng kadiliman, ang Hari sa buong Vampire Kingdom at ang unico hijo ng pinakamataas na antas at pinakamalakas sa lipi ng mga bampira.

Ipinagkasundo sina Supremo at Olivia na maikasal sa isa't isa para mas lalong palakasin ang kapangyarihan ng kanilang angkan at maghari sa buong kalawakan laban sa ibang mga nilalang na gustong maghari sa buong mundo.

Anak si Supremo nang dating Hari ng Vampire Kingdom na si Faustino, na siya ring pinakamalakas na bampira sa lahat at anak naman si Olivia nang sumunod na pinakamalakas sa lahat na si Alfonso Alvarez.

Ngunit tumakas si Olivia sa Vampire Kingdom sa nakatakdang araw ng kasal nila ni Supremo dahil ayaw niyang maikasal sa lalaking hindi niya mahal at mas mahalaga pa dito kapangyarihan kaysa pag-ibig. Itinago niya ang pagkatao na isang bampira at nakihalubilo sa mga mortal at nagsimulang mamuhay ng katulad ng mga tao.

Alam niyang pinaghahanap siya ng mga kawal ng bampira na ipinadala ng kanyang magiging asawa, ngunit may kakayahan ang katulad niyang bampira na itago sa kapwa niya bampira ang kanyang pagkatao. Naging normal siyang mamamayan at naghanap ng trabaho katulad ng ibang tao, muling naakit ang puso niya sa pagpipinta na siyang una niyang minahal, kaya naging part-time painter.

Doon niya nakilala si Albert, na isang businessman at painting enthusiast, at nagkakilala sila ng lalaki dahil nagustuhan nito ang kanyang obra maestra hanggang sa naging magkaibigan sila at nagkapalagayan ng loob at sa huli ay nahulog ang damdamin para sa isa't isa.

Hindi niya ipinaalam sa lalaki ang tunay niyang pagkatao dahil natatakot siyang mawala ito sa kanya, ngunit nang araw na yayain siya nitong magpakasal ay ipinagtapat niya sa lalaki kung anong uri siya ng nilalang, na siyang ikinabigla nito at agad siyang iniwan na halos ikamatay niya sa lungkot.

Akala niya ay katapusan na 'yon ng relasyon nila ni Albert ngunit makalipas ang tatlong araw ay muling bumalik ang lalaki at sinabi sa kanyang mahal na mahal siya nito at hindi siya kayang limutin na siyang muling nagpanumbalik sa kanyang kaligayan. Muli siyang niyayang magpakasal na agad niyang tinanggap.

Hindi naging madali ang lahat dahil hindi nila nakuha ang pagsang-ayon ng pamilya ni Albert dahil mayroon din palang babaeng nakatakda dito. Pilit silang pinaghiwalay ng lalaki ngunit tumakas sila sa mga magulang ng lalaki at nagtanan, iniwan ni Albert ang pamilya nito at ang trabaho para sa kanya. Napadpad sila sa isang malayo at tahimik na lugar at doon ay nagpakasal silang dalawa. Pakiramdam niya ay wala nang sinuman ang makakapahiwalay sa kanilang dalawa lalo pa masaya sila at lubos na nagmamahalan.

Makaraan ang tatlong buwan ay nalaman ni Olivia na nagdadalang-tao siya na mas lalong nakadagdag sa kaligayahan nilang mag-asawa. Wala na siyang iba pang mahihiling kundi ang lumigaya sa piling ng kanyang nabuong pamilya at kalilimutan na ang pinagmulan niyang angkan dahil nakapagsimula na siya ng bagong buhay. Nahiling niyang sana ay matahimik na ang buhay niya at tantanan na ang paghahanap sa kanya ng mga bampirang inutusang hanapin siya.

KABILUGAN ng buwan noon nang maramdaman niyang humilab ang kanyang tiyan na senyalis na nang paglabas ng anak nila ni Albert. Tinawag ng lalaki ang kilalang matandang komadrona sa bayan para tulungan siyang manganak. Ang anak nilang 'yon ang simbolo nang pagmamahalan nila ni Albert.

Nagsilang siya ng isang maganda at malusog na anak na babae na pinangalanan niyang Hera at lubos-lubos ang kaligayahn nila ni Albert sa pagdating ng cute na batang 'yon sa buhay nila.

Ngunit agad ding natapos ang kaligayahan nila nang bigla niyang maamoy ang kanyang mga kauri sa paligid ng kanilang tinitirhan. Marahil ay naramdaman ang presensya niya doon nang hindi niya na-kontrol ang kanyang kapangyarihang-bampira dahil sa panganganak. Sa kaba niya ay natuliro siya kung ano ang gagawin at paano itatago sa mga kauri niya ang kanyang mag-ama para maging ligtas ang mga ito.

"Itakas mo si Hera, Albert at magpakalayo-layo kayo," mahinang pakiusap niya sa asawa. Dapat ay nagpapalakas pa siya dahil kapapanganak lang niya ngunit hindi na niya ininda 'yon dahil sa kagustuhang mailigtas ang kanyang mag-ama.

Mabilis niyang tinanggal ang kuwentas na ibinigay sa kanya ng kanyang ina nang mamatay ito, isang silver amulet na sumisimbolo ng mataas na antas sa kanilang angkan saka isinuot sa kanyang anak bago hinalikan sa noo ang bata.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Olivia?" nagtatakang tanong ni Albert. Saka niya ibinulong sa asawa ang tungkol sa mga bampirang nakapaligid at nagmamanman sa tirahan nila. Ngunit hindi pumayag si Albert na iwanan siyang mag-isa doon kaya naisipan nilang tumakas kasabay ng matandang komadroma—at magpapanggap silang assistant ng matanda.

Ngunit bago pa nila nagawa 'yon ay sinugod na sila ng mga bampira sa loob ng kanilang bahay saka siya pilit na isinasama kasama na ang batang noon ay hawak ni Albert, ngunit kahit takot at gulat dahil sa nasasaksihang mga bampira ay hindi pumayag at nagpadaig ang lalaki. Mabilis nitong inabot ang bata sa nakatulalang matandang komadrona at saka pinatakas ang mga ito.

"Tumakas na kayo, Aling Salome at iligtas n'yo ang aming anak." Pakiusap ni Albert sa matanda, na saka lang kumilos nang tapikin ng kanyang asawa. Akmang susundan ang matanda ng mga bampira ay agad na humarang si Olivia sa mga ito.

"Ako ang kailangan n'yo kaya ako ang harapin ninyo!" aniya. Saka siya saglit na bumaling sa kanyang asawa. "Sorry, Albert, sorry," malungkot na sabi niya sa asawa.

Umiling si Albert at tipid na ngumiti. "Alam kong darating ang ganitong araw, ngunit pinili ko pa ring makasama ka dahil mahal na mahal kita."

Tipid din siyang ngumiti. "Mahal na mahal din kita at hindi ko hahayaang saktan ka nila." Aniya, saka niya binalingan ang mga kauri niya at nagpalit-anyo bilang bampira.

Malakas siya dahil galing siya sa mataas na antas ng mga bampira ngunit dahil marami ang mga kawal na ipinadala at kapapanganak lamang niya ay hindi pa rin sapat ang kanyang lakas kahit sumama si Albert sa pakikipaglaban. Akmang sasaksakin si Albert ng isang bampira gamit ang matatalim nitong kuko nang mabilis siyang humarang sa harapan ng asawa at siya ang nasaksak sa tapat ng kanyang puso, na ikinagulat ng bampirang kawal. Malakas na sinuntok ni Albert ang bampira ngunit kapagdaka'y ito rin ang isinunod ng kalabang bampira.

"H-Hinding-hindi kailanman mawawala ang pag-ibig ko sa 'yo, Olivia," nanghihinang sabi ni Albert, saka nito hinawakan ang kanyang kamay.

"Kailanman ay ikaw lang ang mamahalin ko, habang buhay." Ani Olivia, saka niya pinisil ang kamay ng asawa at nanghihinang napangiti dito Paalam, mahal naming Hera. Mahal na mahal ka ni Mama at Papa... aniya bago sabay na binawian ng buhay ang dalawang nagmamahalan.

At doon nagsimula ang paghihiwalay at pagkakaroon nang malaking alitan sa pagitan ng angkan nina Faustino at Alfonso. At ang malaking paghihiganti ni Supremo sa mga mortal dahil sa pang-aagaw ni Albert sa babaeng nakatakda nitong makaisang-dibdib.

The Vampire's Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon