"NASAAN ang anak ni Olivia?" mabilis na napaayos ng upo si Faust nang umalingawngaw sa hallway papunta sa kulungan ang boses ng kanyang ama. Abala siya nang mga sandaling 'yon para gamutin ang sarili niyang sugat, na siya rin mismo ang gumawa.
Kiabahan siya sa maaaring malaman ng ama ngunit hindi niya hahayaang muling makita ng mga ito si Hera at mapatay, mas mabuti nang magkahiwalay na muna sila nang ganito at least ay ligtas siya.
Nang magamot niya ang sarili ay nilagyan niya nahiga siya kunwari para mag-sakit-sakitan ngunit kinabahan pa rin siya nang marinig niya ang mga yabag ng kanyang ama papasok sa loob ng kulungan.
"Nasaan ang anak ni Olivia?" tanong muli ng kanyang ama sa kasama nitong kawal, ngunit hindi nakasagot ang kawal. Maraming alagad ang kanyang ama, ngunit nagpapasalamat siya dahil nakalabas si Hera nang ligtas, sana lang ay nakarating na ito sa paroroonan nito.
"Nandito lang po siya kanina kasama ni Faust," mabilis luminga-linga ang kawal sa aligid pagkatapos ay nagmamadaling lumabas para magtawag ng mga kasama para hanapin ang babae.
"Alam kong gising ka, nasaan ang kasama mong babae, Faust?" tanong ng kanyang ama, at dahil alam din naman nitong gising siya ay dahan-dahan na rin siyang naupo sa upuang silya para harapin ang ama.
"Hindi ko po alam, nang magising po ako ay wala na siya dito." pagsisinungaling niya.
"Sinungaling!" sabi ng kanyang ama, nagulat siya nang mabilis itong nakalapit sa kanya saka siya sinakal sa leeg at ikinorner sa pader. Dinagundong siya ng kaba dahil sa matatalim na kulay pulang mga mata ng kanyang ama. "Sinabi sa akin ng isang alagad na pinatay mo daw ang isa pa sa mga alagad ko dahil sa pagliligtas sa buhay ng babaeng 'yon! At hindi ako magtataka kung tinulungan mo ring tumakas ang babaeng 'yon!" galit na sabi nito. Hindi siya nakasagot dahil sa sobrang takot sa mga mata nito, pakiramdam niya ay wala itong pakialam kung anak siya nito basta kung sino'ng gumalit dito ay papatayin nito.
"B-Baka nagkamali ng impormasyon ang alagad mo, ama." Kinakabahang sabi niya.
"At nagkamali din ba siya nang sabihin niya sa aking pinatuloy mo ang babaeng 'yon sa bahay ng ina mo?" hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Mukhang minanmanan siya ng mga kawal nito. "You're close to an enemy! At akala ko ba sa mga kamay mo mamamatay ang babaeng 'yon, na sa mismong harapan ko? Bakit tila yata biglang nagbago ang 'yong desisyon? Huwag na huwag mong sasabihin na umiibig ka sa anak ni Olivia at ng mortal?" galit na tanong nito.
"Paano kung mahal ko ang anak ng babaeng nang-iwan sa 'yo, ama?" tanong niya. Mas nagsiklab ang galit sa mga mata nito at halos hindi na siya makahinga sa dahil sa pananakal nito sa kanya.
"Istupido!" malakas na sigaw nito, saka smalakas na tinabig dahilan para tumama siya sa pader, nabiyak ang pader sa sobrang lakas ng impact n'yon. "Alam mo ba ang pinagsasasabi mo?"
"Ama, bakit hindi n'yo pa palayain ang galit n'yo kay Olivia at sa anak niya? Mahabang panahon na rin ang lumipas, bakit hindi na lang kayo humingi ng kapatawaran sa anak niya dahil sa pagpapapatay kay Olivia at nang matahimik na ang lahat—"
"Wala ka na bang isip, Faust? Hindi mo ba natatandaan na si Olivia at ang mortal nitong asawa ang unang gumawa ng kasalanan sa akin at nagpahiya sa buong angkan ng mga matataas na antas ng mga bampira? At ipinapalit ako ng babaeng 'yon sa isang mababang klase ng nilalang! Kaya hindi ko siya mapapatawad at ang batang naging bunga ng kataksilan niya."
Nanghihina siyang tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa ama. "Hindi pa ba sapat na binawian mo ng buhay ang dalawang nagmamahalan at inalisan ng karapatan ang anak nila na makilala ang mga magulang niya?"
BINABASA MO ANG
The Vampire's Revenge (COMPLETED)
VampirShe's not supposed to fall in love with him but too late, she already had fallen so deeply in love.