7

3K 72 0
                                    

"BAKIT KA ganyan makatingin sa dugo ko na parang gusto mong higupin? Nawe-werduhan na ako sa 'yo, Hera, ha! Feeling ko ay may bampira nang sumanib sa 'yo at anytime ay sasakmalin mo na rin ako sa leeg." Natatawang biro ni Bryce sa kanya.

Mabilis naman niya itong tinampal sa balikat. "Gusto ko ngang patayin ang mga lahi ng mga nilalang na pumatay sa mga magulang ko, tapos magiging kaisa ko pa sila? Hello!" natatawang sabi niya.

Aksidente kasing nasugat ang lalaki nang maglabas ito ng mga basura kaya sinundan niya ito sa staffs room para kumustahin ito, ngunit hindi niya din alam ang weird na nararamdaman niya nang makita niya ang dugong tumutulo mula sa kamay nito. At hindi rin niya ma-explain ang mas weirder na nararamdaman niya sa tuwing nararamdaman niya ang matinding pagkauhaw—hindi ng tubig o anupamang inumin, kundi ng dugo at kapag nakakakita siya ng dugo lalo na mula sa sugat niya o ng ibang tao ay gusto niyang inumin!

Hindi naman siya bampira o nakakagat ng bampira para maramdaman 'yon, pero bakit? No'ng bata siya ay may pagkakataon na hindi lang iisa ay nakita siya ng lola niya sa likod bahay na kinakagat ang leeg ng mga alaga nilang manok para inumin ang dugo nito na labis ikinagulantang ng matanda kaya pinagalitan siya at simula no'n ay naging aware na siya sa mga ginagawa niya—kung iisipin niya 'yon ay nandidiri siya.

Pero bakit nga kaya siya nakakaramdam nang gano'n? Lagi siyang nanghihina at gutom na gutom na hindi kayang tapalan ng anumang pagkain ang gutom at uhaw niya? Nababaliw na ba siya o patay gutom lang talaga siya? Yes, PG lang talaga ako! Pero paano niya maipapaliwag 'yong mga sugat at galos na nakukuha niya sa kung saan-saan ay basta nalang naghihilum ng mabilis at kusa nang hindi man lang siya naiimpeksyon dahil hindi niya ginagamot? At ang mga boses na naririnig niyang sabay-sabay na nagsasalita sa kung saan-saan na kung hindi pa niya pakakalmahin ang sarili ay sasabog ang ulo niya sa ingay. Weird!

"Pero naisip mo na ba ang kasagutan sa matagal nang gumagambalang tanong sa isipan mo, Hera? Kung bakit pinatay ng mga bampira ang mga magulang mo at kung ano ang nagawa nila?" tanong ni Bryce.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko pa rin maisip ang maaaring kasagutan, Bryce, ngunit may gumagambala sa isipan kong maaaring dahilan,"

"Ano'ng dahilan?"

"Maaaring nasaktan nila ang mga ito, o may nilabag silang alintuntunin ng mga bampira ngunit ang hindi maalis sa isip ko kung paano sila nadawit sa mga nilalang na 'yon?" nagtatakang tanong niya.

"Baka naman may lahi din kayong bampira." Konklusyon ni Bryce, kaya mabilis siyang bumaling sa lalaki. "Joke lang, sa mga titig mo sa akin ay parang gusto mo na akong itulak sa malapit na bangin, e." natatawang sabi nito, saka nito ini-stretch ang noo niyang kumunot.

"Hindi 'yan magandang biro, Bryce, baka may makarinig sa 'yo at anupang sabihin sa akin." Aniya.

"Sorry na," mabilis siyang inakbayan nito at iginiya palabas ng staff room dahil tapos na nitong gamutin ang sugat. "Ililibre na lang kita mamaya sa starbucks para hindi ka na magtanim ng sama ng loob sa akin." Pakonsuelo nito.

"Ayokong mag-kape! May quiz ako bukas at baka hindi ako makatulog ngayon at bukas naman ako makatulog sa klase." Aniya.

Natawa ang binata at saka inalis ang pagkakaakbay sa kanya para guluhin ang buhok niya. "Sige, libre na lang kita ng korean ramen na favorite mo bago tayo umuwi mamaya." Anito.

Bigla siyang napangiti. "Promise mo 'yan, ah!" aniya, na mabilis naman nitong tinanguan.

"Oh, tama na 'yang sweet-sweet-an n'yong dalawa d'yan, love birds, asikasuhin n'yo na 'yong bagong dating na customer," tukso ni Edong, isa sa tatlong kasamahan nila sa fastfood chain kung saan siya nagpa-part-time, na noon ay naghuhugas ng mga baso.

The Vampire's Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon