"NABALITAAN n'yo na ba ang tungkol sa dumaraming pangi-ngidnap ng mga babae at lalaking may edad disiotso? May ganitong pangyayari na rin sa mga nakalipas na taon at 'eto na naman ang mga kidnapper at ipinapapatuloy ang kasamaan. Ginagawa yata nilang sex slaves ang mga babaeng kini-kidnap nila at ang mga lalaki naman ay kinukuhanan ng mga body organs pagkatapos ay pinapatay at itinatapon na lang kung saan-saan na lang. Ang sasama nila!" naiinis na sabi ni Maggy, ka-roommate niya ito sa school dorm.
"Ayon din sa mga balita ay walang natatagpuan mga katawan o bangkay o tumatawag para sa ransom money para sa mga kini-kidnap, basta ang alam ng mga police na ayon na rin sa isang babaeng na-interview ay huling nakita ang dalawang naging biktima na may kasamang matatangkad at guwapong mga lalaki na nakasuot ng itim." Segunda naman ni Arra, na ka-roommate din niya. Sa isang kuwarto ay tatlo ang mga estudynate, ngunit mas bata ng isang taon ang mga ito sa kanya.
Wala siyang mai-comment sa usapan ng dalawa dahil hindi naman siya nanunood ng TV, nakikinig ng radyo, nagbabasa ng diyaryo o gumagamit ng social media, nasa google lang siya madalas. Kaya nanatili na lang siyang nakikinig sa mga ito habang abala siya sa pagre-reseacrh patungkol uli sa mga kalaban na gusto niyang talunin.
Dati ay may text clan siya na naniniwala din sa mga bampira, nahanap niya ang mga taong ito sa isang vampire site at ilan sa mga 'yon ay naging kaibigan na niya at ang isa nga doon ay si Bryce, na kasamahan niyang part-timer sa fastfood na pinapasukan niya, isang taon ang tanda nito sa kanya at nag-aaral sa ibang paaralan. Madalas niya itong kakuwentuhan tungkol sa mga blood suckers, kasa-kasama sa pagre-research at paggawa ng mga armas na maaaring magamit laban sa mga bampira. Mukha silang mga baliw sa ginagawa nila pero mas mabuti na ang handa.
Ang katunayan ay may isang malaking bag siya, na naglalaman ng mga sandata; gasoline at garlic oil at maraming lighters, high concentrated colloidal silver na maaari niyang i-inject sa katawan ng bampira—siya mismo ang gumawa n'yon sa kanilang school library, maraming matutulis na kahoy na maaring itarak sa dibdib ng bampira, mga patalim, at kahit alam niyang may mga bampirang immuned na sa crucifix at holy water ay nag-ipon pa rin siya ng mga 'yon—tanging sila lamang ni Bryce ang may-alam ng laman ng kanyang malaking bag na nakatago sa kanyang locker, wala din naman kasing maniniwala just in case sabihin niyang totoo ang mga blood suckers.
Lagi siyang pinapaalalahanan ng lola niya dati na wala siyang kalaban-laban sa mga pumatay sa mga magulang niya, ngunit hindi siya maaaring maupo na lang sa tabi at ipagsawalang-bahala ang lahat. Dahil sa mga nilalang na 'yon, hindi niya nasubukan may tinawag na mama at papa, hindi niya nasubukang matikman ang luto ng kanyang mama o makarga ng kanyang papa. Ipinagkait nang maaga ng mga ito ang kaligayahan na inaasam ng puso niyang maranasan simula pagkabata—at hindi siya makakapayag na maghari ang kasamaan ng mga ito kapag naglaon.
"Ayon pa sa narinig kong chismis ay may pagka-misteryoso ang mga lalaking nangingidnap sa mga bata dahil parang mayaman naman ang mga ito dagdag pa na hindi naman humihingi ng mga ransom, o baka mga adik lang talaga."
"May pagka-misteryoso ang mga lalaki? May kakaiba pa ba silang napapansin sa mga lalaking nakikitang nangingidnap; tulad ng mapuputla ang mga mukha? May suot na dark shades? O may matutulis na pangil?" mabilis niyang putol kay Maggy, at agad na itinigil ang ginagawang research para humarap sa mga ito.
Minsan ay may narinig na rin siyang ganitong kaso ngunit akala niya ay pangkaraniwang kidnapping lang kaya binabalewala niya, ngunit ngayon ay tinubuan siya ng curiousity lalo pa at kinutuban siya.
Tumango-tango ang dalawang babae sa kanya na nagtataka dahil kanina ay parang wala siyang pakialam hanggang sa marinig niya ang parteng 'yon kung saan siya na-curious. "May nasabi din ba sa balita kung bakit mga eighteen years old lang ang binibiktima?" tanong niya sa dalawa, na sabay nagkibit-balikat.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Revenge (COMPLETED)
VampireShe's not supposed to fall in love with him but too late, she already had fallen so deeply in love.