16

2.2K 69 0
                                    


Ngumisi ang dalawang lalaki sa kanya. "Mukhang hindi na lang ikaw ang dapat naming isama." Sabi ng lalaki kay Faust. Akmang hahawakan siya ng isang lalaki ay mabilis siyang nahila ni Faust sa likuran nito para protektahan siya.

"Layuan n'yo siya! Hindi siya kasali sa usapang ito at sasama ako sa inyo pero lubayan n'yo siya!" Ani Faust.

Mabilis naman siyang bumitaw sa pagkakahawak ng lalaki. "Hindi ako papayag, Faust! Akala ko ba walang iwanan? Tapos iiwan mo ako?" aniya.

Inilapit ni Faust ang mukha sa kanyang tainga. "Mapanganib para sa 'yo, Hera, babalik din naman ako agad kaya huwag ka nang mag-alala."

"Paano kung saktan ka nila?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling-iling ito. "Hindi nila ako masasaktan, maniwala ka sa akin." Anito.

"Bampira din siya, hindi ba?" tanong ng isa sa dalawang lalaki dahil bukod sa biglang pagsulpot niya doon ay naamoy yata nito ang vampire scent niya, kaya ambilis silang umayos ng tayo at bumaling dito. "Ngunit hindi ko matandaan ang kanyang mukha o kung saan siyang angkang galing."

"Hindi siya—" hindi na naituloy ni Faust ang sasabihin dahil hinawakan na rin siya ng isang lalaki. Nagulat siya nang biglang umangil si Faust at nakita niyang biglang nag-iba ang maamo nitong hitsura sa isang nakakatakot na bampira. "Pakawalan n'yo siya!" anito. Nang hindi ito sinunod ng lalaking may hawak sa kanya ay sinugod 'yon ni Faust ngunit bigla na lang sumulpot ang isang bampira sa harapan nito at malakas na sinikmuraan ito kaya bigla itong nanghina.

"Faust!" malakas na sigaw niya, saka siya pilit na kumawala sa lalaki, ngunit masyadong maahigpit ang pagkakahawak sa kanya. Nakita niyang pinilit bumangon ni Faust ngunit malakas uli itong binalya ng kalaban nito. Biglang nag-init ang pakiramdam niya at ramdam din niya ang pag-iiba sa katawan niya—na kung nakikita siguro niya ang sarili sa salamin ay nagbago muli ang kulay ng kanyang mga mata. "Lubayan mo siya!" malakas na sigaw niya, saka niya malakas na inapakan ang paa ng lalaking nakabihag sa kanya saka niya malakas na tinadyakan ang dibdib nito, tumalon siya nang mataas saka niya muling tinadyakan ang lalaki kaya mas lalo itong nanghina.

Napatigil ang lalaking kalaban ni Faust nang makita ang histura niya, at sa pagkakataon 'yon ay mabilis niyang sinugod ito, malakas niya itong sinuntok sa dibdib hanggang sa tumalsik ito sa pader.

"H-Hindi maaaring ikaw ang hinahanap naming..."

"Oo, ako ang anak ng hinahap n'yong si Olivia!" naiinis na sabi niya sa lalaking una niyang nakasagupa. Mabilis itong nakabawi at akmang susugurin siya ay mabilis siyang nakasugod dito, dahil mas bata siya at mas alerto at maliksi siya sa lalaki, natadyakan niya ito sa mukha ngunit agad nitong nahila ang paa niya at ipinaikot sa ere saka ibinalibag. Nasaktan siya!

"Hera!" sigaw ni Faust, saka ito mabilis na tumayo para sugurin ang lalaking nanakit sa kanya, malakas nitong napatumba ang lalaking kalaban, na halos masira ang landscaped garden saka agad na isinunod para tadyakan ang nakalaban nitong bampira kanina at agad siyang dinaluhan at kinalong, nanghihina pa rin siya mula sa malakas na pagsugod na 'yon ng lalaking bampira. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito, saka hinaplos ang kanyang mukha.

Tipid siyang ngumiti at tumango. "Ayos lang ako, ikaw?"

"Ayos lang ako," sagot din nito, mabilis siyang tinulungan ng lalaki para tumayo ngunit hindi pa man sila nakakaayos ng tayo ay muli uli silang sinugod, akmang sasaktan siya ng lalaking kalaban niya kanina ay mabilis humarang si Faust kaya ito ang tumalsik. Hindi na niya namalayan na humaba ang kanyang mga kuko at agad na sinugod ang lalaki, mabilis siyang napatumba ng lalaki at akmang dadalhuhan uli siya nito ay agad niyang sinaksak ang dibdib nito nang mahahaba niyang kuko at agad na inalis kaya naging abo ito.

Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang lalabas ang kakayahan niyang 'yon. Mabilis siyang bumaling sa kinaroonan ni Faust, na kalaban ang isa pang lalaki, ngunit bago pa nito natapos ang buhay ng kalaban ay muling may limang matatangkad na lalaking nagsulputan sa kung saan, at hindi na sila nakapanlaban ni Faust nang mabilis silang tinangay ng mga ito.

"HINDI ka dapat nandito, Hera, gagawa ako nang paraan para makatakas ka at oras na makatakas ka, hangga't maaari ay lumayo ka muna sa kanila o subukan mong hanapin ang pamilya ng 'yong ina dahil alam kong mas ligtas ka sa kanila."

"Paano ka?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi ako mapapaano, huwag kang mag-alala." Hinaplos nito ang kanyang mukha, kaya gumanti siya dito. "I'm really okay as long as you're okay."

"Nasaan ba tayo? At bakit tayo ikinulong sa lugar na 'to? Ano'ng binabalak nilang gawin sa atin?"

"Nasa Vampire Kingdom tayo. Alam na nila ang tungkol sa totoong pagkatao mo bilang anak ni Olivia na matagal nang pinaghahahanap, kaya kailangan mong makatakas agad dito." sabi nito, saka siya niyakap at may kung ano'ng ibinulong sa kanya dahil baka marinig sila ng mga alagad na nasa tabi-tabi.

Mabilis isinagawa ni Faust ang napag-usapan nilang gagawin para kunin ang atensyon ng mga kawal na bampira, sinaksak nito ang tiyan nito gamit ang matalim nitong kuko—ngunit hindi naman 'yon gaanong malalim at handa talaga nitong gawin ang lahat para makatakas siya. At hindi niya sasayangin ang effort nito. Mabilis niyang tinawag ang kawal na bampira para humingi ng tulong sa kasama niyang sugatan.

Mabilis namang binuksan ng kawal ang naka-lock na piitan para tingnan ang kalagayan ng kasama niya, at hindi pa man nakakatawag ng tulong ang kawal ay mabilis na itong sinaksak ni Faust sa dibdib saka ito naging abo at dahil naiwang nakabukas ang kulungan ay mabilis silang nakalabas.

Nakapunta na ng isang beses si Faust na lugar na 'yon, kaya alam na nito ang daanan doon ngunit sa hindi mataong lugar sila dumaan, nang makarating sila sa likurang bahagi ng malaking kastilyo—ang Vampire Kingdom—ay mabilis siyang pinalabas doon ng binata habang nakabantay ito sa sinumang susubok na pigilan siyang makatakas.

"Pigilan mong kontrolin ang sarili mong vampire strength at huwag kang magpapahalata." Anito, na tinanguan niya. "Sa bandang hilaga matatagpuan ang kaharian ng angkan ninyo, pilitin mong hanapin sila. Mag-iingat ka!" anito. Hirap na hirap ang hitsura nito dahil sa sugat na nilikha din nito, ngunit gagaling din daw ito agad.

Mabilis niyang hinaplos ang mukha nitong noon ay pawisan dahil sa iniindang sugat. "Babalikan kita dito, Faust, ililigtas kita sa kanila." aniya.

Tipid itong ngumiti sa kanya. "Mag-iingat ka, Hera!" hinaplos nito ang kanyang mukha.

Tumango siya at mabilis na tumingkayad saka mabilis na hinalikan ito sa mga labi—na saglit nitong ikinagulat bago tipid na ngumiti. "Mag-iingat ka, Faust! Maraming salamat." Aniya, saka na siya tuluyang umalis sa lugar, kahit ayaw man sana niyang iwanan ito nang mag-isa ngunit nangangako siyang babalikan ito!

Mabilis siyang nakalabas sa Vampire Kingdom at agad na tinungo ang hilagang bahagi para hanapin ang kanyang angkan. Nakarating siya sa bayan ng hilagang lugar, gutom na siya ngunit wala siyang dalang pera para ipambili ng pagkain. Napatingin siya sa kanyang paa, suot niya ang malaking sapatos ni Faust na ibinigay nito sa kanya kanina sa kulungan dahil wala siyang suot na sapin sa mga paa.

Saglit siyang nagpahinga sa tabi dahil pagod na pagod siya at the same time ay nanghihina na siya hindi lang physically kundi pati emotionally, natatakot siya kung ano ang maaaring gawin ng mga kalabang bampira sa lalaking inamin niyang minamahal na niya, kaya oras na matagpuan ang kanyang angkan ay hihingi siya ng tulong para kunin si Faust sa Vampire Kingdom.

"Mama, papa," inilabas niya ang kanyang suot na amulet. "Ipaghihiganti ko kayo ni papa, at babawiin ko si Faust sa kanila!" aniya.

"Ikaw ay galing sa angkan ng Alvarez? Kaano-ano mo si Alfonso Alvarez?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa matandang lalaking nagsalita sa kanyang harapan, at napansin niyang nakatingin ang matanda sa kanyang suot na kuwentas kaya mabilis niyang itinago 'yon.

"H-Hindi ko po kilala ang sinasabi n'yong lalaki," sagot niya. "Ngunit anak po ako ni Olivia Alvarez." Pagpapakilala niya sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ng matandang lalaki. "Huwag mong sabihin ikaw ang anak ni Olivia sa mortal niyang asawa?" mabilis siyang tumango. Napangiti at tumango naman ang matanda sa kanya. "Matagal ka nang ipinapahanap ng 'yong lolo, sumama ka sa akin..."

The Vampire's Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon