1

5.2K 118 1
                                    


Eighteen years after...

"HOW TO destroy a Vampire; burn it; bury the corpse facedown; drive a wooden stake through its heart; pile stones on the grave; put poppy seeds or wild roses on the grave—"

"Hera, akala ko ba mag-re-research tayo tungkol sa group project natin kaya tayo nandito sa computer library, bakit pansin kong kanina pa tungkol sa mga bampira ang nire-reseacrh mo? Don't tell me naniniwala ka sa mga ganyang uri ng nilalang?" nagtatakang tanong ni Ivy sa kanya, kaklase niya ito, kasama sa group project at kaparehong nasa senior high year.

"H-Hindi ako naniniwala sa mga ganitong nilalang at imposible namang mayroon pa ring katulad nila dito sa mundo, sa mga panahon ngayon," naiiling na sabi niya, saka niya mabilis na isinara ang search bar at nagbukas ng bago.

"Okay, pero dalian mo nang i-research 'yong active constituents and uses ng mga parts ng plants na in-assign sa atin, bukas na natin ipapasa 'yong studies and presentation natin." Imporma nito sa kanya, na tipid na lamang niyang tinanguan at napabuga ng hangin.

Hindi naman mahirap ang group project nila pero napaka-demanding kasi ng mga groupmates niya at dahil siya ang pinakamatalino sa grupo ay majority ng mga research ay sa kanya inatas at siya pa bukas ang pagpe-present n'yon sa harapan ng klase. Ngunit hindi na siya tumanggi dahil gusto rin naman niyang makakuha sila nang pinakamataas na grades sa group project nila.

Nauna nang nagpaalam si Ivy sa kanya dahil nagpaiwan pa siya sa computer library para sa kanyang pansariling research. Nagpunta siya sa history ng computer para hanapin ang kanina ay nire-research niya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa kanina patungkol sa mga bampira.

Mahirap paniwalaan ngunit naniniwala talaga siyang mayroong mga bampira na naninirahan sa mundo at biro lamang niya kay Ivy kanina ang sagot niyang hindi siya naniniwala para hindi na ito mangulit pa. At hindi nila alam na baka ang mga bampira ay nakakahalubilo na nila, dahil ayon sa kanyang passed researches; ang mga bampira daw ay may kakayahang itago ang kanilang pagkatao mula sa mga tao lalo na sa mga kapwa bampira.

May mga bampira ring hindi tinatablan ng sikat ng araw, ng mga silver crucifix, holy water o mga bawang, hindi katulad sa mga vampires movies na napapanood niya at sa mga vampire books na nabasa niya. Sa mga panahon ngayon, kaya na ring mamuhay ng mga bampira na katulad sa mga tao, at kaya na ring pigilan ang urge nila sa pagkauhaw ng dugo ng mga tao—na siyang nagbibigay ng kakaibang lakas sa kanila—dahil maaari na rin nilang makuha 'yon sa dugo ng mga hayop, hindi nga lang masarap at matamis na katulad sa tao.

Naniniwala siyang nasa paligid lamang ang mga nilalang na pumatay sa kanyang mga magulang—na ayon sa kanyang yumaong lola Salome ay mga bampira. Hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakapaghigante sa mga ito. Alam niyang wala siyang sapat na lakas para puksain ang malalakas na nilalang na kumuha sa buhay ng kanyang mga magulang ngunit mag-iisip siya nang paraan kung paano makakagante sa mga ito.

Oo, mga bampira ang pumatay sa kanyang mga magulang dahilan para maging ulila siya agad pagkasilang pa lang sa mundo. At ayon kay lola Salome na siyang naging komadrona ng kanyang ina, na siya ring kumupkop sa kanya nilusob ang kanyang mga magulang ng mga bampira at ang mga nilalang na 'yon din ang pumatay sa mga ito—kitang-kita ng dalawang mga mata nito, naalala pa nga daw ng matanda ang umiilaw na parang tattoo sa mga leeg na bampira na hindi alam ang kahulugan, ngunit kahit anupaman ang kahulugan n'yon, kailangan niyang mahanap ang mga ito at ipaghigante ang kanyang mga magulang.

Nang mga oras daw na itinakas siya ng lola Salome sa mga bampira ay may isa daw na humabol sa kanila para saktan sila o kunin siya ngunit napatulala ang bampirang 'yon nang makita ang kuwentas na nakasabit sa kanyang leeg, na kahit ang lola Salome ay ipinagtaka ngunit dahil doon ay sinamantala ni lola ang pagkatulala ng bampira kaya mabilis nitong nailabas ang laging nakasukbit ditong patalim at naitarak 'yon sa dibdib ng bampira na ikinamatay nito saka muling tumakas.

Kinabukasan ay nagpasya si lola Salome na lumipat ng tirahan at sa Metro Manila sila nakarating. Doon ito naghanap ng matitirhan at nang maaring trabaho para mabuhay silang dalawa, nagpapasalamat din ang lola niya dahil may mga nakilala itong mababait na tao na siyang tumulong dito; hindi lamang sa pag-aalaga sa kanya kundi sa pagbibigay ng trabaho.

Nakakalungkot lang na pangyayari ay hindi na siya masasamahan ng lola Salome niya dahil no'ng nakaraang taon lamang ay binawian na ito ng buhay, noon ay dalawa na lamang sila sa buhay at ngayon ay mag-isa na lamang siya. Maraming naawa sa kalagayan niya ngunit nanatili siyang matatag at gusto niyang ipakita sa mga ito na hindi pa katapusan ng mundo, gusto niyang maging malakas hindi lamang para sa mga magulang niyang alam niyang gumagabay sa kanya saan man naroon ang mga ito, lalo na para sa kanyang sarili.

May naiwang kaunting ipon ang lola niya sa pagiging komadrona at tindera ng mga gulay sa palengke, full scholar din siya ng kanyang paaralan at sumasali-sali sa mga kompetisyon, at nakakaipon din siya sa pagiging part-timer niya sa isang fastfood chain na malapit sa dorm nila, from six to ten thirty ang shift niya.

Nagsusumikap siyang mapag-aral ang kanyang sarili, marami siyang isini-set aside tulad ng mga gusto niyang gawin at mga paborito niya para gawin ang misyon niyang hanapin ang mga nilalang na hindi man lang ipinalasap sa kanya ang buhay na may masaya at kumpletong pamilya!

Napahawak siya sa silver amulet niyang kuwentas na ayon sa lola niya ay isinuot sa kanya ng kanyang ina. "Hahapin ko sila, mama at ipaghihigante ko kayo sa anumang paraan." Aniya.

Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang magulong katanungan; kung bakit nga ba inatake ng mga bampira ang mga magulang niya? At bakit pinatay ang mga ito? Ano'ng atraso ng mga magulang niya sa mga nilalang na 'yon? Kailangan din niyang malaman kung ano ang kinalaman ng pamilya nila sa mga nilalang na 'yon—na dahilan nang pagkamatay ng mga magulang niya.

Pagkatapos ng ilang researches tungkol sa mga blood sucker ay bumalik siya sa pagre-research tungkol sa kanilang group projects, bago tuluyang umalis sa lugar at magtungo sa kanilang susunod na klase.

NAGLALAKAD na palabas ng school campus si Hera habang nakasalaksak ang earpiece sa magkabilang tainga niya at pinapakinggan ang mga kanta ng paborito niyang Pinoy rockband na the Black, nang mapatigil siya dahil sa mga lalaking biglang dumaan sa kanyang harapan, parang may kahina-hinala sa mga ito na gusto niyang alamin. Nakasuot ang dalawa ng itim na jacket at makakapal ang mga nakalagay na eyeliner, mapuputla din ang mga mukha na kung titignan ay mga masasabihang mga mukhang bampira.

Palihim niyang sinundan ang mga ito para makilatis ang mga ito, dahil sa halos walang taon niyang gustong makakita ng mga blood sucker ay kinabisado na niya ang mga nare-reseacrh niya tungkol sa mga ito kahit na sa nakakaakit na mga amoy ng mga ito.

Sampung taong gulang siya nang malaman niya ang totoong nangyari sa kanyang mga magulang, dahil sampung taong inilihim ng kanyang lola Salome ang tunay na pangyayari sa kanya dahil hindi pangkaraniwan ang pagkamatay ng mga magulang niya. Ang sinabi nito no'ng bata siya sa tuwing hinahanap niya ang mama at papa niya ay nasa heaven na kasama ni Papa God, ngunit ipinagtapat din sa kanya ang lahat pati na ang totoong relasyon nilang dalawa—na sa una ay akala talaga niya ay mag-lola sila, ngunit mag-isang namumuhay na pala si lola Salome; walang asawa o anak at iniwan na rin ng ibang mga kamag-anak. Ibinigay na rin ni lola sa kanya ang apelido nito dahil hindi nito kilala ang mga magulang niya o ang pinagmulan ng angkan nila.

Sa edad na sampu ay naintindihan na rin niya ang mga nangyayari sa mundo at sa ikinuwento ng lola niya ay mas lalong nabuksan ang kanyang kamalayan na hindi lamang mga tao ang maaaring mamuhay sa mundo, kundi pati na rin ang ibang nilalang katulad ng mga bampirang pumatay sa kanyang mga magulang.

Sinanay niya ang sarili para maging independent, malakas at matalinong tao. Sa edad na limang taong gulang ay tumayo siyang mini-assistant ng lola niya sa pagiging komadrona nito, ngunit makaraan ang tatlong taon ay tumigil din ito sa linya ng trabahong 'yon at nag-focus na lamang sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Siya naman pagtungtong ng edad na disiotso ay naghanap na siya ng part-time work para makabawas sa expenses niya.

Wala siyang ibang pinaglalaanan ng oras dahil bukod sa pag-aaral at part-time job niya ay naka-focus lang siya sa iisang layunin niya, na alam niyang kahit mahirap o imposible pang kalabanin ang mga uri ng nilalang na 'yon ay walang makakapigil sa kanya.

Napatigil siya sa pagsunod sa dalawang lalaking nakaitim na jacket nang tumigil din ang mga ito sa kumpulan ng mga lalaking naka-itim din ng jacket. They have the looks, scents and style of a vampire. This is it!

The Vampire's Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon