2

4K 96 1
                                    

Inalis niya ang nakasaksak na earpiece sa magkabilang tainga para pakinggan ang usapan ng mga ito. Nagulat siya at halos tumabingi siya sa pagkakatago sa likod ng malaking puno nang magtiliian ang mga ito at masayang nag-beso-beso. Napakunot-noo siya. Ano'ng nangyayari sa kanila? Mga bampirang bading? Tanong niya sa sarili.

"For sure, this is the most awesome tribute and farewell party by the junior high for us, seniors. I will never ever forget this." Narinig niyang sabi ng isang lalaki—err, bading sa mga kasamahan nito.

"A vampire theme is really awesome! Feeling ko ako si Bella Swan!" nangangarap pang sabi ng isa.

"Echosera! Naka-male attire ka, kaya hindi ka magiging si Bella Swan, baka Bella Flores puwede pa." muling nagkatawanan ang lahat, pati tuloy siya ay hindi napigilang mapangiti dahil sa usapan at sa huli ay napailing na lang siya.

Napabuga siya ng hangin, oo nga pala, ngayon ang unang batch para sa tribute o farewell party ng mga junior high sa kanilang mga seniors, next week pa kasi magaganap ang tribute o farewell party ng section A at B at hindi rin kasi niya alam na vampire theme ang mga ito, sila kasi ay witch ang theme, nagbunutan kasi ng theme at 'yon ang napili. At infairness ay hindi niya nakilala ang mga schoolmate niyang ito dahil sa makapal na foundation na inilagay sa mga mukha.

Napailing-iling na lang siya bago tuluyang umalis sa kanyang kinaroroonan. Isang epic fail investigation na naman, o baka sadyang magaling lang talagang matago ng pagkakakilanlan ang mga bampira.

"HeraValencia, mag-seryoso ka na sa susunod dahil hindi na nakakatuwa!" naiiling na sabi niya sa sarili, habang nagmamadali siyang naglalakad palabas ng campus dahil mali-late na siya sa part-time job niya.

Nagulat siya nang pagliko niya sa exit gate ay may lalaking biglang pumasok dahilan para makabangga niya 'yon at kamuntikan na niyang ikatumba, mabuti at mabilis siyang nasalo at naalalayan ng lalaki.

Nakarinig siya nang malakas na pagsinghap sa mga estudyanteng nakakita sa pangyayari ngunit hindi na narinig ni Hera ang mga tilian sa paligid nang matuon ang kanyang mga mata sa magagandang kulay abong mga mata ng lalaking nakasalo sa kanya and from there ay naging slow motion na ang lahat.

Pakiramdam niya ay nahi-hypnotize siya dahil sa magaganda at mapang-akit nitong mga mata nito, at sa bawat pag-slowmo nang pagkurap nito ay nae-emphasize ang mahahaba ding pilik-mata nito, maganda din ang matangos na ilong na bumabagay sa magagandang porma ng mapupulang mga labi, na kasing pula yata ng mansanas.

Nang balingan niya ang buong mukha ng lalaki ay kumabog ang puso niya dahil hindi lang pala ito simpleng guwapo, dahil para itong kawal ng Diyos na isinugo sa lupa para pasayahin ang mga kababaihan at kung makikihalubilo ito sa maraming tao ay mag-a-outstand ito. May pagka-misteryoso din ang dating nito at amoy yayamanin dahil sa mga pormahan nito. Ang kaguwapuhan nito ay hindi katulad ng ibang mga lalaking nakikita niya sa campus, he's exemptional. Oh my God, ano'ng pinagsasasabi mo, Hera? Gumising ka nga!

Nang matauhan si Hera sa mga nangyayari ay mabilis na umayos ng tayo at agad na dumistansya sa lalaking nakahawak sa kanya. Nang balingan niya ang mga taong nasa paligid ay nakatuon pala ang atensyon ng mga ito sa kanila.

"Nasaktan ka ba, Miss?" tanong ng lalaki. At hindi lang pala ito guwapo dahil maganda rin ang built ng katawan nito na puwedeng maging Bench endorser dagdag at mala-model din nitong height at parang may pagka-spanish din ang hitsura nito at makinis at maputla ang balat nito. "Miss?" muling sabi ng lalaki, kaya napailing-iling siya ng lihim.

Hindi sa ito ang unang makakita siya ng ganito kaguwapong nilalang, masyado lang kasi siyang nadala sa magagadang gray eyes nito, na hindi niya madalas makita.

"Okay lang ako," sagot niya sa lalaki, at akmang lalagpasan ito ay mabilis itong nakaharang sa daraanan niya.

"I think I deserve a thank you." Sabi ng lalaki saka ito ngumiti sa kanya, at nakakainis dahil mas lalong umaaliwas ang guwapong mukha nito at kahit may hawak itong candy cane ay hindi nakabawas 'yon sa lakas ng dating at pagkalalaki nito dagdag napakaganda rin ng mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin, muli siyang napailing-iling ng lihim.

"Kasalanan mo ang nangyari! Dahil kung hindi ka pumasok sa maling gate ay hindi mo ako mabubunggo at wala sanang nangyaring ganitong insidente." Paliwanag niya.

"Oh!" nagulat namang sabi nito, saka bumaling sa gate at nakitang sa exit gate nga ito pumasok. "My mistake, sorry" natatawang sabi nito nang mapagtantong kasalanan nga nito ang lahat. Hindi na niya ito muling nahintay magsalita dahil nilayasan na niya ito. Nakita niya ang panlilisik ng mga mata ng mga babaeng estudyante sa kanya—na animo'y inggit na inggit sa kanya.

Ang lakas ng dating ng lalaki dahil lahat yata ng mga estudyante o kahit hindi na estudyante ay tinatablan dito—maliban sa kanya dahi wala siya sa mood para ma-distract, magka-crush o mag-fangirl dahil may mahalaga siyang misyon.

"Ang kapal naman ng babaeng 'yan para snob-in si Faust! Pigilan mo ako at baka masabunutan ko 'yan!" narinig niyang sabi ng isang babae, na dumaan sa tabi niya.

"Huwag mo na ngang pansinin ang babaeng 'yan, mag-focus na lang tayo doon sa transferee student na 'yon. Oh, my God! Napaka-guwapo talaga niya!" narinig niyang tili ng kasama ng babaeng gustong umaway kanina sa kanya.

Nang tingnan niya ang mga ito ay napatingin din ang mga ito sa kanya saka sabay siyang inirapan. Napailing-iling na lang siya.

"His name is Faust Arenaz the third, eighteen years old at galing sa mayamang pamilya. Ang balita ko ay lumipat ang pamilya niya dito sa 'Pinas mula sa Spain, sayang at ngayon lang siya lumipat dito sa school..."

Hindi na narinig ang iba pang detalye sa kuwento ng babaeng kasabay niyang naglalakad dahil mas binilisan na niya ang paglalakad dahil late na siya sa part-time job niya at kapag nangyari 'yon ay wala siyang ibang sisisihin kundi ang lalaking 'yon!

The Vampire's Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon