"KATAPUSAN mo na!" sigaw ni Supremo, ngunit nabitin sa ere ang malakas nitong tinig nang may sumulpot sa likuran nito at agad na sinaksak ito ng isang silver knife sa tapat ng puso ng lalaki—tiniyak na hindi na ito mabubuhay pa dahil sa lalim ng saksak sa puso. Nanlaki ang mga mata ni Supremo at dahan-dahang bumaling sa salarin habang unti-unting nanghihina ang histura nito at umaagos ang dugo sa bibig nito. "C-Celaena!"
Nakita niya mula sa likuran ng lalaki ang isang babaeng marahil ay kaedad ng kanyang ina kung nabubuhay pa ito. Ngunit pamilyar ang hitsura ng babae; ito ang magandang babaeng nakasabayan nilang pumasok kanina sa loob ng palasyo!
"Ako nga Supremo, wala nang iba!" sagot ng magandang babae. "Nahuli ako nang dating dahil nasaktan mo na ang anak ko, ngunit hindi ko hahayaang may muling masaktan dahil sa sobrang kasamaan mo! Masyado ka nang maraming ginawang kasalanan at hindi ako makakapayag na maghari pa rin ang kasamaan mo sa mundong ito! Habang mayroong masasamang bampirang tulad mo, hindi kailanman matatahimik ang Vampire Kingdom. Mahal kita ngunit mas mahal ko ang aking anak at ang aking lahi." sabi ng babae.
"H-Hindi kita mapapatawad, at sinisiguro ko sa 'yong ipaghihingante ako ng aking ama," nanghihinang sabi nito.
Umiling-iling ang ababe. "Marahil ngayon ay nasa kabilang buhay na rin ang 'yong ama, dahil nilagyan ng lason ang inumin niya ng isa sa mga bampirang malaki din ang galit sa 'yong sakim at masamang ama, tinulungan ako ng mga kasamahan ko dati dito sa palasyo para tapusin na nang tuluyan ang inyong kasamaan. Gusto na ng mga bampirang nandirito ang tahimik na pamumuhay katulad no'ng hindi pa kayo nanghahari ng 'yong ama, gustong makuha ng Vampire Kingdom ang katahimikan at kasiyahan na pinapangarap nila na ipinagkait n'yong mag-ama dahil sa pagiging makasarili n'yo, ngunit dahil sa inyo ng sakim mong ama ay hindi nangyayari 'yon, ngayon ay mapapanatag na ang lahat. Humingi na ako nang patawad sa 'yong asawa at anak at hindi na rin madadamay ang lipi ng mga mortal dahil mawawala ka na sa mundong ito!"
Umiling-iling ang lalaki. "Isinusumpa kita, Celaena! Isinusumpa kita—" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil tuluyan nang naging abo ang lalaki.
Anak? Sino ang anak ng babaeng ito?
"Itigil ang labanang ito dahil patay na ang hari ng Vampire Kingdom! Patay na si Supremo at ang kanyang ama, wala nang kasamaan ang maghahari sa mundong ito!" sigaw ng babaeng tinawag ni Supremo na Celaena. Nagsitigil din ang mga bampirang naglalaban-laban. "Makakamit na ng Vampire Kingdom ang katahimikan na dati ay mayroon tayo, wala nang magdidikta sa inyo para gumawa ng kasamaan." Muling sabi nito.
"M-Mama?" si Faust ang narinig niyang nagsalita, kaya mabilis niya itong dinaluhan at muling kinalong. "H-Hera, mabuti at ligtas ka." Hinaplos nito ang kanyang mukha. Ngumiti naman siya at muling napaluha.
Bumaling siya sa babae. "Maraming salamat po." Aniya.
Ngumiti ito sa kanya bago lumapit sa kanila at iniluhod ang isang tuhod saharapan nila ni Faust. "Anak..." niyakap nito ang lalaking nasa kanlungan niya. "Sorry, na-late ako nang dating, huli na nang ipaalam ng isang kasamahan ko dito ang tungkol sa pagkakakulong mo, kaya napauwi ako dito." anitong tinanguan ng lalaki. Bumaling sa kanya ang babae. "Ikaw ba ang anak ni Olivia?" tanong ng babae na tinanguan niya. Ngumiti din ito. "Tulungan mo akong dalhin si Faust sa kuwarto para gamutin siya. Maraming dugo ang nawala sa kanya."
"O-Opo." Aniya.
Nakita din niyang nanghihina si Kenneth habang nakasandal sa pader, tumango lang ito. Nang makapasok sila sa isang kuwarto at inihiga nila si Faust sa malaking kama, mabilis na sinugat ng babae ang kamay nito at ipinatak 'yon sa bibig ni Faust, kailangan lang daw nitong mapalitan ang maraming dugo na nawala dito, marami din ang dugong nawala sa babae. Nang umayos na ang lagay ng binata ay napanatag na rin siya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Revenge (COMPLETED)
VampireShe's not supposed to fall in love with him but too late, she already had fallen so deeply in love.