Eternal one

121 3 2
                                    

Naglalakad ako sa gitna Ng gubat, sa sobrang excited to ay hindi ko maiwasang hindi tumalon talon habang naglalakad. Nasa anyong fox ako. Hindi ko na inabala ang aking sarili sa pag iisip na maliligaw ako. Ilang beses na akong pabalik balik dito, kahit nakapiRkit ako ay matutuntun ko ang lugar na aking pupuntahan. Kumakanta kanta pa ako. Kaarawan ni auntie ngayon. Ang auntie ko ang pinakamaganda sa buong mundo. Hindi ako nagexaggerated dahil totoo ang sinasabi ko. Siya si Bai Qian Qian ang kasalukuyang Reyna ng QingQing . Isa sa limang magkakapatid na namamahala sa limang lugar na sakop ng Fox clan. Ang Lolo ko talaga ang dating namamahala sa limang lugar na ito ngunit ibinigay niya ito ng tag iisa sa limang mga anak niya. Ang ama ko ang panganay at siya pa lamang ang may anak sa kanilang magkakapatid. At ako iyon, Ang kaisa isang apo ng hari ng fox clan. Apat ang lalaki sa kanila at ang auntie ko ang bunso at nag iisang babae sa kanila.


Sa kakaisip ko hindi ko namalayang may nabangga na pala ako. Napaupo ako. Hihingi sana ako ng paumanhin ngunit ng nakita ko ang kanyang wangis ay napasigaw ako. At mabilis nagpalit ng taong kaanyuan.


" Wag Kang lumapit! Ako si Feng Jiu, ang nag iisang prinsesa ng Fox clan." Ani ko sa Golden lion. Kilala ito sa pagiging mabagsik at marahas.


"Wala akong pakielam! Ang tanging alam ko lang ay ang magiging pagkain Kita" nagpalit na rin siya sa kanyang taong kaanyuan. Malakas niya itong sinabi at halos liparin ako sa dagundong ng kanyang malalim at nakakatakot na boses.


Dahan dahan akong umusog ng patalikod sa sobrang takot . Wala pa akong karanasan sa pakikipaglaban dahil masyado pa akong bata, 70,000 years old. Sa langit ay bata pa ang ganitong edad.


Nang makita ko siyang dahan dahan ding naglalakad papunta sakin ay mabilis akong tumayo at tumakbo, lumulundag pa ako sa mga puno upang kaagad akong makatakas sakanya.



Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang humahabol parin sa akin. Pagharap ko ay may nakita akong puno sa aking harapan. Kung minamalas ka nga naman! Tatama pa ata ako.


"Aaaahhhh!" Malakas Kong sigaw at itinukod ko ang aking dalawang kamay sa aking harapan. Handa na sana akong tanggapin ang sakit ng katawan at ang aking nalalapit na kamatayan, dahil tiyak na maaabutan ako ng lion na ito pag tumama ako sa puno.



Pumikit ako. Ramdam kong malapit na. Ngunit may naramdaman akong humawak sa aking baywang at hinila ako palapit sa kanyang katawan. Kakaiba ang pakiramdam, damang dama ko ang mayuming simoy hangin habang dahan dahan kaming lumalapag sa lupa. Imunulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang napakagandang bagay na nasa aking harapan.



Puti ang kanyang buhok na sumusunod sa ihip ng hangin. Ang napakagwapo niyang mukha ay hindi kakikitaan ng emosyon. Purong kaseryosohan lamang na nagpapalakas ng kanyang dating.


Nakalapag na kami sa lupa ngunit ay nanatili parin akong nakatitig sa kanya.


" Aray!" Daing ko dahil walang kaingat ingat niya akong itinapon sa lapag. Grabe ha! Pwede namang bitiwan nalang niya ako no? May kasama pa talagang pagtulak. Para intense? Ganun?


Tumayo ako kaagad at hinarap siya. Uusal sana ako ng pasasalamat ng nakita ko siyang tumalikod na. Bastos talaga to eh!


Pinanatag ko ang aking kalooban at inalis ang aking inis para sa dyos na ito. Isa pa iniligtas niya ako kaya dapat lang na palitan ko ito.


" Sandali! Tigil!" Sigaw ko sa kanya. Huminto siya ngunit hindi lumingon.


" Ano pang kailangan mo?" Tanong niya sa mababang boses. Nakakamangha pati ang kanyang boses ay di kakikitaan ng emosyon.


" Gusto ko sanang magpasalamat saiyo." Sabi ko at yumuko.


" Hindi na kailangan." Sabay patuloy na naglakad.


" Hindi maaari, Ang sabi ng auntie ko ay kailangang suklian ang ginawang kabutihan sa iyo. May utang na loob ako saiyo, kaya kailangan Kong tumanaw." Tama dahil ayokong magkautang kahit kanino.


" Anong gusto mo pipilitin kong ibigay saiyo?" Dagdag na tanong ko.

" Hindi na kailangan." Ulit niya sa kanyang sinabi niya.


" Hindi pwede, ang utang ay kailangang bayaran. Ayan Ang paulit ulit na paalala sa akin ng auntie ko." Pangungulit ko parin sakanya.


Sa pagkakataon na ito ay lumingon na siya sa akin.


" Inuulit ko. Hindi na kailangan." Aniya at mabilis na naglakad nanaman.


Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.


Nakarating na kami sa Sii River. Ito ang ilog na nag-uugnay sa iba't ibang lugar. Napapagitnaan ito ng dragon clan, fox clan, ghost tribe, at celestial heaven.


Sa kasalukuyan hindi ito masyadong pinupuntahan maliban na lamang kung may kinalaman sa mayroon ang lugar na ito.


Hitsura itong beach dahil sa puting buhangin dito pero river talaga ito.


" Aayy!" Biglang may lumitaw na lalaking puti rin ang buhok ngunit mahahalata mong napakatanda na nito dahil sa kanyang kulubot na balat at kubang likod. Napaatras pa ako dahil sa mismong harapan ko siya lumitaw.


" Lord Donghua Dijun." Sabi niya at yumuko sa lalaking nasa aking tabi. Mukhang may mataas na katayuan ito. Sa paraan palang ng pagbati ng matanda sa kanya. Ngunit itong lalaki na ito di man lang nagpakita ng appreciation. Pero atlis tumango siya. Di narin masama.



" Napapunta ako dito dahil naramdamdam akong kakaiba sa bell nitong mga nakaraang araw." Ang bell na tinutukoy nito ay ang North bell na kayang wasakin ang sanlibutan oras na mabuksan. 70, 000 years ago may digmaan na naganap. Ang ghost tribe Laban sa celestial heaven na kasalukuyang namumuno ngayon sa lahat ng mga tribe noon at ngayon.

Dahil sa kasakiman ng ghost tribe ay muntik ng mawasak ang buong mundo dahil hinihigop ng bell ang lahat ng may buhay.


Si Mo Yuan, ang god of war ang nakapigil dito. Inalay niya ang kanyang kaluluwa sa bell na naging sanhi ng pagkakulong ng hari ng ghost tribe sa loob nito.


" Nitong mga nakaraang araw nga po ay nagpapakita ang bell ng hindi pagkapanatag. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng pitongpung libong taon. Ang kinakatakot ko po ay maaaring mabasag ang selyong inilagay ni god of war Mo Yuan." Pagkatapos ay sabay niyang itinaas ang magkapatong niyang mga palad bilang tanda ng pag respeto kay Mo Yuan.



Napahawak ako sa braso ni Donghua Dijun sa takot. Isipin ko pa lamang na mangyari nga ang sinabi nito ay hindi na ako mapalagay. Kahit hindi ko nasaksihan ang digmaan noon dahil sanggol pa lamang ako noong mangyari iyon ay labis na akong natatakot.



Napatingin sa akin si Donghua Dijun. Inalis niya ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang braso.



Hmmmp! Taray! Parang hawak lang. Edi wag. Ako na mismo ang nag alis nito. Hiyang hiya naman ako!



May inilabas siya mula sa loob ng laylayan ng kanyang kasuotan. Baka dahil doon? Inilahad niya ito sa matanda.



Wow! Ang ganda! Tatlo ito na maliliit na bell at may nakaukit na mga simbolo. Kulay silver ito at nakatuhog sa isang mahaba't manipis na tela na kulay gold na nababahiran ng itim.


Napakailegante ng bell.


" Kung may malubhang mangyari ay alugin mo lamang ang bell na ito gamit ang iyong kapangyarihan. At asahan mo in darating ako." At inabot niya na ang bell.



" Masusunod Lord Donghua Dijun." Tinanggap niya ang bell at bumalik na siya mula sa ilalim ng lupa.


Tumalikod narin si Donghua Dijun at lumakad palayo. May naisip ako. Mapapasaakin din ang bell na iyon. Maghintay ka lamang. Hahahahaha. Lumakad na din ako palayo sa ibang direksyon. Tiyak ko naman na hindi pa ito ang huli nating pagkikita.

******************************

Itutuloy...

Eternal loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon