Eternal Seven

19 2 0
                                    

Nasabi ko bang magandang ideya ito? Binabawi ko na! Isang malaking pagkakamali ito. Ang tagal ko na dito pero kahit ang anino man lamang ni Dijun hindi ko man lang nakita. Nasan ang hustisya?! Sa halip ay ang kaharap ko buong maghapon ay napakaraming mga gawain.

Simula kasi ng mahuli akong pupunta sa bahay ni Dijun at tinuruan ako. Ay ang dami ng gawain ang ibinigay sa akin.

Parang sinasadya talaga. Nag-iba narin ang pakikitungo sa akin ng mga kapareho kung alipin.

Napag- alaman ko na may gusto pala ang babaing iyon kay Dijun. Siya si Zhi Yue. Pinsan ng crown Prince.

Kaya ganun nalang ang pag- iinit ng ulo niya noong nakita niya ako.

Ang ganda ko kasi! Wala siyang panama. Nakakainis.

Patabog kong itinutusok ang inilalagay kong peach blossom sa plorera.

" Binibining Feng Jiu." Narinig kong may tumawag sa akin. Lumingon ako.

" Star Lord Si Ming! " Malakas kong tawag sa kanya. Masaya akong bumisita siya. Ang boring kaya dito. Buti nalang bumibisita silang dalawa ni Cheng Yu sa akin pag may oras sila.

" Bakit nakabusangot ang mukha ng munting prinsesa?" Nagtatakang tanong niya.

" Kasi naman tatlong taon na ako dito ngunit hindi ko parin nakikita si Dijun. At mukang hindi na talaga." Nakalabing sabi ko at bumalik na sa pag- aayos ng bulaklak sa plorera.

Hinawakan niya ang mga bulaklak na inaayos ko.

" May naisip ako. Ano kaya kung gumawa ka ulit ng isa nito. Ilalagay ko sa lamesa ni Dijun. Pag napansin niya ay pupurihin ko ito at dadalhin kita sa kanya para makita." Napamulagat ako sa kanyang sinabi. Nabuhayan ng loob.

" Talaga? Makikita ko na si Dijun?" Nagniniguradong tanong ko.

" Oo." Napatalon ako sa tuwa. Niyakap ko siya.

" Salamat!"

Tinapik niya ang balikat ko na senyales na maaari ko na siyang pakawalan.



Dahan dahan akong naglakad papasok sa bahay ni Dijun. Kinakabahan ako. Sa loob ng tatlong taon ay ito ang una kong pagkakataon na makapasok dito at makita siyang muli.

Pinaghawak ko ang dalawa kong kamay at itinapat sa tiyan ko. 

Namataan ko si Dijun na nakaupo habang tinitingnan ang mga bulaklak na ako mismo ang nag ayos. Nasa tabi niya nakatayo .

Napakagat ako ng labi para pigilin ang aking pagngiti. Tiningnan ko si Si Ming ng may pasasalamat.

Nang nasa harapan niya ako ay lumuhod na ako at yumuko sa kanya.

" Your servant greets it's master." Pagkasabi ko nito ay kaagad akong tumayo.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin.

Bakit parang hindi siya nagulat na nandito ako.

Maaari kayang alam niya? Kung ganun bakit hindi man lamang ako binisita? Grabe ha! Wala man lamang siyang konsiderasyon . Para bang di kami magkakilala. Ang sakit!

Nakatayo parin ako ng biglang may nagsalita.

" Ang ganda naman ng bulaklak pero mas maganda ata ang babaing nakatayo sa aming harapa." Napangiti ako sakanya.

" Third Prince." Yumuko ako ng bahagya.

" Ano naman kaya ang magandang pangalan ng magandang binibini na ito?"

" Siya ang little princess ng Qingqing, Feng Jiu ang pangalan niya." Si Si Ming ang nagpakilala sa akin.

" Prinsesa na naninilbihan bilang tagasilbi. Interesante. Bakit kaya? " Patango- tangong saad niya.

Eternal loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon