Napahawak ako sa ulo ko sa sakit nito. Ilang araw ba ko nakatulog?
Napataas ang tingin ko ng may narinig akong kaluskus.Nakita ko si Donghua Dijun na nakatayo sa aking harapan, hawak niya yung scroll na iniwan ni auntie sa akin kagabi. Teka kagabi ba iyon? Hindi ako sigurado. Parang ang tagal ko na kasing natulog eh.
Bigla along napabangon. Tinangka kong agawin ang scroll ngunit iniwas niya ito.
Dahil iniwas niya ito ay nagtuloy tuloy ako sa pagtumba. Agad niya naman along sinalo.
Nang mabawi ko ang panimbang ko umayos ako ng tayo.
" Akin na Yan. Iniwan sa akin iyan ni auntie." Inilahad ko sa kanya ang aking kamay.
" Ang Reyna ng QingQing, Bai Qian Qian. Siya ba ang auntie mo?" Tanong niya sa akin.
" Paano mo nalaman?" Balik na tanong ko sa kanya.
" Alam mo ba ang laman ng scroll na ito?" Tanong nanaman niya sa akin.
" Hindi." Nagtatakang saad ko. Hindi ko pa naman kasi nababasa iyan.
" Mababasa dito na kada 70, 000 years ay hihina ang selyo ng North Bell at makakalabas ang nakakulong dito. Nakasulat din dito kung paano muling selyohan ang North Bell. Sino ba talaga ang auntie mo?" Matiim ang pagkakatingin niya sakin na para bang binabasa ang nasa isip ko.
Bigla akong natakot. Alam na ba niya na si auntie si Si Yin? O nag iimbistiga siya kung nasa amin ang katawan ni Mo Yuan.
70, 000 years ago. Nagpanggap si auntie na lalaki upang maging diciple ni High God Mo Yuan. Pinakapaboritong disipolo ni Mo Yuan si auntie talagang malapit sila sa isa' t- isa.
Nung inalay ni High God Mo Yuan ang kanyang kaluluwa sa North Bell ay hindi naniwala si auntie na patay na ito. Dahil nangako daw ito na babalik. Ayon narin sa kwento no auntie. Kaya ng ililibing na si Mo Yuan sa Sacred land ay itinakas ni auntie ang katawan nito at dinala sa QingQing. Araw araw pinapainom niya ito ng kanyang dugo na mula sa kanyang puso upang hindi tuluyang mawala ang kanyang katawan.
Hindi ako nakasagot sa kanyang tanong. Tinapangan ko ang aking boses upang hindi mahalatang kinakabahan ako.
" Ang auntie ko ang reyna ng QingQing, si Bai Qian Qian. Hindi ang Si Yin na sinasabi mo." Tumango tango siya ngunit halatang hindi naniniwala.
" Kung ayan ang sabi mo." Tumalikod na siya sa akin at naglakad paalis.
"Sandali." Sabi ko ngunit hindi siya lumingon.
Sumunod ako sa kanya.
Nanatili akong nakasunod sa likuran niya. Nakatingin lamang ako sa aking paa at binibilang ang bawat paghakbang ko.
Bigla siyang huminto. Nabangga ako sa kanyang likod dahil huli na para huminto ako.
Humakbang ako ng isa patalikod. Napakagat ako ng labi at yumuko.
" Hanggang kailan mo ba ako susundan?" Nakakunot ang noo na tanong niya sakin.
" Hanggang hindi ko nababayaran ang utang na loob ko sayo."
" Sabi ko naman sayo. Hindi na kailangan." Matiim na sabi niya.
" Ngunit ang utang ay kailangang bayaran." Pagpupumilit ko.
Pailing iling na tumalikod na siya sa akin. Nagsimula na muli siyang maglakad.
Sumunod ulit ako. Hindi kita titigilan dahil ang utang ay kailangang bayaran.
Malayo layo na ang nalalakad namin ng bigla nanaman siyang tumigil. Nasa harapan na kami ng Temple sa Kunji Mountain . Nabangga nanaman ako sa likod niya pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya lumingon sa akin.

BINABASA MO ANG
Eternal love
FantasiaLord Donghua Dijun was once a heavenly Lord pero binitawan niya ito ng malayo na sa kaguluhan at kasamaan ang buong mundo. He lived his life in peace and cultivation. Kahit ang kasalukuyang heavenly Lord ay iginagalang siya at hinihingan ng payo sa...