Eternal Four

21 2 0
                                    

Hinarang ko ang katawan ko sa kanila na naging sanhi ng pareho nilang pagtigil.

Halatang halata ang galos sa kanyang katawan. Siguro buhat ito ng pagkakakulong niya sa Dark Cell kasama ang iba pang mababangis na hayop. Hindi ako nagpakita ng awa sa kanya.

Sinamaan ko sila ng tingin. Pinaglipat ko ang aking mata sa kanila. Itinigil ko ito sa Snake Spirit. Itinuro ko sa kanya ang aking hintuturo.

"Ikaw. Ano karapatan mong agawin ang mapapangasawa Ng auntie ko? Iniligtas ka niya mula sa mga immortal na nambubugbog saiyo noong kakakuha mo pa lamang ng itong taong katawan. Ito ang ipapalit mo sa kanya?! Ang hiyain siya at gawing katatawanan sa buong kalangitan?" Galit na Sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Walang boses na namutawi sa kanyang labi siguro dahil alam niya na totoo ang aking mga sinasabi.

Iniyuko na lamang niya ang kanyang ulo. Kitang kita ko ang pagtulo ng luha galing sa kanyang mga mata. Nakadama naman ako ng kaunting awa.

Hindi na ata nakayanan ng Second Prince at sumabat na siya .

" Binibini baka nakakalimutan mo kung nasaan ka, nasa Celestial Palace. Hindi pwede ang ganyang pag uugali dito."

Inilipat ko ang aking tingin sa kanya at ngumiti ng nanghahamak. Tumikhim pa ako ng malakas.

" Bai Feng Jiu greets Second Prince." Sabi ko sakanya at exaggerated na yumuko.

" Ohh! Hindi ka na pala Second Prince bumaba na nga pala Ang ranggo mo. Ano nga pala ulit iyon? Ahhh! Naalala ko na Water God na pala!" Tumawa pa ako ng nakakainsulto.

Sinamaan niya ako ng tingin. Ngumiti nalang ako sa kanya.

" Dapat pala ikaw ang bumati sa akin dahil mas mababa pa ang iyong katayuan kaysa sakin. Gawin muna. Nasa Celestial Palace tayo. Ang alam ko mahigpit ang pagpapatupad niyo dito ng mga batas."

" Hindi ako yuyuko sa immortal na isip bata." Inasar niya ako pabalik.

Anong sabi niya? Isip bata? Sino? Ako? Siya naman walang hiya! Bwisit!

" Ikaw!" Itinaas ko ang aking kamay upang suntukin siya. Hindi ako isip bata! Maganda akong dalaga! Dalaga!

Hindi ko pa nalalapit ang kamao ko sakanya ay may tumawag na sa aking pangalan.
Napatigil ako dahil doon. Nakita ko si Dijun na nakatayo malapit sa akin. Nagtama ang paningin naming dalawa.

Pagkatapos niya noon ay inilipat niya ang kanyang paningin sa kanyang tabi .

Para bang pinapapunta niya ako dito sa paraan ng mga mata.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sundin siya.

Naglakad na ako papunta sa lugar kung saan niya ako pinapapunta. Tumayo ako Ng tuwid.

Nang makita niya na nasa ayos na ako ay tinanggal niya Ang tingin sa akin at tumingin sa Second Prince.

" Wag mong seryosohin ang kanyang mga sinabi. Masyado na siyang bata. Isa pa siya ang little princess ng QingQing." Dahan dahang sabi niya.

Ayan nanaman sa bata. Bakit tingin Ng lahat sa akin ay bata. Hindi ba nila nakikita Ang aking balingkinitang katawan. Ako ay ganap ng dalaga. Walang Bata sa maganda kong katawan!

" Wala akong balak na seryosohin ang kanyang sinabi Lord Donghua Dijun. Huwag kang mag - alala." Napangiti niyang saad at yumuko.

" Aba!" Tututol sana ako kaya lang ay inilipat ni Dijun ang tingin niya sa akin. Kaya mas pinili ko na lamang na tumahimik.

Nang masigurado ni Dijun na hindi na ako sasabat ay ibinalik niya na ang tingin niya sa Second  Prince. Tumango siya dito.

Nang makita ng Second Prince ang pagtango ni Dijun ay ginawang niya itong senyales upang umalis na.

" Bakit mo ginawa iyon?" Galit galitang tanong ko sa kanya. Galit galitan lang dahil hindi ko magagawang magalit sa kanya. Tagapaligtas ko kaya siya.

Hindi siya sumagot sa halip ay tinalikuran ako at naglakad.

Hinabol ko siya.

" Dijun! Babayaran ko pa ang utang ko sayo. May mga bagay ka bang gusto. Pagkain? Masarap akong magluto gusto mo. Pero hindi pa ata sapat iyon kapalit ng ginawa mong pagligtas sa akin. Damit? Masyadong matingkad ang suot mo, violet. Siguro mas bagay sayo yung mga light colors kasi mapayapa ang ekspresyon mo sa mukha. Perlas? Sa QingQing marami doong mga perlas. Hihingian Kita Kay auntie. Yung pinakamalaki kung gusto mo. Gaano ba kalaki? Pramis ibibigay ko sa iyo. Ano kaya kung yung nakadisplay sa bahay ni Auntie? Kasing taas ata iyong ng baywang ko. Ay hindi mas malaki pa ata. Basta malaki it on. Kailangan mo nga lang magpadala ng magbubuhat kasi hindi ko iyon Kaya. Pwede naman si Si Ming nalang."

Napatingin ako kay Si Ming. Nakita ko siyang namumutla. Bakit kaya?

" Ano pa kaya ang mayroon ang QingQing? Ah! Alam ko na. Wine! Ikukuha kita sa ten miles of Peach Blossom. Yung gawa mismo ni Zhe Yan. Ano gusto mo ba?"

Napatawa ako sa mga naisip ko. napahinto ako sandali.  Pinag- uuntog ko pa ang mga hintuturo ko. Ganito ako pag nakaisip ng magandang bagay.

" Dijun, ano bang gusto mo?"

Ibinalik ko sakanya ang aking paningin. Ngunit wala na siya sa aking harapan. Iginala ko ang aking paningin upang hanapin siya. Nakita ko siya na papasok na sa Taiji Palace. Sumunod ako. Ngunit hinarang ako ng dalawang gwardiya sa magkabilang gilid ng pintuan.

Naka exis yung sibat nila sa harapan ko. Para bang tinitiyak nilang hindi talaga ako makakapasok.

Hinawi ko ito ngunit ibinalik di nila it sa pagkakaayos.

" Paumanhin binibini subalit hindi ka maaaring makapasok dito. Bawal pumasok ang kung Sino sino dito. Taichen Palace ito." Malarobot na bigkas nila.

" Alam ko. Hindi niyo ba nakita na kasama niya ako kanina? Ako ang prinsesa ng QingQing!" Hindi sila natinag sa sinabi ko sa halip ay diretso lamang ang kanilang tingin.

Nagpapadyak ako sa inis.

Hmmmp!  Edi wag kahit hindi niyo ko papasukin makakapasok rin ako. Kita niyo!

Tumalikod na ako. Nakita ko si Si  Ming na naglalakad papunta sa direksyon ko.

" Si Ming! " Tawag ko sakanya. Tinakbo ko na ang distanya naming dalawa.

" Si Ming, papasok ka? Sama ako." Nakangusong sabi ko sa kanya.

" Hehehe. Paumanhin ngunit kailangan ng permiso ni Lord Donghua Dijun upang makapasok ka. Wala akong kakayanan upang gawin iyan." Pilit na ngiti ang kanyang inilabas. Yumuko siya sa akin bilang tanda ng pagpapalam.

Lumakad na siya. Hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilin siya.

" Sandali. Ano nalang yung gusto ni Dijun? May alam ka ba? Yung mga bagay na wala siya at gusto niyang magkaroon. May alam ka ba?" Inalog alog ko pa ang braso niya.

Nagisip siya.

" Parang wala , lahat ng bagay na kay Dijun na. Alam mo naman na bago ang kasalukuyan Heavenly Lord ay siya muna ang Heavenly King. Ibinigay niya lamang ito sa kasalukuyan Heavenly Lord ng mapayapa na ang lahat." Tumango tango pa siya habang sinasabi ito. Tumuko ulit siya at tuluyan ng umalis sa aking harapan.

Heavenly King? Wow! Dati pala siyang Heavenly king. Pero bakit wala akong naririnig tungkol sa kanya?

Kinagat ko ang kuko ko sa daliri. Nakangiti ako. Hindi ko inakalang ang tagapaligtas ko pala ay dating heavenly king.

Tumawa ako ng mahinhin. Patuloy parin ang pagkagat sa aking kuko.

******************************

Itutuloy...

Eternal loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon