Nasan kaya iyon dito? Tanong ko sa sarili ko. Kanina ko pa hinahanap yung pinaglitawan ng matandang nagbabantay said lugar na iyon. Nahihilo na ko sa kakapaikot- ikot. Saan ba dito yungpaikot ikot na buhangin. Ang alam ko malapit yun sa tubig ng ilog na ito eh. Lumapit ako sa may pampang at binaybay ko ang kahabaan nito.
" Ayun! Nahanap rin kita!" Masaya kong wika. Hays! Pinagod mo ko sa kakahanap sayo. Pero ayos lang. Hahaha atlis nahanap kita.
Itinusok ko yung flute na hawak ko sa pinakagitna nito. Walang nangyari. Inulit ko pa ito ng tatlong beses. Ayaw parin, nilakasan ko nga.
May puting usok na lumabas mula doon. Lumayo ako ng kaunti. Yung usok na iyon ay unti unting nagkakaroon ng korteng tao. Napangiti ako sa sarili ko.
Napahawak sa ulo niya yung matanda na para bang may nangutong sakanya.
Ooppps! Sorry! Hahahahaha tagal mo kasing lumabas eh.
Kinusut niya ang kanyang mga mata na para bang inaaninag kung sinuman ang tao sa kanyang harapan.
Nang lubusan niya na aking nakita ay pareho niyang itinaas ang kanyang magkapatong na kamay kapantay sa kanyang dibdib tanda ng pagbati.
" Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" Tanong niya sa akin na hindi umaalis sa parehong posisyon.
Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Inabot ko sa kanya ang flute na hawak ko sa kanya. Tumingin siya doon pagkatapos inangat niya sa akin ang kanyang tingin. May bahid ng pagtatanong ang kanyang mga mata. Pinanatili ko ang ngiti say aking labi.
" Nagbago ang isip ni Donghua Dijun tungkol sa bell. Ito nalang daw ang ihipan mo sa oras na may maramdaman kang kakaiba sa North bell." Tumingin siya sakin na parang hindi naniniwala.
Kaya binigtas ko na ang nasa isip niya.
" Hindi ka naniniwala?" Tinanggal ko ang aking pagkakangiti para mas kapanipaniwala.
" Hindi ko magagawa iyan. Katunayan ay naaalala kong kasama ka ni Lord Donghua Dijun." Wika niya kasabay ng pagkuha ng flute.
Napangiti ako sa aking narinig . Isinilid niya sa laylayan ng kanyang damit ang flute at inilabas ang bell.
" Ibigay mo sa akin iyan, ako na ang magbabalik kay Donghua Dijun." Ngiting wagi ang namutawi sa aking mga labi ng mahawakan ko na ang bell. Sa wakas nakuha rin kita.
Nagpaalam na ako sakanya. Umalis na ako ng tuluyan na siyang nawala. Teka gabi na! Pupuntahan ko pa si auntie.
Nasa bukana na ako ng ten miles of peach blossom ng may narinig akong nakakahalinang musika na galing sa zither. Siguradong si auntie ang tumutugtug nun. Binilisan ko na ang aking paglalakad.
Namataan ko si auntie na tumutugtug nga ng zither habang si forth uncle ay sinasabayan ito ng sword dance. Nakakamangha ang combination nilang dalawa. Nang matapos na ang tugtug saka ako lumapit Kay auntie .
" Auntie!" Masayang Sabi ko upang maagaw ang kanyang atensyon.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sakanya ay kinumpas niya na ang kamay sa akin na naging sanhi ng pagbabago Kong anyo.
Pinalitan niya ang aking wagis ng fox. Nahulog ang bell na aking hawak sa lupa.
Napansin ito ni auntie kaya kaagad niya itong pinulot.
" Kanino mo naman kaya ito?" Tanong niya sakin ngunit hindi ako sumagot dahil nasa kaanyuan ako ng nine tailed fox.
Lumuhod siya sa aking harapan at itinali sa aking paa ang bell.
" Ang sabi ng ama mo kaninang umaga ka pa umalis sa inyo, ngunit bakit ngayon ka lamang nakapunta dito. Kung susumahin ang haba ng iyong paglalakbay ay dapat tanghali pa lamang ay nandoto ka na." Dagdag na Sabi pa nya na may pag- iling - iling.
Inilapit ko ang aking pisngi sa kanyang kamay at ikinuskus ito Ng dahan dahan tanda ng aking paglalambing sakanya.
Bumalik na siya sa kanyang inuupuan. Sumunod ako sa kanya. Tumutunog ang bell kasabay ng paggalaw ko. Tumugtog na ulit siya Ng zither. Humiga ako sa kanyang mga hita at ipinikit ang aking mga mata.
" Bilang iyong parusa ay mananatili ka muna sa iyong kaanyuan bilang nine tailed fox. Ako ang pinapagalitan ng itong ama tuwing may ginagawa kang kalokohan. " Napapailing na Sabi niya having tumutugtug ng zither.
Nanatili akong nakapikit . Hindi kalaunan ay tuluyanna akong nakatuhog.
Nagising ako ng maramdaman kong dahan dahan akong ibinababa ni auntie sa isang malambot na bagay.
Nang maramdaman kong malayo na siya sa aking pwesto ay iminulat ko ang aking kaliwang mata.
Sumunod ang kanan ng nakita ko siyang nakatalikod sa akin.
Tumayo ako at sumunod sakanya. Saan kaya pupunta si auntie? Tanong ko sa sarili ko.
Dinahan dahan ko lamang ang aking paglalakad upang hindi tumunog ang bell. Mamaya malaman niya pang sinusundan ko siya. Mapaparusahan nanaman ako.
Sa Kun Lun Mountain? Matagal ng walang pumupunta dito simula ng inalay ni Mo Yuan ang kanyang kaluluwa sa North Bell . Ano kayang gagawin ni auntie? Bakit dito siya nagtungo?
Nagpatuloy akong sundan siya. Nakita ko siyang lumiko sa may pasilyo. Lumakad ako patungo roon.
May isang kwarto sa dulo noon. Pumasok ako. Nakita ko ang napakaraming hilera ng mga kabinet . Punong puno ang mga ito ng alak.
Isa isa kong sinilip ang mga pagitan nito. Natagpuan ko si auntie sa pinakadulo.
Nakaupo siya sa mababang lamesa.
Kaagad akong nagtago sa gilid ng cabinet.
Umiinom ito ng alak.
Pumunta ito dito si auntie upang magnakaw ng alak? Bakit hindi nalang ito pumunta Kay Zhe Yan at doon humingi. Ang mga gawang wine ni Zhe Yan ang pinakamasarap sa buong mundo. Walang duda.
Napagpasyahan Kong manatili upang bantayan si auntie. Para pagnalasing siya ay may mag-uuwi sa saknya. Mahilig talaga itong uminom ng alak.
" Lumabas ka na riyan. Alam kong kanina mo pa ako sinusundan." Patay nahuli ako. Dahan dahan akong lumakad patungo sa kanyang harapan ng nakayuko.
Napapailing siya sakin na para bang nahuli niya akong may ginagawang kalokohan. Nahuli niya naman talaga ako pero wala akong ginagawang kalokohan. Masama bang bantayan ang paborito kong auntie?
Pumatong din ako sa lamesa at maya maya pa ay ikinumpas niya ang kanyang kamay. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. Parang gusto kong matulog.
Nakita kong may inilagay siya sa aking harapan na scroll. At may sinabi pa siya ngunit hindi ko na maintindihan sa sobrang pagkahilo.
" Alam kong galing ang bell na iyan kay Donghua Dijun. Magigising ka pagkatapos ng tatlong araw at tutunog ang bell ." Pagkatapos niya sabihin ito ay nilagyan niya ng spell ang
bell.Ito ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.
******************************
Itutuloy...

BINABASA MO ANG
Eternal love
FantasyLord Donghua Dijun was once a heavenly Lord pero binitawan niya ito ng malayo na sa kaguluhan at kasamaan ang buong mundo. He lived his life in peace and cultivation. Kahit ang kasalukuyang heavenly Lord ay iginagalang siya at hinihingan ng payo sa...