Nakasuot na ako ng damit pang- alipin. Infairness, maganda parin ako. Hindi gaanong matigas ang tela niya. Hindi masakit sa balat. Pakiramdam ko isa ito sa pinakamagandang damit. Ilang taon rin na ganitong damit ang isusuot ko. Isa ito sa magiging instrumento upang magkalapit kami ng damit.
" Nakaayos ka na ba ?" Rinig ko ang boses ni Cheng Yu. Siya iyong babaing nakausap ko sa Taichen Hall.
" Oo, sandali lalabas na ko." Nagmamadaling sabi ko.
Binilisan ko na ang pagkabit ng natitirang tela na kailangan upang makumpleto na ang aking damit.
" Lumabas na ako." Nagmodel pa sa kanyang harapan.
" Wow! Napakaganda mo kahit na pang alipin ang iyong kasuotan. Nasan ang hustisya diba? Nasan!"
Napatawa ako sa kanyang inasal. Sobra naman kasi iyon diba. Wala akong balak na agawin ang posisyon ni auntie.
" Sobra ka naman. Ang auntie ko kaya ang pinakamaganda. Kung makita mo lang siya baka makalimutan mo na ako." Biro ko sakanya.
" Magmadali ka na. Nakapila na ang iba doon. Ikaw nalang ata ang kulang.
Lumabas na kami sa kanyang tahanan at naglakad.
Hindi na ako makapaghintay.
Namataan ko na sa di kalayuan ang mga makakasama ko atang tagasilbi sa pagpasok ko sa Taichen Palace.
Tumigil kami. Hinarap niya ako.
" Hanggang dito nalang kita maihahatid. Mamaya may makahalata pa. Sige na. Lumakad ka na." Pagtataboy niya sa akin.
Napangiti ako. Niyakap ko siya. Humiwalay narin kaagad.
" Maraming salamat! Dalawin mo ko paminsan minsan ah." Yumuko ako sa kanya.
Pumunta na ako sa mga nakahanay na tagapagsilbi. Maya- maya pa ay tuluyan na kaming lumakad.
Ilang minuto nalang nasa loob na ako ng Taichen Palace.
Kinagat ko ang ang kuko sa tuwa.
Natatanaw ko na ang gate ng Taichen Palace ng bigalang may humila sa akin. Dinala niya ako sa may bandang gilid.
Si Si Ming pala! Kinabahan naman ako doon.
" Anong ginagawa mo mahal na prinsesa? Bakit ka nakadamit pang- alipin." May pag-aalala sa kanyang boses.
" Papasok ako ng Taichen Palace." Nilingon ko ang mga kasama kong tagasilbi.
Patay! Malapit na sila sa may pintuan. Kung mahuli ako baka hindi na ako makapasok pa.
Hinila ko ang braso ko kay Si Ming at tumakbo na papuntang pintuan.
" Mamaya na tayong mag- usap sa loob! Babayaran ko lang ang utang ko." Sigaw ko sakanya upang marinig.
Nakabalik na ako sa pila. Hindi ako nahuli. Sumulyap ako sakanya at kinindatan siya.
Sa wakas nasa loob na rin ako! Gusto kong halikan ang lupa sa sobrang saya. Pero wag nalang pa. Exclusive lang ito para sa isang tao.
Haha!
Napaikot ko ang tingin ko sa paligid. Naglalakad parin kami. Di narin masama. Walang dekorasyon na nakalagay sa paligid pero kitang kita ang pagkaelegante ng lugar.
Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng daan. Ito ang una mong madadaanan pagpasok mo sa Taichen Palace.
Diretso ito. May silong. Nasa magkaparehong gilid ang mga magagandang ligar.
May nakita pa akong peach blossom! Siguradong magiging madalas ako dito.
Pagtingin mo sa kaliwa ay may parang maliit na tulay. Paglumagpas ka doon ay malawak na empty space. May lamesa sa gitna. Yung mababang lamesa lamang. Tingin ko ay doon naglalagi si Dijun, may mga chess pieces pa kasi akong nakita.
BINABASA MO ANG
Eternal love
FantasíaLord Donghua Dijun was once a heavenly Lord pero binitawan niya ito ng malayo na sa kaguluhan at kasamaan ang buong mundo. He lived his life in peace and cultivation. Kahit ang kasalukuyang heavenly Lord ay iginagalang siya at hinihingan ng payo sa...