Eternal Five

18 1 0
                                    


Alam ko na hihintayin ko nalang lumabas si Dijun , pagkatapos ay kakapit na ako sakanya ng sa ganun ay di niya na ako matakasan.

Hayss!

Naupo muna ako sa gilid. Naghanap ng magandang posisyon upang hindi ako mangalay.

Sa una ay nangiti pa ako habang pinag- uumpog ang aking hintuturo ngunit ng matagal tagal na akong naghihintay ay nawawala na ang ngiti sa aking labi.

Nakapatong ang ulo ko sa aking mga tuhod. Inaantok na ako. Naghikab pa ako.

Halos kalahating araw na akong nakaupo dito pero kahit dulo ng damit ni Dijun ay wala man lamang akong nakita.

Napaangat ko ang tingin ko ng may naramdaman akong kumalabit sa akin.

Naabutan kong ang isang babae na nakabihis lalaki sa aking harapan.

" Bakit binibini?" Namumugay ang mata kong tanong sa kanya.

" Alam mong babae ako?" Nagtatakang tanong niya.

" Sanay na kasi akong makakita ng babaing nagbibihis lalaki. Lagi kasi itong ginagawa ng auntie ko. Kaya nasanay na ko. Hindi narin mahirap sa aking tukuyin kung nagpapanggap lang ba o hindi." Mahabang paliwanag ko.

Napatango - tango naman siya.

" Auntie?" Nagtatakang tanong niya.

" Oo, ang reyna ng QingQing, si Bai Qian Qian." Namamulagat siya sa kanyang narinig. Mukhang hindi niya ito inaasahan.

Pinaglaruan niya ang kanyang labi. Bumalik ang tingin niya sa akin na para bang namamangha.

" So ikaw ang Little Princess ng QingQing, si Bai Feng Jiu?" Nahihiwagaang tanong niya sa akin. Tumango ako.

" Anong ginagawa mo dito sa Taiji Hall?

" Hinihintay ko si Dijun." Nakasimangot na sagot ko sa kanya.

" Sigurado ka?" Gulat na tanong niya.

" Oo." Siguradong sagot ko.

" Kung ganun, good luck nalang sayo. Baka amagin ka na diyan ay hindi parin lumalabas ang taong hinihintay mo." Nakataas pa ang dalawa niyang hinlalaki sa akin. Parang talagang pinapalakas ang loob ko.

" Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka ako sa mga kinikilos niya.

" Kasi bihira lamang lumabas si Lord Donghua Dijun diyan."

Napatayo ako sa aking narinig. Nanlalaki ang mga mata. Kung ganoon pala kung hindi siya dumating at sinabi sa akin ay maghihintay ako sa wala. Sayang yung effort ko. Naman!

Nang makabawi ako sa gulat ay bumaba ang mga balikat ko. Yumuko ako. Tumalikod. At naglakad ng dahan dahan.

Kung sino man ang makakakita  sa akin aakalain nilang mawawala na ang pagiging immortal ko. Sa lungkot ba naman na emosyon na nakaguhit sa aking mukha, sinong di mag iisip noon?

" Sandali. Saan ka pupunta?"

Itinuro ko ang pintuan ng Taichen Palace. Nandoon parin ang dalawang gwardiya na nagbabantay.

" Mag- aamok ako para papasukin nila ako." Walang emosyon na saad ko.

Pinigilan niya ako.

" Bakit ba gusto mong makapasok sa Taichen Palace? Wala namang interesanteng bagay diyan. Si tanda lang." Para siyang naiinip habang sinasabi niya ito.

" Tanda?" Napakunot ang aking noo.

" Sinong tanda?"

" Si tanda! Si Donghua Dijun."

Eternal loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon