Kabanata 2

968 33 6
                                    

Kabanata 2

Kane's Point Of View

Malaki ang ngiti kong tinatahak ang daan patungo sa dorm ni Sydney ko. May dala dala kasi akong mga paborito niyang pagkain.

Red days kasi ng Sydney ko kaya bilang boyfriend niya obligasyon kong ibigay ang mga cravings niya. Syempre lablab ko yung Sydney ko na iyon eh.

*^_^*

Kumatok lang ako ng tatlong beses saka binuksan yung pinto ng dorm niya. May duplicate key kasi siyang binigay sa akin.

"Hon? Sydney ko?" Tawag ko habang nagpapalingon lingon sa paligid.

Nasaan kaya yun? Usually kasi nasa sala yun at nanonood ng Korean drama.

Bigla akong may narinig na kalabog mula sa kusina kaya dali dali akong pumunta doon.

"Ugh! Bullshit!" Malutong na mura ng Sydney ko.

"Sydney ko!"

Patakbo akong lumapit sa kanya nang makitang may basag na baso sa harapan niya at nagdudugo din ang kamay niya.

"Sydney ko. Are you okay? Ano bang nangyare? Tumayo ka nga dyan."

Hindi ko pinansin ang matalim niyang tingin sa akin at inalalayan siya sa pagtayo.

"Ano bang ginagawa mo? Look at your soft hand, its bleeding." Kunot noo kong tinitignan ang kamay niyang may bubog pa sa sugat.

Tss. Fuck this shit.

*>>_<<*

Agad kong kinuha yung first aid kit para magamot ko yung sugat niya. Nang bumalik ako ay halos mapanganga ako nang makitang nilalantakan niya na ang mga dala kong pagkain. Hindi niya man lang alintana ang sugat niya na animo'y kagat lamang iyon ng langgam.

Tss. This girl is really weird.

"Hi, Hon! Thanks dito sa pagkain!" Matamis ang ngiting sabi niya at kumuha ng fries, sinawsaw sa ice cream sabay subo.

Inismiran ko naman siya saka pabalang na naupo sa isa pang silya ng table. Inis ko ring hinablot yung kamay niyang may sugat saka iyon sinumulang linisin at gamutin.

"Aray! Dahan dahan naman, Hon! Masakit kaya!" Nakapout sa reklamo niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin nang may kaunting pagkain na tumalsik galing sa bibig niya.

"Ay hehe sorry!" Nagpeace sign pa siya saka ngumiti ng pagkalapad lapad.

*^________^V* →→Her face..

* ̄______ ̄* →→ My face..

Ang childish talaga nito kapag red days. Ang pasaway pa. Hindi ko nalang siya pinansin at ginamot nalang ang kanyang sugat habang siya naman ay parang batang nilalantakan ang ice cream at fries na binili ko.

Alam ko talaga bawal sa may dalaw ang malamig pero dito sa babaeng ito walang bawal bawal dahil iyon pa talaga ang crave niya.

Nang matapos kong gamutin ang sugat niya ay agad kong niligpit ang mga pinaggamitan ko.

"Nasaan na yun?" Kunot noo kong tanong sa sarili.

Paano ba naman kasi pagbalik ko ay wala na siya. Nasaan naman kaya napadpad ang babaeng iyon?

Vindicta (Revenge Of The Luther Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon