Kabanata 8

694 23 10
                                    

Kabanata 8


Irish Point Of View

"Oh, look who's here, the shameful arrogant bitch."

Napahinto ako sa paglalakad nang harangan ng Pink Dragona na sila Dianne, Daphne, Donna at Danity ang daanan ko.

I just stared at them emotionlessly and with my left eyebrow arched.

"Mag isa ka nalang ngayon. Namatay na nga si Hiro tapos iniwan ka lang sa ere ng mayabang mong kaibigan. Huh! Shame on you!" Nang aasar na saad ni Dianne.

"Dianne, alam mo ba ang dinig ko ay binuwag na daw ng bida bida nilang leader ang Phoenix. Talagang initchapwera na talaga siya ng kaibigan niya haha!" Tatawa tawang pang aasar pa ni Daphne.

Naikuyom ko nalang ang kamao ko dahil sa galit. Galit sa pagbanggit nila sa pangalan ni Hiro para sa walang katuturan na bagay at matinding galit sa pagpapaalala kung anong ginawa sa akin ni Sloa!

"No wonder if one of this days ay pulutin nalang siya sa kangkungan." Gatong pa ni Donna. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Yeah, right! Kawawa ka naman, Irish. Pinaghirapan niyong dalawa ni Hiro na makarating sa kinalalagyan mo ngayon tapos sasayangin lang ng leader niyong hilaw?" Giit pa ni Danity.

"Oo nga. Kawawa ka naman. From rank 2 ay back from the start ka ulit. At ngayon, I'm pretty sure na mahihirapan ka na dahil ikaw nalang mag isa ngayon. Wala na ang mga kaibigan mo. Patay na si Hiro at iniwan ka na sa ere ng—ouch!" Daing ni Dianne.

Marahas ko lang naman siyang sinampal bago niya pa man matapos ang sasabihin niya.

"You bitch! Why did you do that?! How dare you?!" Nagngingitngit sa galit na singhal niya sa akin.

"I just slapped you hoping that all the shits inside of you will fade but I guess, one slap is not enough so, here's another one." Then I slapped her as hard as I could.

"Bitch!"

She started to attack me. Suntok dito, suntok doon. Sipa dito, sipa doon. Na naiilagan ko naman. She's too slow for me lalo na ngayong galit ako.

Hinuli ko ang kamay niya nang muli siyang umatake ng suntok saka siya bahagyang hinila palapit sa akin na hindi niya naman inasahan kaya bahagya pa siyang nawalan ng balanse bago ko siya malakas na sinuntok sa mukha kaya tuluyan na siyang natumba sa sahig.

Vindicta (Revenge Of The Luther Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon