Kabanata 6

638 29 3
                                    

Kabanata 6

Sloanne's Point Of View

Maaga palang ay gising na ako para magluto ng breakfast namin ni Riffle at para na rin maghanda para sa flight namin mamaya. Dito kasi natulog si Riffle kagabi dahil baka daw umalis ako at hindi siya isama.

Tsk. As if naman kapag umalis ako ay hindi niya ako susundan diba?

"Good morning, coz!" Maingay na bati ni Riffle pagkapasok na pagkapasok sa kusina.

Sakto naman at tapos na ako magluto. Garlic rice, bacon, egg, buttered bread at gatas para sa akin habang coffee naman para sa kanya ang hinanda ko para sa breakfast namin.

"Nakaayos na ba ang mga dadalhin mo?" Walang emosyong tanong ko habang kumakain kami.

Nakangiti siyang tumango. "Ready na, coz! Kagabi pa!" Hyper na sagot niya sabay subo ng kanin.

Napairap nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Halos thirty minutes ata ang itinagal ng pagkain namin. Daldal nga ng daldal si Riffle. Panay tanong kung bakit daw ayaw kong umuwi sa Pilipinas saka kung bakit daw ako pupunta sa Japan. Hindi ko naman siya lagi sinasagot. Tuloy tuloy lang ako sa pagkain at minsan ay sinasamaan ko siya ng tingin kapag nakukulitan o naiingayan na ako sa kanya kaya naman sandali siyang nananahimik tapos dadaldal at mangungulit ulit kalaunan.

Pagtapos kong hugasan at ligpitin ang pinagkainan namin ay dumiretso na ako sa taas para makapaghanda na.

Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa side table ng kama ko, 5:30 na pala. Alas syete ang fight namin.

Agad akong pumasok sa banyo at naligo. After thirty minutes ay lumabas na ako sa banyo ng nakabathrobe. Dumiretso ako sa closet ko para humanap ng damit.

Naimpake ko na ang mga damit ko kagabi pero onti lang ang dinala ko. Marami pa rin akong iiwan na damit dito. May mga gamit naman na kasi ako sa Japan kaya yung mga importante lang yung dala ko.

Saktong 6:20 am ay natapos na akong maghanda. Nakapony tail ang ayos ng buhok ko. Ang damit ko naman ay black long sleeve fitted shirt na may print na 'Parental Advisory Explicit Content', maong short, black high cut snickers at nagtali din ako sa bewang ng checkered polo. Then voila! ready to go na ako.

Kinuha ko yung bag ko saka bumaba. Wala na sila Blaire at Blaine dito sa Korea. Kagabi palang ay pinasunod ko na sila kay Blake since sabi ni Blake ay nabigyan niya na ng access yung dalawa doon sa HQ namin sa Japan.

"Ano ba yan, coz! Bakit sobrang iksi naman niyang short mo?! Magpalit ka nga!" Ayan agad ang bungad sa akin ni Riffle pagkababa ko.

*-.-*

"Inuutusan mo ba ako, Riffle Shin?" Taas kilay kong tanong.

"Naman kasi, coz! Wag mo nga akong pairalang ng kasungitan mo! Magpalit ka doon! Masyadong expose yung mga hita mo!"

Vindicta (Revenge Of The Luther Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon