Kabanata 7

575 26 1
                                    

Kabanata 7

Sloanne's Point Of View

"Sloanne, apo!" Sinalubong ako ni Lola ng mainit at mahigpit na yakap. "Mabuti at napadalaw ka dito sa atin. Kamusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari sa kaibigan mo. Ayos ka na ba? Sabi ng dad mo nasa Korea ka daw?" Sunod sunod na tanong niya.

Sandali akong natahimik nang mabanggit niya na naman niya yung nangyari. Nalulungkot ako. Hindi ko naman gustong kalimutan ang bagay na iyon dahil lagi naman na talaga yun sa isip ko. Never naalis sa isipan ko ang masakit nangyari kay Hiro. Kahit isang segundo, hindi. Pero every time na may magbabangit tungkol doon ay hindi ko maiwasang malungkot ng sobra. I miss him. I miss Hiro so damn much.

"We're just here to pay you a visit Lola." Saad ko.

"Sino ang mga kasama mo, iha?" Tanong ni Lola at tinignan yung dalawa sa likod ko.

"This is Riffle, my cousin. While this is Blake my—"

"Boyfriend mo ba ito, iha? Grabe napakagwapong binata. Bagay na bagay kayo ng apo ko." Nagulat ako sa sinabi ni Lola.

Nasa harap na siya ngayon ni Blake habang hawak ang kamay nito at tuwang tuwang tinitignan ito.

"Ah, Lola."

"Naku, apo. Wag ka nang mahiya. Napakagwapo nitong boyfriend mo." Masayang saad niya.

Napaface palm nalang ako. Hindi ba pwedeng patapusin muna niya akong magsalita? Pinangungunahan niya ako, eh. Tsk.

"Napakagwapo mo, iho." Sabi ni Lola.

Ngumiti naman ng alanganin si Blake. "Salamat po." Slang na sagot nito.

Surprise? Yes. He can speak Tagalog. Actually, lahat ata ng language alam niya. Mas sanay lang talaga siya sa English. 

"Lola." Muling tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Are you hungry? What do you want to eat?" Tanong ni Lola kay Blake.

Seriously? Grandchild here! Mas inuna niya pa talaga si Blake, ah? Tsk.

"Apo." Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang tinig ni Lolo.

"Lolo."

Inextend niya yung mga braso niya na para bang naghihintay na yakapin ko siya. Nginitian ko siya saka siya niyakap.

"I missed you, Sloanne, apo." Dama ko ang saya sa boses niya.

"I missed you, Lolo."

Vindicta (Revenge Of The Luther Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon