"What is an ideal man for you, Ms. Pineda?" napakunot-noo si May. What happened? Ngayon pa ba siya mami-mental blocked? Nasa final interview na siya para sa trabahong ina-apply-an niya sa DVGC, ang De Veyra Group of Companies. Out of one-hundred applicants for the position, tatlo lang silang nakarating sa stage na ito. And this is her last question. Bakit ngayon pa siya papalpak? Napatingin siya sa kaharap. Sa tingin niya nasa mid-fifties na ang edad nito. Though formal na formal ito in his business attire, nakangiti ito sa kaniya. Mukha ring mabait ito at may amusement siyang nababasa sa pagkakangiti nito sa kaniya. Napailing siya. Bago siya pumasok sa building na ito kanina, parang nakita pa niya ang nanay niyang nakangiti at ini-encourage siyang dito nga mag-apply. Malaki at sikat ang DVGC. Kung nasaan man ang nanay niya ngayon, ito ang unang matutuwa kapag nalaman nitong makakapagtrabaho siya sa ganitong kompanya. At gusto niyang natutuwa ang nanay niya. Iyon lang ang gusto niya.
"Ms. Pineda?" naiinip na marahil ang interviewer niya sa isasagot niya.
"Ahm... I'm s-sorry, Sir?" for the first time na-rattle siya. "Oh, My!" lihim niyang nausal. Ano ba ang nangyari? Kanina feeling niya ang galing-galing niya. Wala siyang tanong na hindi nasagot. At alam niyang impressive lahat ng sagot niya dahil hindi siya makakarating sa last stage ng interview kung hindi na-impress sa kaniya ang iba't ibang interviewers. Butas ng karayom ang dinaanan niya bago siya napunta dito, 'wag ng idagdag ang naggagalingang aplikanteng kasabay niya. Why all of a sudden eh parang nawawala siya sa sarili niya? Bakit hindi niya naintindihan ang huling tanong? Or worse bakit hindi niya yata ito narinig ng tama? Narinig niyang tumawa ang lalaking kaharap.
"You heard me right, Ms. Pineda. Or do you really want me to repeat the question?"
"Please do repeat the question Sir. Thank you." Walang pag-aatubiling turan niya. At mataman siyang nakinig. Hindi siya papayag na mawala siya sa kaniyang sarili sa pangalawang pagkakataon.
"What is an ideal man for you? A man you usually dreamt of, what kind of man is he?" Ano daw? Ngayon sigurado siyang hindi siya nabibingi. Pero hindi yata ma-absorb ng matino niyang pag-iisip ang tanong na iyon. Ideal man? Hindi niya napag-aralan iyon sa four-year course niya. Wala rin siyang nabasang ganoon sa mga reviewers niya. At related ba talaga ang tanong na iyon sa trabahong ina-apply-an niya? Unfair talaga ang mundo. Ideal man? Kahit anong isip niya hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong na iyon. Sino ba naman ang mag-aakalang ganoon kalabo ang magiging final question niya?
"Ms. Pineda?"
"Uhm... yes, Sir. An ideal man for me is... what kind of man is he... Actually, Sir I don't have any idea what an ideal man must be or what must his kind be. That's all." Patay na. "Condolence May." Napangiwi siya sa naisip. Ano pa ba ang aasahan niya? Isang lumalagapak na "hindi ko alam" ang sagot niya sa pinaka-importanteng tanong sa prosesong pinaghirapan niyang tapusin. Nakita niyang kumunot ang noon ng taong kaharap niya. Hinintay niyang sabihin nitong makakalabas na siya. Hindi bale, marami pa siyang pag-aaply-an. Bukas na bukas rin ay magsisimula uli siya. Nakapanghihinayang nga lang ang nagawa niya ngayong araw. Nang sabihin ng interviewer na pwede na siyang lumabas at hintayin na lamang ang tawag sa kaniya sa mga susunod na araw ay nagmamadali siyang tumayo. Wala na siyang pag-asa at hindi na siya maghihintay ng tawag nito. Bago niya tuluyang nabuksan ang pintuang lalabasan, napahinto siya nang marinig niyang tawagin siya ng lalaking nag-interview sa kaniya. Muli siyang lumingon dito.
"Yes, Sir?" nagtatakang tanong niya.
"Are you sure you don't know what an ideal man is?" pakiramdam niya namula siya sa narinig. Oo nga naman. Ganoon nga ba siya katanga para hindi masagot ang ganoon kasimpleng tanong? Gusto niyang lumubog sa mismong kinatatayuan niya nang umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Narinig na naman niya itong tumawa. Mas lalo yata siyang namula sa kahihiyan.
YOU ARE READING
Suddenly
RomanceAn innocent, smart, and lovely woman plus a playboy, smart, and handsome man make a perfect team-up for DVGC, the De Veyra Group of Companies. They are May Pineda- an EA, to Engineer Noah Dey Vera- the CEO. Everything between them is perfect. He ad...