EPILOGUE

42 3 0
                                    

"Sweetheart, hindi pa ba tapos iyan?" it's Noah, her husband. Mahigit isang taon na silang kasal. Kinasal sila sa kaparehong date na sinabi ni Noah sa mga captors nila noong gabing mahold-up sila. Nothing changed. Tinanggap siya ng mga magulang ni Noah nang buong puso. Si Tito Ramon ang una nilang sinabihan ng tungkol sa kanila at wala itong kasing-saya. Si Bernard ang best man sa kasal nila pero hindi ito nakarating. Nagkaroon kasi ng emergency sa kompanyang hawak nito sa ibang bansa at kinailangan ito doon sa mismong araw ng kasal nila ni Noah. Naintindihan naman nila ito. Kagaya ng hiniling niya sa kaniyang asawa, siya pa rin ang EA nito. Ngayon nga ay may nira-rush siyang report na kailangan ng kanyang asawa para bukas.

"Sandali na lang ito." Sinulyapan niya ang asawang nakahiga na sa kama nila.

"Remind me to hire a new EA tomorrow."

"Yes, Boss." Sagot na lang niya ditto para lang tumigil na ito at para hindi na siya nito kulitin. Ganoon ito palagi kapag may iniuuwi siyang trabaho. Narinig niya itong bumuntong-hininga. Akala niya, nakumbinsi na niya itong tatapusin niya ang ginagawa niya. Pero nagulat siya nang maramdaman niya ito sa may likuran niya. Maya-maya pa ay sarado na ang laptop na kanina lang ay ginagamit niya sa paggawa ng report.

"Noah..." she desperately uttered and faced her husband.

"Call me that way again at bukas na bukas rin, I'll fire you." noon, gustong-gusto nitong magpatawag sa pangalan nito. Ngayon, nagagalit ito kapag Noah ang tawag niya dito.

"Sweetheart, sandali na lang kasi ito. Please?" ginamitan niya ito ng tonong nagmamakaawa. Kahit anong hilingin niya sa asawa niya, ibinibigay nito kapag ganoon na ang tono niya.

"No." mukha ngang hindi niya ito pwedeng pakiusapan at bolahin ngayon. she can sense that.

"Please?" she still hoped na pakikinggan at pagbibigyan siya ng asawa. Naramdaman niyang umangat siya sa kinauupuan niya nang buhatin siya nito. He carried and brought her into their bed. Inilapag siya nito sa kama nila.

"Bukas na bukas rin, hindi ka na magtatrabaho." he commanded.

"Pero..." she insists.

"No more buts." Hinalikan siya nito sa labi. And with that kiss nakalimutan niya lahat ng gusto niyang gawin at kailangan niyang tapusin. Only his husband's kisses and she'll melt away. Ang mga halik lang ng asawa niya ang gusto niya.

"Sweetheart..." tawag niya dito nang saglit nitong pakawalan ang mga labi niya. Umungol lang ito at muli siyang hinalikan. Pinutol niya ang halik nito.

"What?" nagmamakaawa na ang itsura nito. Nginitian niya ito.

"I don't want you to hire any other woman to be your EA."

"Bakit?"

"Magseselos ako thinking na may kasama kang ibang babae maghapon sa office. Hindi ako mapapakali at..." naramdaman niya ang mga labi nito sa kaniyang mga labi. Narinig niya itong tumawa pagkatapos.

"Wala akong ibang babaeng gustong makasama sa maghapon sa office ko o kung nasaan man ako. Ikaw lang ang gusto kong makasama, Mrs. May De Veyra." Niyakap siya nito. Kapag niyayakap at hinahalikan siya ng asawa niya, siya na ang pinakamaligayang babae sa buong mundo.

"So you won't hire a new EA anymore?"

"I'm afraid, I need to, Sweetheart."

"Sabi mo..."

"Because you need to stop working. Sweetheart, kinukulit na ako ng mga biyenan mo sa kanilang apo."

"You'll still hire a new..."

"Yes, I need to." Sumimangot siya. Hinalikan siya nito sa ilong.

"Alam mo bang two weeks na akong delayed and..."

"What?! You mean..."

"I think so."

"Daddy na ako? Daddy na ako!!!" he shouted in so much happiness. "I love you so much sweetheart." and he kissed her again.

"I love you too, Noah." She loves to call him with his name.

"I'll call Mom and Dad."

"Ano ka ba, gabi na. We'll visit Dr. Cruz tomorrow, how about that?"

"Okay. I love you."

"I love you too. Matulog na tayo." She gave him her sweetest smile.

"No way!" at sinimulan siya nitong halikan sa labi. She can't ask for more. Having Noah beside her made her the happiest woman. And they're having their first angel. She could'nt ask for more. With Noah beside her, her ideal man, she knows, they'll live happily ever after.

The End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SuddenlyWhere stories live. Discover now