CHAPTER FOUR

31 1 0
                                    

He can't help but smile when he heard something moved outside his office. He can imagine his EA's face greeting him "Good morning, Sir!" Napailing si Noah. He noticed he's acting strange lately just with the thought of his EA. Siguro natutuwa lang talaga siya dito. She's a very witty woman. Naalala niya noong samahan niya ito sa simbahan hanggang sa puntod ng nanay nito. No dull moments when you're with her. Kahit nga hindi ito magsalita, she has a face that could launch a thousand ships. "Now, that's damn crazy. You're crazy, Noah." Bulong niya sa sarili. She's beautiful alright. No, lovely must be the right term for her. So what is unusual with it? He grows up being surrounded by pretty faces. Hers is different. She's so innocent. He remembered yesterday. Kung paano ito magtitili na parang teenager kapag naka-close-up ang mukha ni... what's that local actor's name again... John Lloyd Cruz? Muli siyang napailing. "May..." napakunoot-noo siya. He's sure dumating na ito, pero bakit hindi pa rin ito pumapasok ng office niya? He decided to check her... because admit it or not, he can't wait to see his EA's smile. Pagbukas niya ng pinto, hindi niya alam kung ngingiti siya o kukunot-noo.

First time niyang pumasok ng opisinang mag-isa. Hindi na siya nagpasundo sa company driver. Ginamit na niya ang kotseng niregalo sa kaniya ng boss niya. Sa sobrang excite, napaaga yata siya. Wala pa kahit isang tao sa tenth floor nang dumating siya. When she turned on the light, kumurap-kurap iyon. Akala niya titigil din iyon but she was wrong. Wala pa ang maintenance na in-charge sa floor nila. Siguro maluwag lang ang fluorescent lamp. Ganoon din ang nangyayari minsan sa bahay niya. At alam niya kung paano iyon ayusin. Kailangan lang niyang pihitin para maiayos ang pagkakalagay ng lamp. Without a second thought, kumuha siya ng upuang tutungtungan upang makasampa siya sa table na katapat lang ng kumukurap na ilaw. She didn't bother to remove her heels. Medyo nahirapan nga lang siya dahil sa mini-skirt na suot niya. When she finally reached her target, walang pakialam na pinihit niya iyon. At gusto niyang maglulundag sa tuwa nang tumigil ito sa pagkurap at naging steady na ang ilaw nito. "I knew it. Easy." Sabi pa niya habang pinapagpag ang kaniyang palad. Ihahakbang na niya ang isang paa pababa sa upuang tinungtungan niya nang mapalingon siya sa pintuan ng president's office. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari pagkatapos niyang makitang nakasandal sa may pinto ang boss niya habang kunot-noo itong nakatingin sa kaniya. Namalayan na lang niyang nakakapit na siya sa balikat ng boss niya habang nararamdaman niyang nakaalalay sa likod at lower back niya ang mga kamay nito. What happened?

"Good morning, Sir..." hindi niya sigurado kung narinig ng boss niya ang pagbati niya. Para kasing naibulong lang niya iyon. O siya lang ang hindi nakarinig noon kasi parang nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Bakit ito ganoon kalakas? Ngayon ba siya kinabahan sa ginawa niyang pagtuntong sa mesa? Natatakot ba siyang baka mahulog siya? At ano nga ba ang nangyari? Nahulog nga ba siya sa mesa? Naramdaman niyang tinutulungan siyang makatayo ng maayos ng boss niya. Gusto na rin niyang tumayo at bumitaw sa pagkakahawak sa balikat nito, nakakahiya kasi. Pero bakit nanlalambot ang tuhod niya? Pinakiramdaman niya ang sarili niya. May masakit ba sa katawan niya? Napilayan ba siya nang mahulog siya sa mesa kaya nanlalambot ang tuhod niya? Hindi eh. Naramdaman niyang tinulungan siya ng boss niyang makaupo.

"Are you alright?" nakakunot-noo ang boss niya nang bitiwan siya nito pagkatapos siya nitong paupuin. Alright? Oo naman she's alright. Bakit naman hindi? "Is that your new style greeting me "good morning" Ms. Pineda? Kailan ka pa natutong mag-ala cat woman at tumalon sa mesa?" seryoso pa rin ito. Pero para rin itong nag-aalala. Tumalon? Hindi naman siya tumalon. Bababa siya ng maayos nang magulat siya pagkakita dito kaya siguro na missed ng paa niya ang upuang dapat sana ay bababaan niya. Nakakahiya. Buti na lang nasalo siya nito kundi baka pilay siya ngayon. Nasalo? Sinalo siya ng boss niya. Mas nakakahiya yata iyon. Pinilit niyang magpakawala ng isang ngiti.

"Ah, eh I just checked the light, Sir..."

"Gusto mo na bang mag-resign sa pagiging EA mo?" nanlaki ang mga mata niya. Seryoso ba ito?

SuddenlyWhere stories live. Discover now