"Noah!" sigaw ni May. Nakita niya tinamaan ito. May dugo ito sa balikat. Gusto niya uling sumigaw sa takot.
"Calm down hija."
"Tito Ramon?"
"You're safe." Nakangiti ito sa kaniya. Iginala niya ang kaniyang paningin sa kinaroroonan. Nasa hospital siya. Yeah, she's safe. Anong nangyari sa mga goons? At ang boss niya?
"S-Si Noah?"
"He's in the next room. Kalalabas lang niya ng operating room."
"Pupuntahan ko po siya." Pinigilan siya ni Tito Ramon sa pagtayo.
"He's alright." Nakangiti ito.
"Pero tinamaan po siya ng baril."
"Yes. Dalawang bala ng baril ang nakuha sa katawan niya. But he's alright."
"Gusto ko po siyang makita." Pinilit niyang bumangon ngunit biglang kumirot ang ulo niya. "Ang sakit po ng ulo ko." Nakangiwi niyang sabi kay Tito Ramon. Narinig niyang tumawag ito ng doctor. Maya-maya pa ay may doctor ng nag-aasikaso sa kaniya.
"I'ts alright. There will be pain because you have bruises. But don't worry, maliban sa mga gasgas ay wala ng malala pang damage sa ulo mo. You just need to stay still and avoid harsh movements." Nakangiti ang doctor. Matapos nitong kausapin si Tito Ramon ay lumabas na ulit ito.
"Hear that?" ang Tito Ramon. Nakangiti pa rin ito sa kaniya. Naalala niyang muli ang boss niya. Buhay ba talaga ito?
"Buhay po ba siya?" hindi niya alam na naisatinig niya iyon. Narinig niyang tumawa si Tito Ramon.
"Who? Si Noah? Yes, he is very much alive and kicking. Hindi nga makapaniwala ang doctor niya. Para lang itong natinik ng makahiya pagkatapos matanggal ang dalawang bala sa katawan nito. Si Superman yata ang batang iyon. Mas malala pa nga ang kalagayan mo. May masakit ka. Samantalang nang tanungin ng doctor kung ano ang pakiramdam niya, isang nakakagulat na "fine" ang sagot ng batang iyon. Dapat nga tulog iyon sa mga oras na ito pero andoon at gising na gising." She believed him. Siguro nga okay lang ang boss niya. Siguro nga may kapangyarihan din itong katulad ng kay Superman. Nakita niya kung paano nito gulpihin iyong isang goon.
"Akala ko mama..."
"Mamamatay kayo? Noah won't allow that to happen. Malilintikan siya sa akin. Pero nag-alala ako ng labis sa inyo." Nakita niyang napatiim-bagang ito.
"Sorry po." Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa kama niya.
"When you answered my call, it felt like I died. But you were very smart to do that, my child. God knows how thankful am I nang magsimula mong tanungin ang mga captors ninyo kung saan kayo dadalhin. I waited for the time you'll tell me where exactly you were. I know you'll think of that. I never doubted how smart you are May. Hindi lang talaga ako naniniwalang matapang ka. But now I do believe Noah when he told me that you're a brave girl."
"So, you are the caller!"
"I called to check kung naihatid ka na ng pamangkin ko."
"You're so good to me Tito. Thank you."
"Because you are also kind, May." They are both teary-eyed. Bago tuluyang pumatak ang luha niya, bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang maingay na si Bernard.
"So, how's the Super girl?" lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Napa-aray siya dahil may mahapdi siyang naramdaman doon. Siguro may gasgas din siya sa noo.
"I thought I won't see you again." madamdamin niyang sabi kay Bernard na nakangiti pa rin. Ngayon niya naisip ang mga nakakatakot na bagay na iyon. That's what they call "after shock".
"And I thought I'll lose my lovely sister. Kung hindi ako pinigilan ng mga pulis, maybe I killed those bastard! Shit sila!" she saw anger passed his eyes.
"Don't curse." She said. Maiiyak na naman siya.
"Kahit paulit-ulit ko silang murahin it won't be enough. Look what they've done?" itinaas nito ang masakit niyang braso. Puro gasgas iyon. "Halos himatayin na si Noah nang magkagasgas ang tuhod mo noong mahulog ka sa mesa. And Papa won't let a mosquito bite you. Tapos ganito ang gagawin nila sa'yo? They're shit!" muli niya itong sinaway sa pagmumura.
"I love you Bernard." Maiiyak na sabi niya. Natawa ito.
"And I love you honey." Muli siya nitong hinalikan, this time sa pisngi na lang kasi may gasgas siya sa noo. Narinig niyang tumikhim si Tito Ramon. "Oh, I can sense a jealous old man here!" tukso nito sa sariling ama. Natawa siya.
"I love you, Tito." Ngumiti ito at masuyong pinisil ang kamay niyang nakahawak dito.
"I love you, baby. Now rest." Sabi nito. Pero ayaw niyang muling matulog. Hindi siya matutulog hanggat hindi niya nakikita ang boss niya.
"Rest or your doctor won't allow you see Superman." Si Bernard. Nanunukso ba ito?
"But..."
"No more buts. Paggising mo he'll be here." Tito Ramon gives her assurance.
"Is he really alright?" hindi kaya sumusobra yata ang pag-aalala niya sa boss niya? Pero masama ba iyon? Niligtas nito ang buhay niya. At tinamaan ito ng bala. Nakakapag-alala naman talaga iyon.
"You know what, Miss?" tanong ng nakangiting si Bernard sa kaniya.
"What?" she innocently asked.
"You're in-love!" ang lakas ng tawa nito.
"Bernard!" saway ng sarili nitong ama sa lalaking kumindat pa sa kaniya. In-love? Ano nga ulit iyon?
"Tito?" nagtatanong niyang baling sa matanda.
"I'll tell you when you feel better." Ngiti ng matanda at nakita niya nang bigyan nito ng masamang tingin si Bernard.
"Yes, sweetie. Papa will give you a lesson on love 101 when you feel better." Bakit parang siya lang ang hindi nakakaintindi sa pinag-uusapan nila? Love 101? Parang bumibigat ang talukap ng mata niya at nagsisimulang mamanhid ang pakiramdam niya dahil hindi na niya maramdaman ang mga kirot ng mga gasgas niya.
YOU ARE READING
Suddenly
RomantikAn innocent, smart, and lovely woman plus a playboy, smart, and handsome man make a perfect team-up for DVGC, the De Veyra Group of Companies. They are May Pineda- an EA, to Engineer Noah Dey Vera- the CEO. Everything between them is perfect. He ad...