Noah ignored the blood he felt from his head. Pinilit niyang tumayo at niyakap ang umiiyak na si May. He didn't feel any fear kanina. Alam niya mga pipitsuging hold-upper lang ang tumangay sa kanila. Kalmado lang siyang nagmamasid kanina habang matapang na nakikipag-usap si May sa mga goons. Nagsimula lang siyang matakot nang makita niyang umiiyak si May. Hindi siya natatakot para sa sarili niya. Natatakot siya para sa inosenteng dalaga. Kanina pa niya gustong durugin ang pagmumukha ng goon na Ador ang pangalan. Sa tuwing hahawakan nito si May gusto niya itong suntukin ng paulit-ulit. Wala itong karapatang hawakan si May, ni kantiin ang dulo ng daliri nito. At kailangan nitong patayin siya bago nito magawa ang balak nito sa dalaga.
"Stop crying. I love you. I won't let them hurt you." hindi niya alam kung sinasabi niya iyon para kumalma ang dalaga o kung sa sarili niya iyon sinasabi para kumalma siya at makapag-isip ng tama.
"Si... Noah." Kung wala sila sa ganitong sitwasyon ay mapapangiti siya. Natutunan din nitong tawagin siya sa pangalan. Narinig niyang tumigil ito sa paghikbi at sumiksik itong mas lalo sa kaniya. Ang tapang nito kanina, ngunit bigla na lang itong umiyak nang makita nitong dumudugo ang ulo niya.
"Ang sweet ninyo! Asan kayo sa akala nyo?" sigaw ni Ador.
"Ador, pabayaan mo na iyan. Narinig mo namang ikakasal na iyan bukas. Malamang napagsawaan na iyan ng kaniyang nobyo." Nakita niyang nag-angat ng mukha si May at kunot-noong tumingin sa kaniya.
"Sa tingin ko nga!" sigaw ni Ador.
"Idispatsa na natin iyan. Ilabas mo na ang mga iyan doon sa high-way."
"Teka lang pareng Bruno. May maganda akong naisip. Kung hindi ko matitikman ang babaeng ito ay pwede ko silang panoorin. Hoy lalaking pangit, simulan mo na bago ko pa maisipang iputok ang baril na ito sa iyo." He felt her shiver. Alam niyang nanginginig ito hindi dahil sa gustong mangyaring kahayupan ng hayop na lalaki. She's so innocent to know that. Natatakot ito dahil sa sinabi ng lalaking babarilin siya nito.
"Noah..." may namumuo na namang luha sa mga mata nito.
"Sssh...don't cry." Saway niya dito.
"Ano?! Ang tagal naman!" nabingi siya sa sabay na putok ng baril ni Ador at sa tili ni May. Tuluyan ng umagos ang tinitimpi nitong luha kanina. "Shit!" paulit-ulit siyang nagmura sa kaniyang isip. But he needs to calm down and think. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni May. His thumbs wipe her tears.
"Look at me..." utos niya dito. "Look at me and listen carefully." Nakatitig sa kaniya ang mabibilog nitong mga mata. "Trust me. You need to trust me."
"I trust you." gusto niyang malunod sa hindi maipaliwanag na damdamin just by staring at his EA's face now. She really trusts him. That thought makes him feel something he doesn't he is capable of feeling. Happiness and contentment. With May in his arms, parang he wanted to stop right then and there and hold her like this forever. Odd, kasi nararamdaman niya ang ganoon sa mga oras na nasa panganib sila.
"Ang tagal!" sigaw na naman ni Ador na nagpapitlag sa dalagang hawak niya.
"I want you to close your eyes." She obeyed him. He kissed her. Sa noo, sa mga mata nitong nakapikit, sa labi. He knew he was her first kiss. Naramdaman niyang nagulat ito. Pero hindi pa rin ito dumidilat. "Open your eyes, May." Bulong niya dito. Dumilat ito.
"'Yan lang ba ang kaya mong gawin, magaling na lalaki? Mamamatay ka na mamaya halik lang ang iiwanan mo sa asawa mo?!" gusto niyang pilipitin ang leeg ng maingay na lalaki.
"Don't believe him. I won't die." He wanted to take away the fear he could see in her eyes. Muli niyang hinalikan ang labi ng dalagang malapit na malapit sa kaniya. Gusto niya itong kalmahin. Bigyan ng assurance na ayos lang ang lahat. Kissing her makes him feel better. Baliktad yata. Siya ang nakakalma sa ginagawa niyang paghalik dito. Kissing her feels like everything will be alright. Naramdaman niyang ang nakatikom lang nitong mga labi kanina ay unti-unting gumalaw. Sinusundan ang kilos ng mga labi niya. It felt nice to kiss her. He would love to kiss her again and again. Nabitawan niya ang dalaga nang may humatak dito. Nagdilim ang paningin niya nang makita niyang napunit ang night gown nito at nalantad ang isang bahagi ng dib-dib nito. He heard her scream. Hindi niya alam kung paano niya nagawang agawin ang baril sa hayop na lalaki. Namalayan na lamang niya itong nakahiga na sa sahig at duguan ang mukha nitong puro pasa at sugat. May runs in his arms.
"Back up!" utos niya sa isa pang goon na tutulong sana sa kasamahan nitong nagulpi niya ng hindi niya namamalayan. Itinutok niya ang baril palipat-lipat sa dalawa. "Go, find the door." Utos niya kay May. Nag-atubili ito.
"I won't leave you..."
"You won't. I'll follow. Go!" bumitaw ito sa kaniya at tumakbo papunta sa direksiyong pinasukan nila kanina. Narinig niyang kumalampag ang kalawanging gate.
"Noah!" she heard the woman's voice called him.
"Give me the key. Akina ang susi ng kotse nyo." Ihinagis ng isang goon sa kaniya ang susi. Sinalo niya ito. "May, get in the car." At sa dalaga niya naman ihinagis ang susi.
"Noah halika na." he heard her. How he loved to hear her voice always. He made sure hindi na sila masusundan ng mga ito. He shoots Ador on his left foot. Narinig niya itong sumigaw sa sakit. He's sorry for him. But to hell with him. Hayop ito. Buti nga nakakapag-isip pa siya ng matino ngayon. Kanina pa niya gustong pilipitin ang leeg ng hayop na lalaki.
"Noah!" it's May.
"Mauna ka na sa sasakyan." He wanted her to be safe. Iyon lang ang gusto niya ngayon, wala ng iba. Isinunod niyang patamaan sa binti si Bruno. He hit him. When he was about to run, nakarinig siya ng isang putok na siguradong hindi galing sa baril na hawak niya. Then he felt something on his left shoulder. Dugo. He saw Bruno. May hawak din itong baril. Marahil may sarili rin itong baril na hindi niya nakita kanina. Hinanap ng mga mata niya si May. He saw her. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Fear is all over her face. Kung tumili ito nang makita nitong tamaan siya ng baril ni Bruno ay hindi na niya narinig. O hindi na talaga ito nakatili sa sobrang takot. Nang makita niyang tumakbo ito palapit sa kaniya at makita niyang nakatutok pa rin ang baril ni Bruno sa kaniya he pushed her hard. Natumba ito sa sahig. Dumapa siya sa ibabaw nito and did everything to cover her. He heard her say "no". sunod-sunod ang narinig niyang putok. Parang naramdaman din niyang something hit his back. When he tried to check his EA, nakita niya itong walang malay. Nasa ibabaw siya nito. He checked her kung may tama ba ito o kung may dumudugo dito. Wala siyang makita. Parang papanawan na rin siya ng ulirat. Ngayon niya nararamdaman ang sakit sa braso niya at sa may likod niya. But he won't let those goons hurt May. Nawalan marahil ito nang malay nang makita nitong tamaan siya ng bala ng baril ni Bruno, o nabagok ba ang ulo nito nang itulak niya ito. He cursed.
"Noah!" nanlalabo na ang mga mata niya to recognized kung kaninong tinig ang narinig niya. May narinig siyang maingay. Is that a siren? And the man approaching him...if he wasn't mistaken, he looks like Bernard, his cousin. He arrived on time. He knew they're safe. May's safe...
YOU ARE READING
Suddenly
RomanceAn innocent, smart, and lovely woman plus a playboy, smart, and handsome man make a perfect team-up for DVGC, the De Veyra Group of Companies. They are May Pineda- an EA, to Engineer Noah Dey Vera- the CEO. Everything between them is perfect. He ad...