CHAPTER FIVE

31 1 0
                                    

­Hindi niya alam kung bakit sobrang saya niya ngayong gabi. Dahil ba nag-enjoy siya sa party? Pero hindi ganito kasing saya ang mga party sa bahay ng mga De Veyra dati. Dahil ba marami siyang nakilala? Dati naman marami na rin siyang nakikilala sa party. Naalala niya ang nanay niya. Siguradong masaya din ito ngayon.

"What are those smiles for?" nagulat at napalingon siya sa katabi. Nakalimutan niyang kasama niya pala ang boss niya. Ito raw kasi ulit ang maghahatid sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Nahihiya na siyang ginagawa niyang driver ang sarili niyang boss kaya nagpumilit siyang siya na ang magdrive. Kung hindi ay hindi siya magpapahatid dito. Pumayag naman ito. "Kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan. Don't make me worry thinking na nababaliw na ang EA ko." Mas lalo siyang napangiti dito. Kanina pa ito nagpapatawa. Siguro kaya mas masaya ang party ngayon kesa sa mga naunang party kasi dahil sa boss niya. Dahil sa boss niya... bakit? Ewan. Para kasing iba ito ngayon. Parang... hindi niya yata kayang isipin. Hindi niya alam. Basta masayang kasama ang boss niya ngayon. "May? Kung hindi ka pa magsasalita, mapipilitan akong tumawag sa 911."

"Sir!" ang lakas ng tawa niya. "I'm fine, nothing to worry. Para po kasing ang saya ko ngayon." Tama bang sabihin niya ang nararamdaman niya sa boss niya? Okay lang siguro iyon. Nang saglit niya itong sulyapan ay nakita niya itong nakakunot-noo.

"Let me guess why." Ganoon ito palagi. Hinuhulaan nito kung bakit masaya siya, kung anong iniisip niya, kung anong mga gusto niya. Minsan natatawa na lang siya sa ginagawa nito. Pero minsan parang sumasaya at gumagaan ang pakiramdam niya kapag ganoon ang boss niya sa kaniya. "You met the man of your dreams in the party." Nasamid yata siya sa narinig. "I'm right." Parang malungkot ang tinig nito. Nang lingunin niya ito ay nakangiti naman ito. Lumabi siya dito. Narinig niya itong tumawa. Pinagtatawanan ba siya nito? "Tell me his name. I'll tell you if he's a good man. Kakilala ko lahat ng lalaki sa party kanina."

"Ows?" buti pa ito. Siya nga wala yata siyang natandaan sa pangalan ng mga nakilala niya.

"Come on, tell me." Ano raw?

"Ano po?" ano na nga ba ang pinag-uusapan nila?

"The name of the man..." napahagikgik na siya.

"To tell you the truth, Sir, I didn't remember even a single name in the crowd."

"You're telling me that you weren't able to get the name of your man?"

"I didn't meet that man, Sir."

"What?" para yatang sumaya ulit ang tinig ng boss niya? Nababaliw na ba siya sa pag-iisip ng ganoon? "Tell me what is an ideal man for you."

"You sound like your Tito Ramon, Sir, during my final interview." Narinig niya itong tumawa. "Sir, is it okay if I'll take the short-cut route?" pag-iiba niya sa usapan nang malapit na sila sa daang short-cut. Ilang beses na siyang nakadaan doon.

"We're not in a hurry to take that route." Narinig niyang sabi nito. It means, hindi okay na doon siya dumaan. " And we're not sure that it's a safe route. Gabi na." that's the reason kung bakit gusto niyang mag-short-cut. Gabi na. Uuwi pa ang boss niya pagkahatid nito sa kaniya. Though ilang beses na siyang nakadaan doon, hindi pa niya nasusubukang mag-short-cut doon ng gabi. Pero wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanila ngayon kung doon sila dadaan.

"Just relax, Sir. Ako ang bahala. You can take a nap. Gigisingin ko na lang po kayo kapag nasa bahay na tayo" and she entered in that road. Medyo madilim nga lang doon at wala halos mga bahay sa gilid pero mabilis lang ang daan na iyon.

"Shit!" narinig niyang nagmura sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ang boss niya. At hindi niya alam kung paano sa ganoon kabilis na pangyayari ay naihinto niya ang kotseng sinasakyan nila bago ito sumalpok sa isang kotseng itim na basta na lang sumulpot sa gitna ng kalsadang daraanan nila. Ang sumunod na namalayan niya ay bumababa sila ng kotse habang may mahabang baril na nakatutok sa kanila. Pinalipat sila ng apat na lalaki sa itim na kotseng humarang sa kanila. Halos isalya sila ng mga ito papasok sa backseat ng sasakyan ng mga iyon. Nagka-umpugan pa sila ng boss niya.

SuddenlyWhere stories live. Discover now