CHAPTER TEN

36 1 0
                                    

"Naku, May, ako na diyan. Magpahinga ka na muna. Alam ko napagod ka sa biyahe." It was Nanay Saling. Ito at ang asawa nito ang matagal ng care taker sa rest house nila Tito Ramon sa Pangasinan. Hindi siya makapaniwalang dito sila nagpunta ng boss niya.

"Nay, okay lang po ako dito. I love doing this. Saka si Sir Noah ang nag-drive kaya hindi po ako pagod." Binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang butihing matanda. Nag-volunteer siyang tumulong sa paghahanda ng lunch nila. Mukhang wala pa namang ipapagawa sa kaniya ang boss niya at may kutob siyang bakasyon lang talaga itong weekend nila. Baka sa Monday pa mag-start ang trabaho nila doon.

"Sigurado ka?"

"Opo." Muli siyang ngumiti. Napakabait ng matanda sa kaniya. Naaalala niya ang nanay niya dito.

"Ang ganda-ganda mo pa rin." Si Nanay Saling ulit. Parang gusto nitong magkwentuhan sila. Ganoon talaga ito. Kahit noong una pa lang silang magkakilala palagi na siyang kinakausap nito. Natutuwa raw ito sa kaniya. Wala kasi itong anak.

"Talaga po?" natatawang sagot niya dito.

"Oo. Ikaw ba'y wala pang nobyo?" umiling siya sa tanong nito. Sinasabi na nga ba niyang kailangan na niyang magka-boyfriend. Napailing siya sa naisip. "Wala bang nanliligaw sa'yo?" muli siyang umiling. "Masyado kasing mahigpit ang mga lalaking De Veyra. Para ngang mahihirapan kang magka-nobyo."

"Hindi naman po. Wala lang po talagang nanliligaw sa akin." Meron na nga bang nanligaw sa kaniya? Wala nga.

"Ay paano ka ngang maliligawan eh araw-araw mong kasama si Noah?" oo nga naman.

"Nanay, narinig ko ang pangalan ko. Hindi mo naman siguro ibinubuking sa sekretarya ko ang mga nakakahiya kong sekreto." Naramdaman niyang umupo ang boss niya sa tabi niya.

"Batang ito, at ginawa mo pa akong tsismosa. Pero kapag nagtanong sa akin si May ng tungkol sa'yo, ikukwento ko sa kaniya lahat ng kalokohan mo noong bata ka."

"Sinasabi ko na nga ba't wala sa angkan ng De Veyra ang loyalty nyo." Tumatawa ang gwapo niyang boss.

"Hindi ba't meyembro na rin ng pamilya si May? De Veyra na rin siya." Napangiti siya sa tinuran ni Nanay Saling.

"Hindi pa po nila ako ina-adopt legally." Biro niya. Narinig niya uling tumawa ang boss niya.

"Malapit ka ng maging legal na De Veyra." Napalingon siya sa boss niya. Nakangiti ito.

"Nagbibiro lang po ako, Sir."

"Isa lang po talaga ang problema, hindi niya ako magawang tawagin sa pangalan ko." Si Nanay Saling ang kausap ng boss niya.

"Naku, May. Sanayin mo na ang sarili mong tinatawag siyang Noah. Palaging iginigiit ng batang iyan na ganoon ang itawag sa kaniya." Natatawa ang matanda habang nakatingin sa kaniya. Napansin nga niyang Noah lang ang tawag ng mag-asawang care taker sa boss niya. Mabait kasi talaga ito kahit kanino.

"Magagawa ko lang po sigurong tawagin si Sir sa pangalan niya kapag hindi ko na siya boss." Natatawang sagot niya sa matanda.

"If that's the case, you're fired." Napalingon siya sa boss niyang nagsalita. Seryoso ito.

"Sir?"

"As of this moment, you're no longer my assistant."

"You're kidding..."

"I'm not."

"But that's unfair..."

"Call it what you want."

"Pero, Noah..." she giggles. Ang lakas ng tawa ng boss niya. Pati si Nanay Saling ay nakitawa rin.

"Madali naman palang matuto si May eh." The old woman is still smiling.

SuddenlyWhere stories live. Discover now