The Damsel in Distress

704 3 1
                                    

---AKEELAH'S POV---

"Hi! Hello! Good morning!"

"Hay nako! Kalma lang Ela... Pabayaan mo na yan sila. OK lang na hindi ka nila pansinin kasi hindi naman kayo close kaya SHUT UP!", sabi ko.

"Hoy! Ano ba! Kanina ka pa nang kakasalita diyan, wala namang may nagpapansin sa 'yo. Ang mabuti pa kumain ka muna dito para hindi ka masobrahan sa pagkaexcited mo diyan", sigaw ni Sabel habang kumakain at tumutusok ng fishball.

" Eh, ayoko... Sige kakalma na lang ako. Pero alam mo ba Sabel yung feeling na..., na marami yung makakasalamuha mo'ng iba't ibang klase ng tao dito, na..., na dito din na magiging pinakamaganda ang mga mangyayari sa pagiging teenager mo?", sabi ko habang umaaktong mala-Juliet o maladamsel-in-distress.

"Hayy nako! Pero siguro maraming gwapo dito. Ayyieee." At kinilig naman 'tong si Kulot.

*Ay iba rin 'tong friend kong mukhang dikya.*

"Tara na nga." Hinila ko si Sabel papuntang gate ng Eastwood Montessori University.

"O, teka muna. Kumakain pa ako eh", sabi ni Sabel. "Oo na Ela, gan'on talaga yung pakiramdam pero kahit papaano, kailangan mo ring magmove on. Move on na bes... MOVE ON!"

"Ala eh. Makapag-advice ka parang ikaw yung expert dito sa pagmomove on", ani ko habang nag-aayos na ng buhok. " Hindi mo 'ko matatalo dahil ako yata yung reyna dito ng pagmomove on."

"O edi ikaw na", amin niya.

Marami na ang mga estudyanteng may iba't ibang kulay ng damit ang pumapasok sa gate habang ipinapakita nila sa isang guard yung ID para makapasok sa campus.

"Kayo na ho, Miss. Akin na ho yung ID niyo", sabi  ni Kuya Guard.

"Ah, eh, Kuya, freshmen palang ho kami dito", nagsinungaling si Sabel sa kaniya. "Heto nga ho, puti nga ho yung suot namin."

"Ah sorry ho Ma'am. Punta na lang ho Ma'am kayo sa gymnasium. Meron ho'ng assessment doon para sa mga freshmen", sabi ng guard.

"Sige ho Kuya."

*At sa wakas ay nakita ko na ang loob ng Eastwood Montessori University. GRABE!*

Of Glasses and Leather Jackets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon