"Hahahaha. I'm so magaling and witty talaga", bulalas ko.
"Looks like you forgot my second name, Yousseff", wika niya.
"Oo nga pala no. Pero wag na. Di na kailangan. VirUs lang malakas. Hahahaha."
"For over a semester of being us, I mean, not technically 'us'...
Biglang tumaas ang kilay ko.
...ngayon lang ako nakarinig ng ganyang name ng loveteam", wika ni Markus na mukhang na-amaze sa ginawa ko.
"Bakit, ano ba'ng official na name ng loveteam niyo?", tanong ko.
*Loveteam name pala 'yun. Kung anu-ano pang sinasabi ko kanina. Haha.*
"Nothing", sagot niya na parang walang buhay ang pagkakasabi.
"Talaga?"
"Wala nga", sinabi niya habang nakatingin kay Veronica.
"Eh di ba famous kayo dito? So kailangang meron kayong loveteam name", sabi ko sa kanya.
"This is not a typical institution that you may think it is. We're in college now so they don't value it anymore. Academics muna ang priority."
"Wow. Priority mo na pala ang acads mo."
"I've never said that. But I guess doing these gangsterish stuffs makes me feel worthless and unproductive", confession niya.
"Finally, nakukuha mo na. And aside from that, fame isn't just about... you know, making people adore you and fall in love with you. Special mention na si Veronica diyan", sabi ko. Tumingin siya sa 'kin.
"I don't do that", pagde-deny niya.
"Weeeeh." Halatang nagsisinungaling siya.
"Oo nga. I'm not a show-off and I don't impress them with my charm."
"Hahaha", tawa ko. "Eh ba't maraming kinikilig at nagsisigawan kanina nung dumaan kayo papunta sa 'min?"
Mukhang nairita siya sa tanong ko. Nahalata na ata niya na kanina ko pa siya idinidiin.
"And why didn't you scream like what they did?", pabalang niyang sagot.
*Aba. Aba. Aba...*
"Wow. So sa tingin mo mapapatili kami ni Ela habang nakaupo sa daanan? Habang nasa gitna ng isang commotion? Habang papalapit ang resbak team ni Veronica na ang lider pala ay may personal entanglement sa kasama ko? Sige nga i-imagine mo yun."
Tumahimik ang paligid. Natulala si Markus sa himpapawid kasabay ang pagbugso ng preskong ihip ng hangin na pumapawi sa maalinsangang panahon nitong katanghalian. Napatitig ako sa kanyang maamong mukha. Nagmature na nga 'to. Lalong bumagay sa kanya ang haircut na mala-Zayn Malik, at ang mukha niyang mestizo na pinabulaanan ng makapal at mahaba niyang kilay na pang-Latino ang dating. Nasa gitna ako ng paghahanap sa kung anong nagbago sa kanya nang bigla siyang ngumisi. WTF! Kinilig ang mokong. Dali-daling napawi ito at bigla siyang pumikit na agad-agad naman ay napalitan ulit ng kilig.
*Naks! Senior high school love talaga. Bring back memories bring back you, I mean, her pala...*
"O ano na? Baka kung ano nang iniimagine mo sa 'min ni Ela. May papikit-pikit ka pa diyan", nagulat siya sa pagkakasabi ko. Mukhang na-disappoint ata.
"You have a picture of her? A recent one?", bigla niyang tanong sa 'kin.
"At bakit naman?"
"Basta. Do you have it?"
![](https://img.wattpad.com/cover/152329811-288-k725508.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Glasses and Leather Jackets
Teen FictionNot an ordinary teenage high school romantic story. (Inspired by Bob Ong's 'Isang Dosenang Klase ng High School Students and the movie 'First Day High' starring Jason Abalos, Kim Chui, Gerald Anderson, Maja Salvador, etc.) Hindi ko inaangkin yung co...