Tumingin ako kung sino ang humahawak sa balikat ko. Isang babaeng may salamin, payat, morena, hindi masyadong mataas at mukhang mabait ang nakita ko. Nakasuot siya ng pangteacher at mukhang may iniaabot na ballpen at papel sa 'kin sabay ngumiti sa 'kin.
"Freshman ka? Eto yung attendance sheet. Ilagay mo yung pangalan mo, edad, kasarian, at high school alma mater mo," sabi niya.
"Ah eh, hindi ho ako freshman. Transferee ho ako."
"Ah ganun ba? Sige hija. Sumama ka sa 'kin. Pupunta tayo sa guidance office. Doon ka i-eevaluate ng guidance counselor," anyaya niya.
"Sige po," sumang-ayon ako with matching happiness kasi alam ko na matatakasan ko yung mga mokong na yun.
"Teka. Ikaw lang ba'ng mag-isa o may kasama kang transferee din?," tanong niya.
"Ah eh. Umuwi na ho siya eh."
"Bakit naman?"
"Sumakit ho yung... yung tiyan," sagot ko sabay tingin sa mga gangster na nakatingin na pala sa 'min.
"Bakit? Ano ba'ng kinain niya?"
"Panay ho kasi yung takbo namin," explain ko sa kanya. "Eto nga yung damit ko Ma'am, basang-basa na."
"Ah sige. Hintay ka lang muna dito hija," bilin niya.
"Sige ho."
Pumunta si Ma'am sa mga gurong nag-aassess sa mga freshmen at mukhang may sinabi sa isa sa kanila. Tumingin ako sa exit area nitong gymnasium kung saan nakatayo yung 3 gangsters. Mukhang seryoso silang nakatingin. Yung may curly long hair sa gitna ang nagsign language gamit ng kamay niya na mukhang linalagari niya yung leeg niya na ang ibig sabihin ay "You're dead" o "Lagot ka mamaya."
*Grabe 'tong mga 'to. Mukhang sineryoso na nila. Mukhang sinasadya 'to ng Markus na 'yun. Tamang-tama talaga. Bagay na bagay sila ng Veronica na yun. Ang yayabang at parehong sadista pa.*
"O, halika na hija," sabi ni Ma'am.
Sumama ako sa kanya. Lumakad kami papuntang exit kung saan andun yung mga gangsters. Tumingin ako sa kanila. May sinabi yung long hair ng mga salita na gustong ipa-lip read sa 'kin.
-LAGOT KA MAMAYA-
"Ha? Ano?," tanong ko ng pabulong na may halong pang-iinsulto.
"Lagot ka mamaya?!"
"Ano?!,"
"ANG SABI KO, LAGOT KA MAMAYA!," sabi niya na halatang rinig na rinig ko na ang kanyang sinabi.
At this very time, narinig siya ni Ma'am.
*Oops. Ikaw ang lagot mamaya. Hahah.*
![](https://img.wattpad.com/cover/152329811-288-k725508.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Glasses and Leather Jackets
JugendliteraturNot an ordinary teenage high school romantic story. (Inspired by Bob Ong's 'Isang Dosenang Klase ng High School Students and the movie 'First Day High' starring Jason Abalos, Kim Chui, Gerald Anderson, Maja Salvador, etc.) Hindi ko inaangkin yung co...