Bakas sa mukha ni Sabel ang kakaibang ekpresiyon habang dinidiinan ang tiyan niya.
"Ano'ng nangyari?," tanong ko sabay hingal.
"Masakit...,"
"Masakit yung?,"
"Masakit...,"
"Masakit yung ano?"
"Masakit yung kidney ko. Umuna ka na bilis. Kita na lang tayo sa bahay mamaya," sabi niya tsaka umupo sa damuhan.
"Sige," sagot ko saka tumakbo.
Tumingin ako sa kanya habang tumatakbo.
*Naku! Andiyan na sila. Baka saktan siya mamaya ng mga gangsters. Sana hindi siya ma... Ay oo si Markus pala. Tsk. Tsk. Tsk.*
At nakuha na nila si Sabel. May iba pang gangsters ang humabol sa 'kin kaya tumakbo pa ako ng mas mabilis hanggang sa nakarating na ako sa gymnasium. Marami ang mga tao. Hindi na ako tumakbo para walang may makakakuha ng atensiyon sa 'kin. Lumapit ako sa mga lipon ng mga upuan na kung saan ay hindi pa gaanong puno ng mga estudyante at humanap ng mauupuan. May mga gurong nakatayo sa gilid na nagfafacilitate sa mga dumarating. Hindi pa nagsisimula ang programme.
*Mukhang dito ata yung assessment sa mga freshmen. Pero transferee ako. Pa'no 'yan?*
Sa bandang dulo ako umupo malapit sa mga lipon ng mga gurong nakatayo para hindi makalapit sa 'kin yung mga gangster. Umakto na lang ako ng natural na parang hindi kinakabahan kahit kitang-kita sa suot ko'ng T-shirt ang manilaw-nilaw na marka ng juice na ibinuhos sa 'kin ni Veronica at ng mga alipores niya. Ngunit sa kakatakbo namin kanina, mukhang tuyo na 'tong suot ko. Mabuti nga kasi hindi agad ako madaling pagpawisan. Tumingin-tingin ako sa paligid at nasulyapan ang mga gangsters. Mukhang hinahanap nila ako. Tumango na lang ako at tinakpan ko yung mukha ko kahit papano. At that time, nakaisip ako ng isang magandang plano. Maya-maya'y may isang kamay na humawak sa balikat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ako kung sino ang nakahawak sa balikat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/152329811-288-k725508.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Glasses and Leather Jackets
Roman pour AdolescentsNot an ordinary teenage high school romantic story. (Inspired by Bob Ong's 'Isang Dosenang Klase ng High School Students and the movie 'First Day High' starring Jason Abalos, Kim Chui, Gerald Anderson, Maja Salvador, etc.) Hindi ko inaangkin yung co...