High Blood

108 1 0
                                    

"Wala ho Ma'am, este Madame Porscha pala", sagot ko.

"Siya nga pala, ano'ng tinitingnan mo sa iPhone ko?", tanong niya.

" Ah eh, yung post mo, Madame Porscha."

"And? Ano'ng meron sa post ko?"

"Umm. Ang.... Ang...Ahheemmm", bigla akong napatigil. "Ang sexy niyo ho Madame Porscha. "

"Talaga? Eh maganda ba ako?"

"Sa...saan ho'ng banda?"

"Malamang, edi sa fes ko. Alangan namang sa bilbil ko'ng double-decker", mukhang na-iirita na si Madame P.

"Ahhh, sa... sa mata ng Diyos, lahat tayo ay may magagandang mukha."

"So ano nga? Maganda ba ako?", sabay pakita ng savage at fierce niyang model look.

"Eh, hindi ho ako Diyos eh."

Biglang pumangit ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Napansin niyang madami yung tumatawang nakared. Pati rin yung mga gansters sa likod ay tumatawa rin. Parang lahat ata---mga soccer player, track and field racers at mga nag-eensayo sa iba't ibang sports at mga coaches ay abalang-abala sa pagtatawa. Nagalit si Terror.

"Aber. Aber. Aber. Ano'ng pinagtatawanan niyo diyan ha? Naku. Naku. Naku. Kayong mga atleta at coaches ha, hindi niyo alam kung sino'ng binabangga niyo. Isa pa na mangyari 'to, lahat kayo ipapaguidance ko. Walang hiya 'tong mga 'to", sigaw niya at lahat ay nagsipagtahimik.

*Highblood si Madame Porscha. Sayang hindi niya napansin na tumatawa rin yung mga gangsters. Tsk. Tsk.*

Biglang sumingit si Renato. "O easy lang Madame Porscha. Baka masira 'yang exotic beauty mo. Sayang pa naman ang kagandahan niyo tuwing naaaninag ng Haring Araw. Kaya ako sa inyo Madame Porscha, hindi na ako at magpapa-stress dahil rarami yung wrinkles ko. Sayang talaga yung kagandahan niyo", biro ni Renato.

"Ah talaga? Papangit yung fes ko kapag palagi akong maiistress?", tanong ni Terror.

"Ah, siyempre totoong-totoo. Kaya nga masasayamg lang yung kagandahan at kasexyhan niyo na kailanman ay hindi pagsasawaan ng kahit sino", kutya ni Renato.

*Bolero. Pero sa bagay, tama rin naman.*

"Hihihi. Ikaw talaga. Dinadaan mo pa ako sa mga banat mo. Hihihi. O siya siya. Ano ba'ng kailangan mo at sumama ka pa ng kasamahan mo?", tanong niya habang hinaharot si Renato at ang mga kasamahan niya.

"Gusto ho namin na ihatid itong magandang dilag sa guidance office", sabi niya sabay tingin sa 'kin.

"Akala ko ba ako lang yung maganda dito. Eh ba't sali siya?", tampo ni Terror.

"Ah eh. Pareho ho kayong maganda. Pero ibang level ho yung sa inyo. Pang-universal", biro ng long hair.

"Hihihi. O siya siya. Sige na nga, ihatid niyo na siya."

*Shookt! Ayoko Madame P. Please don't.*

"Yes!", sabi ng mga gangsters.

"Oh ano'ng yes yes diyan? It's time to celebrate, ganun?"

"Oh, ayan na naman kayo Madame Porscha. Naiistress na naman kayo. Masisira tuloy yung beauty at coca cola body niyo. Ang mabuti pa, kami na nga yung maghahatid sa kanya sa guidance office dahil malayo yun, Madame Porscha, at umiinit pa lalo ang araw. Masisira tuloy yung nakasisilaw mong legs. Ang puti pa naman kahit sa malayo tingnan", biro niya.

"Mmmm. Loko. O sige. Ihatid niyo na siya. Magsusupervise ako doon ng assessment sa gymnasium para sa mga freshmen", at pinayagan na niya yung mga gangsters.

*Haaaay. Bwesit na buhay 'to, oo*

Of Glasses and Leather Jackets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon