"Hoy Ela, kanina ka pa sa kakamindtalk mo diyan. Magmumukha ka nang baliw. Sino ba yung iniisip mo? Si Markus?," singit ni Sabel.
"Hindi no! Iisipin ko pa yung mokong na 'yun," sagot ko.
"Eh sino? Yung naka-green kanina?," insulto niya.
"Hindi. I mean, oo. Siguro? Maybe?", litong-lito ko sa tanong niya.
" Aayyyiiiieeeee! May bagong kras yung kaibigan ko. BESTWISHES!!!"
"Bestwishes agad? Grabe siya oh," sabi ko.
Marami na ang dumaraang tao. Ang iba'y nakatingin sa 'min dahil basa yung damit namin. May iba naman na gustong tingnan kami ng paulit-ulit dahil halatang gusto kaming isumbong sa mga gangsters na 'yun.
"Bes, halika na. Umalis na tayo. Mukhang may mga gustong magsumbong sa 'tin," anyaya ko na may halong kaba at pag-aalinlangan.
"Eh, pa'no yung nakagreen?," tanong ni Sabel.
"Huwag na natin yung hintayin. Baka trap yun sa 'tin," sabi ko with a certain realization that I definitely have trust issue.
"Eh mukha namang seryoso yun eh," sabi niya.
"Basta umalis na tayo," pilit ko.
"Eh bakit ba?"
"Basta."
"Bakit nga?"
"Wala. Basta."
"Bakit nga eh?"
"Kasi nga may gustong magsubong sa 'tin!!!," napasigaw ako.
Nagulat ako. Tinakpan ko yung bibig ko at nakitang maraming tao yung nakatingin sa amin.
"Halika na," anyaya ko kay Sabel saka tumakbo.
Tatakbo na sana kami nang may sumigaw ng: "Andito sila. Bilis!". So tumakbo kami sa hallway na puno ng tao. Sakto na nakita namin yung nerd na mukhang may kinukuha sa kanyang locker.
" Change plan!," sigaw ko.
Lumabas kami ni Sabel ng buiding hanggang sa makarating sa field na may mga naglalaro ng soccer. Mainit na ang umaga. Hindi gaanong marami ang ulap sa kalangitan. Ang soccer field ay puno ng mga naka-red na athletes na mukhang basa dahil sa pawis. Bakas sa kanilang mga sapatos ang putik na galing mismo sa field. Ang soccer field ay katabi ng track field para sa mga track and field racers at nasa dulo nito ay ang gymnasium na mukhang may maraming tao sa loob.
"Tabi!," sigaw ko ng paulit-ulit kapag may nakakasalubong na soccer player.
Palagi akong tumitingin sa likod kung saan nakabuntot ang tatlong nakaitim na gansgter na pinagpapawisan na.
*Grabe yung mga humahabol sa 'min, mga mukhang adik. Parang mga nakahithit na humahabol sa mga basang sisiw. Pero in fairness, mabilis kami'ng tumakbo ni Sabel.*
Malayo na sana kami ni Sabel ng bigla siyang huminto.
"Teka!!!," sigaw niya habang diniinan niya yung dala niyang bag sa tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Of Glasses and Leather Jackets
Ficção AdolescenteNot an ordinary teenage high school romantic story. (Inspired by Bob Ong's 'Isang Dosenang Klase ng High School Students and the movie 'First Day High' starring Jason Abalos, Kim Chui, Gerald Anderson, Maja Salvador, etc.) Hindi ko inaangkin yung co...