Let The Games Begin

146 2 0
                                    

"Ah eh, kayo ho talaga yung maganda", sagot ni Sabel.

*Hay salamat! Kahit papano nabawasan yung kayabangan dito ni Sabel. Meron na rin siyang makakatapat sa payabangan.*

" Then, get out of your way, you poor, curly, ugly creature", bulalas ni Veronica.

At that time, nahiya talaga ng sobra si Sabel. Kawawa naman siya. Tumabi na lang siya at ibinigay ang daan. Marami na ang nakakapansin sa kanila - mga nakagreen, blue, yellow, red orange at iba pa - halos maubos yung lahat ng kulay sa rainbow.

Dumaan sina Veronica at ang mga kasamahan niya at binuhusan ng iniinom niyang juice si Sabel.

"What a poor, ugly thing", wika ni Veronica na may kasamang nakakainis na halakhak. Pagkatapos nito ay tumalikod na sila para umalis.

*Ay iba na 'to. Grabe na sila.*

"Hoy!!! Mga assuming, mga feeling maganda, feeling famous at feeling artista!", napasigaw ako sa kanila.

Humarap sila sa 'min at nakita ako na tinutulangang mapatayo si Sabel.

"What...did...you...just...say?", tanong ni Veronica.

" Hoy! Huwag mo akong ma-english english diyan dahil andito ka sa Pilipinas at sino ka para lait-laitin mo yung kaibigan ko? Aber?", hamon ko sa kanya.

Hinawakan ni Sabel ang balikat ko at nagpakiusap, "Ela, huwag mo na silang patulan."

"Hindi eh. Makalait 'yan sa 'yo parang siya yung... yung pinakamaganda dito, eh mukhang retokada naman", sigaw ko sa kaniya.

Nagulat ang mga manonood. Mukhang nainis at napahiya si Veronica.

"Hey, you ugly creature! Hindi ko alam if where the hell you're from and pareha lang pala kayo with your friend. Lame! Loser! Freak!!!", tukso niya sa 'min.

" Freak pala ah. Alam mo Sabel, kanina pa 'tong ang over na kung manukso sa 'tin. Napupuno na ako sa kanya. Sige, gusto mo, maarteng Veronica, na magsuntukan na lang tayo? Ano, papalag ka?", anyaya ko sa kanya sabay pakita ng mga muscles ko. (Total gusto ko lang naman mafeel na magkaroon ng muscles.) "Ano? Pure protein lang 'to no."

"Suntukan!" "Suntukan!" "Suntukan!"

Nagsigawan ang mga nakapula na mukhang mga athletes...

Of Glasses and Leather Jackets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon