NANG magising siya, wala na si Chandler sa tabi niya. Nang lumabas siya ng kwarto at nagtanong-tanong sa mga naroon kung nasaan ito, sinamahan daw pala nito si Cecille sa ospital kasama ang kapatid nitong si Trixy. Nag-alala pala talaga ang mga ito dahil sa pagkahilo nito kagabi.
Kahit bago pa lang siyang nakilala ng mga ito, para na rin siyang matagal na kakilala ng mga kamag-anak ni Chandler. Sa kagustuhan niyang huwag ng dumami pa ang kasalanan niya sa mga ito, pinili niyang lumayo na lang. Kaya nang niyaya siyang makisali sa pinag-uusapan ng mga ito, humindi siya at sinabing hindi maganda ang pakiramdam niya. Sinabi niya na mananatili na lang muna siya sa kwarto. Nakitaan pa nga niya ng pag-aalala ang mga mukha nito at sinabing tatawagan si Chandler. Sinabi niya na huwag na lang, na tulog lang ang kailangan niya.
GAMIT niya ang earphone niya dahil nakikinig siya sa mga kanta ng paborito niyang boyband na Exo nang tumawag si Rocky. Tamang-tama ang tawag nito dahil pakiramdam talaga niya, nag-iisa lang siya sa mundo.
"Akala ko hindi mo na sasagutin ang tawag ko. Mukhang enjoy na enjoy ka na kasing maging girlfriend ng ka-look a like ng idol mo."
"Wala ako sa mood para sa mga jokes mo."
"Matamlay yata ang boses mo. Inaaway ka ba diyan? Sabihin mo sa akin kung nasaan ka at nang masundo kita."
"Salamat sa concern pero ayos pa naman ako."
"Okay good. Hindi pa nahuhulog ang loob mo sa kanya?"'
"Ang pamilya niya ang problema ko Rocky."
"So inaapi ka nga?"
"Kabaliktaran Rocky. Ang bait kasi nila sa akin. Nakaka-guilty na magsinungaling. Lalo na sa Mama niya."
"Bakit ba kasi dinala ka niya diyan? Tama ba ang hinala ko? Ipangtatapat ka sa ex?"
"May sakit ang Mama niya at naghahanap ng apo."
"Ibig sabihin binuntis ka niya diyan?!"
"Sa salita lang naman. Kaya mas nakaka-guilty e. Nakita ko kasi ang reaksyon ng Mama niya. Tuwang-tuwa siya na magkakaapo na siya."
"E bakit ba kasi ikaw pa ang dinala diyan? Wala ba talaga siyang girlfriend? Kawawa naman ang Mama niya kapag nalaman na hindi ka totoong buntis."
"Isa pa nga 'yan sa iniisip ko e."
"Kung sa bagay, isang linggo lang rin naman ang usapan niyo. Kapag lumagpas na, problema na lang niya kung paano niya ipapaalam sa Mama niya ang totoo.Labas ka na doon.Pero Sapphire, wala ba talagang chance na maging totohanan ang pagkakaroon ng apo? Baka naman magka-develope-pan na kayo ni Chandler diyan tapos makagawa kayo ng totoong baby, o di mas masaya!"
"Imposible naman 'yang sinasabi mo e."
Natawa ito. "Nagbibiro lang naman ako. Pero siguro naman nagkakamabutihan na kayo ni Chandler diyan. Syimpre dapat niyo rin ipakita sa kamag-anak niya na masaya kayo."
"Masaya naman kami. Sa harap nga lang talaga ng mga kamag-anak niya. Pero kung kami lang, awkward. Lalo pa sa nangyari kahapon. Lalo lang tuloy naging awkward ang sitwasyon namin."
"Oh my! Bakit , ano ba ang nangyari kahapon? Nagkahalikan kayo? Naku baka mauwi na 'yan sa totohanan!" sigaw nito.
"Ang layo ng iniisip mo sa totoong nangyari Rocky. Nagalit kasi siya sa akin."
"Nagalit? Pinagbuhatan ka ba ng kamay? Naku baka bigla akong maging lalaki kapag nagkita kami ng Chandler na 'yan. Makakatikim siya sa akin ng left and right uppercut."