Part 1

5.9K 89 10
                                    

Kung na nagustuhan niyo ang kwento, super malaking bagay na para sa akin ang votes niyo! Thanks in advance.hehe...

ANG aga-aga, may nanggugulo na sa mahimbing na tulog ni Sapphire. Paano kasi, 7:00 a.m. ba naman may nagpapatugtog na ng rock songs? At tingin niya, sa mismong bahay pa nila nanggagaling ang ingay. Sino lang ba ang nakatira sa bahay nila? Siya lang naman at ang Mama niya. Ang Mama niya nagpapatugtog ng rock songs? Mula ng mamatay ang Papa niya ngayon pa lang yata niya ito narinig na nakinig ng ganoong klaseng kanta. Iyon na ba ang natutunan nito sa mga nagiging boyfriend nito na kaedad lang yata niya? Hindi siya ang matanda na kundi ang Mama niya ang nagkakaroon ng boyfriend na bata. Ilang beses na rin niya itong napagsabihan pero ano lang ang sinabi nito? Mapipigilan pa ba daw ang puso kapag nagmahal na? Tapos sisimulan na lang siyang iyakan kaya ano pa bang magagawa niya kundi hayaan na lang ito. Basta siya, hindi siya nagkulang na pagsabihan ang Mama niya. Ilang beses na rin itong nahiwalayan at halatang pera lang ang habol ng iba pero hindi pa rin ito nadala. Sa katunayan may bago na naman itong nobyo. Noong isang araw lang, narinig pa niya itong may sinasabihan ng I love you. Hinahayaan na lang niya ito basta sa isang kondisyon, huwag na huwag nitong madala sa bahay nila ang nobyo nito kung ayaw ng Mama niyang matalupan ito ng balat kahit kamukha pa ni Enrique Gil. At ngayon pati ba naman ang tahimik niyang mundo magugulo na rin dahil sa 'di magandang epekto ng nobyo ng Mama niya dito? Hindi siya makakapayag!

"MA!!!" sigaw niya habang pababa siya ng hagdanan. Sa lahat ng ayaw niya, iyong maingay. Buti sana kung kanta ng idol niyang Exo ang pinapatugtog ng Mama niya, kahit buong araw pa hindi siya magwawala. Korean kpop boyband ang Exo kaya kahit ba hindi niya maintindihan ang mga lyrics ng kanta nila, maganda naman pakinggan. Hindi kagaya ng naririnig niya ngayon, wala na yatang alam gawin ang singer kundi sumigaw.

NASA ibaba na siya pero hindi niya mahanap ang ina. Kaya pinatay na lang niya ang DVD at bumalik na siya sa itaas.Isturbo talaga sa tulog!

PAHIGA na siya ulit sa kama niya nang tumunog na naman ang rock song na nakakasira sa eardrums niya. Ibig sabihin nasa ibaba lang ang Mama niya at mukhang nang-iinis lang.

PABABAna naman siya ng hagdanan ng may makita siyang lalaking matangkad na siyang nag-on ng DVD nila. Bigla siyang napaakyat ulit sa second floor ng bahay nila. May nakapasok sa bahay nila? Magnanakaw? Ang kapal naman yata ng mukha nito para magpatugtog pa habang nagnanakaw. Bigla siyang kinabahan. Sinadya ba nitong mag-ingay para hindi siya marinig ng mga kapitbahay kapag sumigaw siya? May balak ba itong pagsamantalahan siya? Oh no!Tatawag na ba siya ng pulis?

Tumakbo siya sa kwarto niya para hanapin ang phone niya. Kailangan niyang makahingi ng tulong! Ang problema, wala doon ang cellphone niya. Napaisip siya, saan ba niya naiwan ang cellphone niya? Nanuod siya ng movie bago siya natulog tapos... lagot! Naiwan niya sa mesa sa ibaba ang cellphone! Napaiyak na siya.

"Ganito mo ba talaga ako kukunin Lord? Ang bata ko pa. Hindi ko pa nga natutupad ang pangarap ko na makapunta sa concertng Exo tapos papatayin niyo na 'ko? Huwag naman muna Lord," napa-sign of the cross siya. Huminga siya ng malalim. "Kailangan 'kong makalabas man lang ng-," may biglang pumasok sa isip niya. "Sandali, hindi kaya boyfriend ni Mama ang lalaki na nasa ibaba?" mas malaki ang posibilidad na tama siya sa iniisip. Sa nakita niyang tindig ng lalaki kanina, hindi naman ito mukhang magnanakaw.

NAWALANG bigla ang takot niya at napalitan agad ng inis. Lumabas siya ng kwarto at pababa na nang makita niya ang lalaki. Nakaupo pa talaga ito sa sofa nila at nakapatong pa ang mga paa sa lamesita nila. Feeling at home talaga.

"Hoy!" Sigaw niya. Pero sa lakas ng music, mukhang mauuna pa siyang mapaos kaysa marinig nito. Naghanap siya ng maihahampas dito. Nakakuha siya ng newspaper? Pwede na rin, wala din naman siyang plano pumatay. Nakatalikod itosa paningin niya habang pababa siya ng hagdanan. Hinampas niya ito ng newspaper habang nasa may likuran siya nito.

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon