Part 4

1.8K 37 0
                                    


TUESDAY... Wednesday... Thursday... Friday... Saturday.. at ngayon, Sunday na. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang magkausap sila tungkol sa gagawin niyang pagpapanggap. Ibig sabihin, isang linggo na lang ang natitira, sasama na siya dito para makilala na niya ang pamilya nito. Sandali, bakit parang nagbibilang siya ng mga araw? Hindi naman niya dapat paghandaan ng masyado ang pakikipagkita sa pamilya ni Chandler. Isa pa, magpapanggap lang din naman sila.

NAPABANGON siya sa kama niya. Alas dose na ng tanghali. Mula nang makauwi siya kanina galing sa trabaho at nahiga sa kama, hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakatulog. Napatingin siya sa gilid ng kama niya, naroon na ang gamit niya na dadalhin niya bukas. Nagulo niya ang buhok niya. Ano bang pumasok sa isip niya at thursday pa nga lang, inihanda na niya ang mga dadalhin niya? Para tuloy siyang totoong girlfriend ni Chandler na excited ng makilala ang pamilya nito. Ang nakakahiya pa, mula noong sinabi ni Chandler sa kaniya na magpapanggap siyang girlfrriend nito, hindi na nito iyon inulit sa kanya. Noong isang linggo hindi niya ito nadadatnan at hindi na rin naman siya nagtanong sa Mama niya tungkol dito. Umaalis din siya at sa apartment na lang ni Rocky nananatili hanggang sa aalis na siya papuntang trabaho. Nitong linggo naman, kahit ba araw-araw rin naman niya itong nadadaanan sa living room, wala rin itong sinasabi. Ayaw rin naman niyang magtanong kung tuloy dahil baka sabihin lang nito na excited siya. Ayaw rin niyang magpaka-friendly dito lalo pa at wala pa ein itong pagbabago pagdating sa pagsira ng tahimik niyang mundo. Pinagtiya-tiyagaan na lang din niya dahil kung matuloy man, isang linggo na lang ang paghihirap niya at tuluyan na itong mawawala sa buhay niya. Hinila niya ang bag niya at itinago iyon sa ilalim ng kama. Hindi dapat iyon makita ng Mama niya.Atleast kahit hindi man matuloy, siya lang ang nakakaalam na naloko siya ni Chandler at si Rocky nga din pala.

At dahil nga sa hindi siya makatulog, bumaba siya para kumain. Baka kasi kapag nakakain na siya, maisipan na rin ng utak niya ang magpahinga.

NAGPUNTA siya sa kusina at nadatnan niya doon ang Mama niya at si Chandler na sabay kumakain. Napasimangot siya. Kailangan ba talaga nandoon ito?

"O anak, gising ka na? Halika, sumabay ka na sa amin kumain. Tikman mo ang ulam, si Chandler ang nagluto at ang sarap."

At ito pa talaga ang nagluto. Nakakawalang gana. Mas gusto pa yata niyang kainin ang mga ulam na niluluto ng Mama niya kaysa kainin ang luto nito.

"Wala bang ibang ulam?" tanong niya.

"Noodles na naman ba ang kakainin mo? Nakakamatay 'yan ng maaga kung aaraw-arawin mo. Kainin mo na lang ang niluto ko, hindi kita lalasunin," sabi pa nito.

"Sige na anak, sumabay ka na sa amin. Si Chandler na nga ang nagmagandang loob maglutong tanghalian natin, aayawan mo pa."

"Hindi ako kumakain niyan," sa amoy pa lang sigurado siyang adobo iyon. Ang adobo na ipinagkait nito sa kanya.

"Pero anak, hindi ba at paborito mo naman ito? Sige na, huwag ka ng mahiya," tumayo ang mama niya at sinandukan siya ng kanin.

Dahil inihanda na ng Mama niya ang pagkain, nakakawalang respeto naman kung hihindian niya 'di ba? Kaya naman kahit ayaw niya, naupo na lang rin siya. Ang plano niya, kaonti lang ang kainin pero nang matikman na niya ang karne, nakalimutan na niya iyon at simot ang lahat ng nasa plato niya. Patayo na nga sana siya para kumuha pa ng kanin nang magsalita si Chandler.

"Akala ko ba hindi ka kumakain ng adobo? Simot na simot a," nakatawa pa nitong sabi.

Sa halip na kumuha pa ng kanin, inilagay na lang niya sa lababo ang pinggan niya.

"Hindi ko ugali ang magtira ng pagkain sa pinggan. Kung pwede nga lang hindi ubusin. Sobrang alat."

"Maalat?" ang Mama niya. "Hindi naman a, tama nga lang ang timpla."

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon