Part 5

1.9K 40 4
                                    


"BABE, ang laway mo, tumutulo."

Bumalik sa pilipinas ang isipan niya nang marinig ang boses ni Chandler at lalo na ng makita ang mukha nito. Hindi naman talaga kasi nagtatagalog ang idol niyang korean at malamang, ang mga tao sa paligid niya ay mga kamag-anak nito.Tinitigan niya ito ng matalim dahil sa mga sinabi nito. Una, kailan pa siya nito naging babe? Naisip rin naman niya agad na nagpapanggap nga pala silang magkasintahan. Pero ang tulo-laway? Sa harap pa talaga ng mga kamag-anak nito gustong mang-asar? Baka akalain pa ng mga ito, totoong tulo laway siya. Kahit na ayaw sana niyang patulan ang sinabi nito, napahawak pa rin siya sa gilid ng bibig niya na ikinalaki ng mga mata niya. May naramdaman kasi siyang basa. Laway niya ba 'yon? Totoo ang sinabi ni Chandler? Nakakahiya!

"Baka napasarap ang tulog anak," sabi ng babaeng pinaka-pilipino ang itsura sa lahat. "Ako nga pala ang Mama ni Chandler, masaya ako at sa wakas, nadala ka na dito ng anak ko," mangiyak-ngiyak nitong sabi sa kanya.

Hindi halata sa itsura nito na may malubha itong sakit. Napakaganda kasi ng Mama nito. Agad nga siyang nakaramdam ng guilt sa nakita niyang tuwa sa mukha nito. Mahirap rin naman talagang magsinungaling lalo pa sa taong may karamdaman.

"Anak, ayos ka lang ba?" tanong nito sa kanya nang hindi man lang siya sumagot.

"Babe hindi ba at matagal mo ng gustong makilala si Mama? Huwag ka ng mahiya diyan," sabi ni Chandler sa kanya.

Sa kabila ng kung anu-anong tumatakbo sa isip niya, nang mapatingin siyang muli sa matamis na ngiti ng Mama nito,napangiti na lang rin siya at binati ito.

"Hello po."

"Ang ganda niyopo pala talaga Ate Sapphire. Sabi ni kuya pang beauty queen daw ang itsura ng girlfriend niya at totoo nga. Ako nga po pala si Trixy," sabi ng isang dalagang babae na tingin niya, nasa fifteen o sixteen siguro ang edad. Ang ganda ng kutis nito at maganda rin.

Mas tumatak sa isip niya ang mga sinabi nitong pang-beauty queen ang ganda niya?At kuya pa kamo nito ang nagsabi? Hindi niya napigilang mapangiti. Sinabi pa nito sa kanya na mukha siyang palito ng posporo pero iba naman pala ang sinabi nito sa kapatid, hindi lang masabi ng diretso sa kanya.

"Salamat."

Sumunod pang nagsalita ang mga kamag-anak nito na naroon. At kagaya ni Trixy, mga magagandang bagay rin ang mga sinabi ng mga ito sa kanya. Mukhang mababait naman pala ang mga kamag-anak ni Chandler at mukhang madali rin niyang makakasundo, hindi katulad ng kunwari niyang boyfriend.

"Mamaya niyo na lang ituloy ang kwentohan. Kumain na muna tayo," sabi ng Mama ni Chandler.

HABANG kumakain sila kasama ang mga kamag-anak ni Chandler, hindi man lang siya nakaramdam ng pagkailang. Para talaga kasing matagal na niyang kakilala ang mga ito. Napansin rin niya na hindi naman pala may halong korean ang lahat ng mga ito. Mga kapatid lang siguro ni Chandler na si Trixy at Daniel. Ang mga tiyahin nito na naroon,mapuputi lang talaga siguro kagaya ng Mama nito pero mukhang wala namang halo at purong pilipino.

NAGING masaya ang hapunang iyon. At nang matapos silang kumain, ipinagpatuloy pa nila ang usapan nila. Ang mahirap lang, maraming tanong ang mga ito tungkol sa kanila. Kagaya ng kung kailan sila nagkakilala, kailan niya sinagot si Chandler, mga bagay na hindi nila napaghandaan ni Chandler pag-usapan. Pero dahil plano naman ni Chandler na magpanggap sila, dapat lang ito ang sumagot ng mga tanong na iyon. Sa ganda rin naman kasi ng pakikitungo ng mga ito sa kanya, parang ang hirap dagdagan pa ang pagsisinungaling niya sa mga ito.

"MABUTI naman at nakahanap na ulit itong si Chandler ng magpapatibok ng puso niya. Akala ko talaga kasi ay tatanda ka ng binata," sabi ng Tita Mayet nito, nakababatang kapating ng Mama ni Chandler.

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon