Part 8

1.7K 31 3
                                    


"DATI pa man, ang kusina na ang paborito kong lugar sa bahay. Bata pa lang kasi ako, palagi ko ng tinitingnan magluto si Mama. Hanggang sa sinubukan ko na rin," pagki-kwento ni Chandler habang naghihiwa ng maraming ahos. "Ikaw ba, hindi mo ba nakahiligan panuorin ang Mama mo magluto at hindi ka natuto?"

"Ipanlandakan ba?"

Natawa ito. "Tayo lang naman ang nandito."

"Para sabihin ko sa 'yo, bata pa lang ako nasa harapan na ako palagi ni Mama kapag nagluluto siya. Kaya nga kuhang-kuha ko ang cooking style niya e."

Natawa ito. "Mas mabuti pala talagang hindi ka na lang magluto."

Natawa na rin siya. "Natikman mo na ang luto ni Mama?"

"Nakakabuhay ng patay."

Insulto man 'yon sa Mama niya pero talaga kasing wala itong talento sa pagluluto na siyang namana niya.

"I-on mo na ang stove at ilagay mo na rin ang frying pan. Lagyan mo na rin ng kaonting mantika," sunod-sunod nitong sabi sa kanya.

"Inuutusan mo 'ko?"

"Hindi kita inuutusan, tinuturuan kitang magluto. Sige na simulan mo na para makatapos tayo bago pa sila magising."

NANG sabihin ng Mama ni Chandler ang tungkol sa pagluluto ng may pagmamahal, aminin niya pumasok talaga sa isipan niya ang scene na magkasama silang magluluto ni Chandler. Pero hindi niya akalain na magkakatotoo pala iyon agad. Kaya pala gusto siyang gumising ni Chandler ng maaga ay dahil gusto nitong magluto sila ng agahan.

"Ahy!" sigaw niya habang nilalagay niya ang mga ahos sa kawali.

"Hindi naman tumitilansik 'yan," sabi nito.

"Anong hindi? Ayan nga o! Aray!"

"Ang lakas kasi ng apoy mo. Hinaan mo kasi," hininaan nito ang apoy. "Ahos pa nga lang ang inilagay natin mukhang masusunog na."

"Ayoko na! Ikaw na lang," lumayo siya.

"Nagsisimula pa nga lang tayo sumusuko ka na? Fried rice pa nga lang 'to," sinimulan na nitong ilagay sa kawali ang kanin-lamig.

Nakatayo siya sa may likuran nito. Kaya naman kitang kita niya ang bawat galaw nito. Sa nakikita niya, para talaga itong totoong chef. Bilib na bilib na siya kahit fried rice pa nga lang ang niluluto nito.

"GANOON lang kadali," sabi nito nang matapos nitong lutuin ang fried rice. "Kung gusto mo talagang matuto, hindi ka dapat natatakot."

"Natatakot lang naman kasi ako para sa inyo. Hindi ba ang sabi mo ang luto ng Mama ko nakakabuhay ng patay? Kabaliktaran kasi ang sa akin e, nakakamatay."

"Pero siguro naman nakapagluto ka na ng itlog."

Lumapad ang ngiti niya. "Itlog ba kamo? Expertise ko 'yan!"

Kampate siyang magagawa niya ng maayos ang pagluto ng itlog.Maliban kasi sa hotdog at noodles, isa 'yon sa palagi niyang niluluto.

"PERFECT!" nakangiti niyang sabi nang matapos niyang maluto ang itlog, ham at hotdog. Kung iisipin, siya kasi ang nagluto sa lahat ng kakainin nila ng umagang 'yon.

"Magaling ka naman palang magluto. Mukhang hindi naman pala ako magugutom kapag ikinasal na tayo."

Napatingin siya dito. Kailangan ba talaga feel na feel nito ang pag-arte nila na magkasintahan sila at ikakasalsa hinaharap? Kung seseryosohin niya ang sinasabi nito, siya lang din ang kawawa. Alam naman nilang pareho na arte lang ang lahat. At malamang, ang mga sinabi nito sa kwarto sa kanya, biro lang. Kung ganoon ang concept nito para sa pagpapanggap nila, makikisakay na lang din siya.

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon