Part 9

1.6K 38 0
                                    


SA unang pagkakataon mula nang dumating sila sa probinsiya nila Chandler, ngayon lang sila nagkausap na nagtatawanan bago sila natulog. Magkatabi na rin silang natulog dahil magkaibigan na daw sila. At para hindi daw siya mailang, naglagay ito ng maraming unan sa gitna ng kama. Marami itong naikwento sa kanya tungkol sa kabataan nito. Natawa ngasiya kasi may mga binago ito sa mga naikwento ng Mama nito sa kanya. Ito daw ang naka-experience kaya dapat ito ang paniwalaan niya. Isa na roon ang pagiging dance champion daw nito noong highschool.

"Ikaw naman ang mag-kwento," sabi ni Chandler sa kanya. "Pagod na 'kong magkwento, ako lang naman ang salita ng salita."

"Nakakatuwa ka lang kasing pakinggan," nakatawa niyang sabi. "Hindi ko akalain na ganyan ka pala kadaldal. Masyadong malayo sa Chandler na nakilala ko sa bahay namin."

"Bakit? Mabait naman ako sa inyo a. Ikaw lang itong may galit sa akin."

"Isturbo ka kasi sa tulog. Ang ingay mo kasi," biglang pumasok sa isip niya ang dahilan ng pag-iingay nito. Napansin rin niya na natahimik ito. "Sorry."

"Ayos lang. Maingay naman talaga ako. Kapag kasi tahimik...s-si Diana..." hindi nito naipagpatuloy ang sinasabi nito.

"Ituloy mo lang," sabi niya. "Kung seryoso ka talaga sa akin at gusto mong may patunguhan tayo, dapat wala kang ilihim sa akin. Isa pa, kung sakali man magkatuluyan tayo, kasama rin naman ako sa magtiya-tiyaga sa ingay mo. Ang totoo, nabanggit na rin sa akin ng Mama mo si Diana."

Sandali itong natahimik.

"K-Kapag kasi tahimik- at mag-isa lang ako, naaalala ko ang nangyari," medyo pumiyok ang boses nito. "Kapag natutulog ako't tahimik, bigla na lang pumapasok sa isip ko ang nangyari kahit hindi ko gustohin. Isa siyang bangungot na hindi mawala sa sistema ko. Na para bang- minumulto ako dahil wala man lang akong nagawa para mailigtas siya. H-Hindi ako mapatawad ni Diana."

Napaupo siya sa kama at napatingin dito. Nakita niya ang mga luha sa mga mata nito. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Hindi si Diana ang hindi makapagpatawad sa 'yo Chandler. Ikaw ang hindi makapagpatawad sa sarili mo."

Hindi ito nakapagsalita at nagpatuloy sa pag-iyak nito at biglang napaupo sa kama. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong niyakap.

"P-pagod na pagod na 'ko Sapphire. Pinipilit kong lumimot pero ayaw akong tantanan ng masamang alaala ng nakaraan ko. Hinahabol ako araw-araw at ayaw akong lubayan."

Pakiramdam niya sa loob ng matagal na panahon, ngayon pa lang naipalabas ni Chandler ang nararamdam nito. Ramdam niya kasi ang bigat na dinadala nito. Niyakap niya rin ito.

"Gusto mo bang puntahan natin ang puntod ni Diana?"

"M-Mula ng mamatay siya, hindi ko nagawang puntahan ang puntod niya. H-Hindi ko kaya."

"Kailangan mong pilitin ang sarili mo. Habang buhay mo 'yang dadalhin kung hindi mo magagawang pakawalan ang masamang nakaraan mo. Kahit hindi mo siya puntahan, alam mong patay na siya Chandler at malamang, matagal ng hinihintay ni Diana na puntahan mo siya kaya palagi siyang nagpapaalala sa 'yo."

"K-Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang mga paghihirap niya pero wala akong nagawa para iligtas siya. Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko. Sinubukan ko pero hindi ko pa rin siya nagawang matulungan, maprotektahan. Wala akong kwentang tao."

"Hindi totoo 'yan," napaiyak na rin siya. "Sigurado akong sinubukan mo."

"Pero naging mahina ako."

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon