Tatlong araw na ang nakalipas simula nang magtapat ako ng pag-ibig kay Kuya Jude. Tatlong araw. Tatlong araw ko nang ramdam ang pag-iwas niya sa akin. Sigurado ako do'n. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit gano'n sapagkat sinunggaban ko ito kaagad ng halik sa labi kahit sinasabi niya na sa akin na may asawa siya at 'yon ang kapatid ko.
Araw-araw ay laman ng isipan ko ang pag-iwas sa akin ni Kuya Jude. Hanggang sa gumabi na ay dala-dala ko pa rin ang iniisip ko magpahanggang gig ko. Mabuti na lang at hindi nito naaapektuhan ang mga performances ko gabi-gabi dahil paniguradong malalagay ako sa alanganin. Ayoko namang mapahiya kina Joseph at sa mga kabanda niya. Gusto kong hindi sila magsisi na ako ang pinili at ipinasa nila.
Gabi. Eight-thirty. Nagtext sa akin si Elliot. Bakasyon lang muna sila ng banda nila at nagbabalak itong bisitahin ako. Malamang miss na miss na ako ng loko.
Nandito ako ngayon sa backstage ng Light's Out at pilit na inaalala ang tono ng kantang Isang Linggong Pag-ibig na nai-cover ni KZ Tandingan. Pamilyar naman ako sa kanta ngunit hindi sa rendition ni KZ, 'yong sa original ang mas kabisado ko. Sa Light's Out kami nagpe-perform sa tuwing TTHF, sa MW naman ay nasa Triple M Music Lounge na sa kasamaang palad ay do'n naganap ang inuman session namin ni Kuya Jude na humantong sa pag-amin ko sa kanya, at sa tuwing saturday at sunday naman ay nasa Blue Void kami.
Habang kinakanta ko ang Isang Linggong Pag-ibig ay naaalala ko naman ang isang gabing pag-amin ko kay Kuya Jude na naging mapusok. Kapag naaalala ko ang mga nakaw na sandaling iyon ay bumabalik pa rin sa aking isipan ang bawat paggalaw ng aming mga labi habang naghahalikan.
Totoo. Nakakabaliw nga.
Tatlong gabi akong hindi pinapatulog ng mga sandaling pakiramdam ko ay akin siya. Isang gabing puno ng tukso na nagbigay sa akin ng tatlong gabing impyerno sa pagtulog.
"Oh, kay bilis ng iyong pagdating. Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din." Kanta ko.
Napahawak na ako ng mahigpit sa mikropono habang nakapikit na tila rinoromansa ang bawat nota ng kanta.
Panay lamang ang isip ko kay Kuya Jude habang binibigkas ko ang liriko ng kanta. Naglalaro na naman sa aking isipan ang mga halik ni Kuya Jude. Dinadala na naman ako nito sa alapaap. Parang ayoko nang tumapak pa sa lupa.
Narinig kong nagsihiyawan ang mga tao.
"Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap. Sa isang iglap lang nawala ring lahat." Pagtapos ko saka napakagat labi.
Nagpalakpakan ang madla. Napangiti ako. Kung sa gabi-gabing gig ay si Kuya Jude ang nasa isipan ko. Hindi ko alam kung iniisip niya din ba ako habang katabi niya ang kapatid ko.
Mag-aalas-dose na nang makauwi sa bahay. Buti na lang at hinatid na ako ng mga kabanda ko. Wala na kasing masasakyang taxi dahil dis oras na ng gabi. Nightlife. Ito ang hinahanap-hanap ko. Medyo nakainom dahil hindi naman talaga maiiwasan sa tuwing may gig lalo na kapag wild ang mga kabanda. Apat na baso lang naman ng Emperador ang nainom ko ngunit malakas pa rin ang tama. Ngunit, ayos lang naman. Buhay pa rin akong nakauwi.
Sanay naman na kasi ako. Ganito rin naman ang ginagawa namin noon nina Elliot noong nasa Vista pa ako. Pero, minsan, hindi ako pinapayagang uminom ni Elliot. Ewan ko ba, para ko siyang tatay noong nasa Vista pa ako. Siya kasi minsan ang sumasalo sa akin kapag nag-iinuman sila ng mga kabanda namin. Syempre, hindi mawawala ang tuksuhan. Naging loveteam pa nga kami noon ngunit tinatawanan lang namin pareho.
Masaya naman kasi ang may nightlife. Ang boring kung nakakulong ka pa rin sa loob ng bahay kahit gabi na.
"Salamat, Joseph!" pasasalamat ko sa kanya ng makalabas ako ng sasakyan.
"Walang anuman," sagot nito na medyo nakainom na rin.
Nagpaalam na rin ako sa ibang mga kabanda ko na nasa may backseat. Mga chainsmokers at hanggang ngayon ay tumatagay pa rin ng Emperador.
"Pahingi naman ng yosi, oh." Sabi ko sa guitarist namin na si Mike na mukhang sabog na.
"No problem, Tata." Wika nito at binigyan ako ng tatlong yosi. "Tatlo 'yan para may reserba."
Natawa naman ako. "Nice. Salamat, pre."
Nginisihan lang ako nito at kumaway na sila sa akin upang magpaalam. Bago ko pa buksan ang gate ay kinapa ko muna ang lighter ko sa bulsa at saka sinindihan na ang yosi. Wala, eh. Malamig na kasi.
Dahan-dahan kong binuksan ang gate upang hindi lumikha ng ingay. Alam ko kasing tulog na sina Ate Mar at Kuya Jude. Dis oras na ng gabi. Saka, may mga pasok pa 'yon bukas.
Itinaas ko ang doormat dahil sa ilalim no'n ay ang susi ng bahay. Nang mabuksan ko ang pinto ay madilim na sa loob. Sa may sala ay medyo may ilaw dahil bukas pa ang lampshade. Nagtanggal muna ako ng sapatos para maging komportable ang mga paa ko. Sa sala ay naghanap ako ng papel na hindi na ginagamit at itinupi ko 'yon na parang box upang gawin kong ashtray. Umupo muna ako sa may sofa at inilapag ko dito ng marahan ang hawak kong gitara. Hindi pa naman inaantok kaya't tumambay lang muna ako sa may sala ng mga ilang sandali habang nagyoyosi.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay nadinig kong nagbukas ang pintuan ng kwarto nina Kuya Jude. Hindi pa man ako natatapos manigarilyo ay kaagad ko itong pinatay baka kasi si Ate Mar ang nagising. Paniguradong lagot ako no'n.
"Krisanta?" tawag nito sa akin.
Boses lalaki. Tangina, si Kuya Jude.
Napatayo ako sa aking kinauupuan. Nagpunta ng sala si Kuya Jude. Hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kanya. Tangina na naman. Nag-iinit ako.
Puting boxers at itim na sando. Sino ba ang hindi magtatangkang pagnasahan ang ganyang suot?
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Gabing-gabi na. Nag-aalala na sa'yo ang kapatid mo." Walang alinlangang sabi nito sa akin na parang wala lang sa kanya na ganyan ang suot niya kahit nandito ako.
"Baka ikaw ang nag-aalala sa akin." Nakangising wika ko sa kanya.
"Krisanta..." bigkas nito sa pangalan ko na nasa tono ng pagsaway.
"Totoo naman, 'di ba?" mapangahas kong tanong sa kanya.
Hindi ito sumagot sa akin kundi sa ashtray na gawa sa papel napunta ang atensyon niya. Lumapit siya sa pwesto ko at dinampot ang sigarilyong hindi naupos.
"Naninigarilyo ka na naman." Sita nito.
Mabilis akong lumingkis sa kanya at nilapit ang aking mukha sa kanyang mukha.
"Bakit? Amoy nicotine na naman?" pilyang tanong ko. Hinawakan niya ako sa may braso at pilit na naman nito akong nilalayo sa kanya.
Hindi na ako nakapagpigil pa. Siniil ko na naman siya ng halik gaya ng dati. Hindi nagtagal ay gano'n din si Kuya Jude. Nalulunod na naman ito sa sensasyon ng tukso. Dahan-dahan niya akong inihiga sa may sofa habang kami ay naghahalikan pa rin. Marahan niyang tinanggal ang unang butones ng blouse ko at hinalik-halikan niya ang leeg ko.
Tangina. Nandito na naman kami at nagkakasala. Nandito na naman kami at pilit na tinatama ang mali.
Wala akong nararamdamang takot at kaba. Disidido na yata akong sulotin ang asawa ng kapatid ko.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pagtanggal niya ng butones ng shorts ko. Bago pa niya ito ibaba ay bumulong muna ako sa kanya, "Mahal na mahal kita."
Naramdaman ko ang paninigas ni Kuya Jude. Parang natauhan ito at kaagad na umalis sa itaas ko. Umupo ito sa may sofa at napahilot sa sentido.
"Mali ito. Mali." Paulit-ulit niyang bulong.
"Kuya Jude," tawag ko sa kanya at pinaharap ko siya sa akin. Dahan-dahan kong hinubad ang damit ko sa kanyang harapan at saka sinunod ko na dito ang pulang bra ko.
"Ngayon, sabihin mo ulit sa akin na mali ito." Hamon ko sa kanya at hinalikan na naman ulit ito sa labi.

BINABASA MO ANG
Pangalawa
General FictionBlack sheep. Second choice. Music is life. Iyan si Maria Krisanta Baltazar o mas kilala sa tawag na Tata. Siya ang tinaguriang black sheep ng pamilya at palaging pumapangalawa sa kapatid niya. Lagi na lamang siyang pumapangawala sa lahat ng bagay da...