Sa Light's Out kaagad ang diretso ko pagkatapos nang mahabang byahe. Kahit maaga pa ay dito na ako naglagi. Kilala ko naman na ang manager dito kaya pinayagan niya lang muna akong manatili kahit pansamantala.
Panay pa rin ang ring ng cellphone ko. Hindi naman si Kuya Jude ang tumatawag sa akin kundi si Ate Maricris naman. Kaya ang ginawa ko ni-silent mode ko ito upang hindi na ako maistorbo.
Naghintay ako ng ilang oras dito sa Light's Out upang makausap sina Joseph at ang mga bandmates ko. Magpapaalam na ako sa kanila. Nagdesisyon na kasi akong babalik na ulit ako sa Vista at doon na ako mananatili ng matagal. Huling gig ko na ito kasama sina Joseph. Mami-miss ko silang lahat. At mukhang hindi na talaga magbabago ang isip ko.
Pagsapit ng alas-singko ay nag-order ako ng isang bote ng Red Horse. Kailangan kong malasing ngayong gabi. Gusto ko kapag mag-perform ako ay todo bigay. Walang nota na matatapon. Huli na kasi ito kaya ibibigay ko na lahat hanggang sa wala na akong maalala pa.
Sunod-sunod na ang tungga ko ng alak. Ni hindi ko na maramdaman pa ang pagsugat ng pait sa aking lalamunan. Pakiramdam ko manhid na ako dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Gusto ko lang talaga malasing. 'Yon lang.
"Tata!" tawag sa akin ni Joseph ng kanya akong makita. Agad naman niya akong tinapik sa may balikat at umupo sa tabi ko.
"Uy, broken?" pang-aasar nito sa akin.
Nag-dirty finger ako sa kanya. "Fuck you, Joseph."
Tumawa naman ito at itinaas ang dalawang kamay. "Oh, easy ka lang, Tata. Nagbibiro lang naman ako. Masyado kang highblood."
Hinanap ko ang aking isang kaha ng Marlboro Lights at kumuha ng isang stick 'don.
"Yosi?" alok ko sa kanya.
"Sure," sabi nito at kinuha sa akin ang kaha ng sigarilyo. "Tatanggi pa ba ako sa grasya?"
Lihim naman akong tumawa at tinignan ko siya. "Nasaktan ka na ba?" biglaang tanong ko sa kanya.
Nagtaka naman ito sa tanong ko. "Lasing ka na ba?" tanong nito sa akin at bumuga ng usok ng sigarilyo. "Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo."
"Hindi pa 'no," giit ko, "sagutin mo na lang kasi ang tanong ko."
"Chill, heto sasagot na." Sabi niya sa akin. "Ano ba kasing klaseng tanong 'yan. Syempre, oo naman. Maraming beses na."
"Nakakagago 'no?" sabi ko sa kanya.
"Aba, oo naman," wika nito. "Syempre, kapag masasaktan ka natural na masakit. Gusto mo nang mamatay. Gusto mo nang maglaho. Gusto mo nang magpakalayo-layo dahil nga nasaktan ka. Pero, ayos lang masaktan. Parte 'yan ng buhay natin. Ang akin lang naman eh, kapag nasaktan ka, matuto kang tumayo mula sa pagkakadapa, matuto kang umusad at imulat ang mga mata mo."
"Ang deep, ha?" sabi ko at tinungga ang isang baso ng alak.
"Deep din kasi ang tanong mo. Napaghahalataan na may hugot ka sa buhay." Sabi nito. "Ano ba kasi ang problema mo?"
Nangalumbaba ako. "Wala 'yon. Akin na lang 'yon. Sa palagay ko naman din magiging tama na ang desisyon kong ito."
"Ano naman 'yon?"
"Babalik na ako ng Vista." Sabi ko sa kanya.
Biglang napatingin sa akin si Joseph sa akin na gulat na gulat. "Ano? Eh, paano naman kami?"
"Joseph, pasensya ka na ngunit huling gig ko na ito kasama kayo. Alam kong maiintindihan mo ang desisyon kong ito. Kailangan kong umusad, Joseph." Naiiyak na kwento ko. "Kailangan ko na talagang umusad. Kailangan na kailangan. Ayaw ko nang manatili sa ganito. Masakit na kasi, Joseph. Parang pinapatay na ako sa sakit at lungkot."
Bumuntong hininga si Joseph. "Tahan na, Tata. Naiintindihan kita."
"Salamat, Joseph." Sabi ko sa kanya at pinahiran ko ang aking mga luha. Kanina pa ako iyak nang iyak.
"Anong kanta ang gusto mong kantahin ko?" nakangising tanong nito sa akin.
Napahagikhik ako. "Sigurado ka?"
"Oo naman. Ako pa."
Ako naman ang ngumisi. "Sige. Enter Sandman ng Metallica. 'Yan ang request ko."
Bumagsak ang balikat ni Joseph. "Walang hiya ka, Tata. Pahingi na nga lang ulit ng yosi."
Hindi naman ako binigo ni Joseph. Buhay na buhay lahat ng manonood sa Light's Out ng kinanta niya ang Enter Sandman ng Metallica. Syempre, all out performance ang kailangan do'n. Magwawala ka talaga dahil sa instrumental pa lang nakakahipnotismo na ang himig.
Alam kong nahihirapan talaga si Joseph sa kantang iyon ngunit naitawid naman niya ng mabuti. Ayaw niya sa kantang iyon kaya hindi makabasag pinggan ang reaksyon niya kanina nang ito ang ni-request kong kanta.
"Mga minamahal naming mga fans! May nakakalungkot na announcement kami ngayon," anunsyo nito pagkatapos ng kanyang kanta. "Nakikita niyo ba ang lasenggang babaeng 'yon?" tanong nito sabay turo sa kinaroroonan ko.
Walang hiya talaga ang isang 'yon tinawag pa akong lasengga.
"Huling gig na ngayon ng bokalista naming si Tata. Rason? Personal na 'yon. Pero, kahit gano'n mami-miss pa rin namin 'yang lasenggang babae na 'yan." Natatawang wika ni Joseph. "Hoy, Tata! Be happy na. Bawal ang malungkot dito sa Light's Out!"
"Oo nga!" sigaw ng mga customers sa loob.
Napangiti naman ako. Gumaan ang pakiramdam ko. Tinapos ko na ang pag-inom ko at mabilis akong umakyat sa may stage at inagaw ang mikropono mula kay Joseph.
"Ano pang hinihintay natin? Rak en roll na!" sigaw ko at naghiyawan naman lahat ng tao.
Nagsimula nang tumugtog sina Joseph. Alam na alam niya ang piyesa ko, I'm So Sick ng Flyleaf ang pinatugtog niya.
Habang kumakanta at nagwawala ako sa itaas ng stage. Nakikita ko naman sa mga manonood ang enjoyment. Nagugustuhan nila ang performance ng banda kaya nakakalimutan ko lahat ng hinanakit ko.
Todo palakpak silang lahat ng matapos ang kanta. Panay naman ang pagyuko namin pareho ni Joseph bilang pasasalamat. Tuwang-tuwang ang puso ko ngayong gabi dahil kitang-kita ko ang ngiti sa kanilang lahat.
At mula sa kalayuan, kitang-kita ko rin ang ngiti ni Elliot. Ngiting sa akin niya lamang ibinibigay.
----------
Note: Yowww! Isang kabanata na lang at magtatapos na ang kwento ni Tata. Abangan. Rak en roll mga repa!
![](https://img.wattpad.com/cover/124454032-288-k625940.jpg)
BINABASA MO ANG
Pangalawa
Fiksi UmumBlack sheep. Second choice. Music is life. Iyan si Maria Krisanta Baltazar o mas kilala sa tawag na Tata. Siya ang tinaguriang black sheep ng pamilya at palaging pumapangalawa sa kapatid niya. Lagi na lamang siyang pumapangawala sa lahat ng bagay da...